Chapter Four.1

8.7K 179 0
                                    


Ginabi na si Margaux sa shop. Nakarami rin siya ng sagot sa mga sulat. She gave sixty seven advices. At hindi niya alam kung makakatulong ba iyon. Sana naman. Nahiling niya. Layon naman talaga niya ang positibong resulta sa kanyang ginagawa.

"Margaux." Tinawag siya ni Bogie. "Kain ka muna. Mukha ka ng zombie d'yan."

Nilingon niya ang kaibigan. Sabay silip sa kanyang relo. Alas-otso y medya na pala.

Nasa ibang bansa na ang mga magulang ni Bogie. Ang lolo na lamang nito ang kasama sa bahay. Ngunit madalas si Bogie sa club house. Hindi na kasi nito tinapos ang pag-aaral at tinutikan na lang ang pagma-manage sa club.

Nagpasya siyang tumayo at lumapit kay Bogie. Naupo siya sa folding stool. Adobong manok at fried rice ang nakahain. Napatingin siya sa kaibigan.

"Wag nang mahiya ang tumbong mo. Ayokong mag-isa kumain. 'Buti nga andito ka kaya napilitan akong magpaluto ng ulam, kundi, junks na naman ang hapunan ko. Kain na." sabi nito nang maintindihan ang uri ng tingin niya.

"Yong tira iuwi mo na lang sa bahay n'yo." Sabi pa nito.

"Bogs." Lalong siyang nakaramdam ng hiya sa kaibigan. Hindi kasi lingid sa kaalaman ni Bogie ang estado niya sa buhay. At hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang tinulungan nito.

Umasim ang mukha nito. "Ay naman, Alex Margaux. Hindi bagay sa'yo ang nagda-drama. Lagi ka na lang ganyan. Investment ang ginagawa ko. Para naman 'to sa future natin." Sabi pa nito habang panay ang subo.

Umikot ang mga mata niya. Alam niyang nagbibiro lang ang kaibigan niya. "May hiya rin naman kasi ako."

Umismid ito. "Bawal dito 'yan. Sige na, Kain na."

Napapangiti na lang siya nang kuhanin ang kubyertos ang kumain na rin. Si Bogie na marahil ang nasandalan niya ng ilang taon. Ito rin ang iniyakan niya nang dumating ang pinakamasakit na araw niya sa pag-ibig. O kahit nang umalis siya sa puder ng kanyang ama at piliing mamuhay kasama ng kanyang ina at ng totoong pamilya nito.

"Matatapos ka na ba sa ginagawa mo?" Tanong sa kanya ni Bogie.

"May gagawin ka ba? Sige, solve na 'ko. I-send ko na lang naman 'yon eh." Sagot niya.

Umiling si Bogie at uminom ng tubig. "Hindi, hindi naman. Bababa lang ako sa bilyaran. May mga naglalaro pa kasi. Sasali lang ako habang nagbabantay."

"Ah, okay. Pero tapos na din talaga ako. Sabay na rin ako pababa sa'yo. Uwi na rin ako. Nag-text na si Aina. Hinahanap na ako ni Tatay." Sabi niya at mabilis na ginawang pagsubo. Ayaw na niyang paghintayin si Bogie.

Ipinagpatuloy nila ang pagkain habang nagkekwentuhan at nang matapos iyon ay mabilis niyang iniligpit ang pinagkanan nila. Tulad ng sinabi ni Bogie, ipinablot nga nito sa kanya ang natirang ulam.

Tinapos lang niya ang pagsi-send ng ginawa niya at mabilis na silang bumaba ni Bogie sa first floor ng club. Naroon ang air-conditioned billiard hall. May labinglimang billiard table doon. At hindi iyon nawawalan ng parokyano araw-araw.

Nagtatawanan pa sila ni Bogie habag bumababa nang may tumawag sa kaibigan niya. Sabay silang napalingon.

"Kevin!" Natuwang bati ni Bogie sa tumawag dito. Nilapitan ni Bogie ang ilang kalalakihan na naglalaro ngunit siya ay natulos kanyang kinatatatyuan dahil nakita niya ang lalaking maghapon na niyang itinataboy sa kanyang isipan.

Si Jaiden ang dahilan niya kung bakit nag-cut siya ng klase noong araw na iyon. Matapos ang nangyari sa library ay nagulo na ang araw ni Margaux. Hindi niya inakala na magkakaroon ng epekto ang ginawa niyang paghalik kay Jaiden. Na kung tutuusin ay ginawa lang naman niya iyon upang inisin ang binata. Ngunit iba ang nangyari.

Masayang nakipagkwentuhan si Bogie sa mga lalaki. Si Jaiden naman ay hindi pa siya napapansin dahil abala pa ito sa pakikipag-usap sa mga kasama. Hanggang sa tila ipakilala ang binata kay Bogie. Noon kumilos si Jaiden. Kasunod noon ay nakita siya.

Napatuwid siya ng tayo sabay hugot ng hininga nang magtama ang mga mata nila. She felt the ackwardness right away. Nagtagal din ang tingin nito sa kanya. Hindi niya kayang label-an ang uri ng tinging ipinupukol ni Jaiden sa kanya.

'Bakit kasi hinalikan mo pa?'

"Si Margaux." Narinig niyang pagpapakilala ni Bogie sa kanya. Napapapakurap siyang nag-iwas ng tingin kay Jaiden.

"Si Kevin. Nakasama ko s'ya-"

"Ah oo, kilala ko s'ya." Agap niya. "Nakikita ko s'ya sa school. Ahm, sige. Alis na 'ko."

"S-sige." Alam niyang nagtataka si Bogie. Ngunit hindi na niya pinagtuunan ng pansin iyon at mabilis nang lumabas ng club. Nagsisimula nang mag-iba ang tibok ng puso niya. Kinahaban siya bigla nang makita si Jaiden. Kaya kailangan niyang makalayo.


SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon