Chapter Six.2

8.2K 144 2
                                    

"Dito na lang ako." Sabi ni Margaux kay Ivan nang mapadaan sila sa isang kanto papasok sa lugar nila. Hindi na niya idinitalye ang address niya dahil ayaw na niyang malaman nito kung saan siya nakatira.

"Saan ka ba dito nakatira?" tanong ni Ivan habang itinatabi ang sasakyan. "Dito na ba ang sa inyo?"

"Oo. Bababa na 'ko. Salamat." Sagot niya at siya na ang nagbukas ng pinto saka lumabas. Isinara niya ang pinto at kumaway na lang kay Ivan. Ngunit hindi pa man nakakaandar ang sasakyan ay may lumapit na sa kanya. Si Baldo. Ang makulit nilang kapitbahay na panay ang palipad-hangin sa kanya. Ni hindi ito nahihiyang ipagsigawan ang 'pag-ibig' nito para sa kanya.

"Margaux!"

Kunot na kunot ang noo niyang nilingon si Baldo. Malapad naman ang niti nito habang papalapit sa kanya. Sinulyapan niya si Ivan at nakita niyang nakatingin ito kay Baldo. Bigla namang siyang inakbayan ni Baldo.

"Kumusta, Mahal? Ginabi ka 'ata." Ani Baldo. Mabilis naman niyang inalis ang braso nito sa balikat niya.

"May amats ka na naman." Sabi niya sabay lay okay Baldo. Tumawa ito.

"Ikaw naman. Galit agad. Isang shot lang ako."

Umismid siya sabay iling. Hinarap naman niya si Ivan. "Sige, Ivan. Okay na 'ko dito. Salamat."

"Are you sure?" paniniguro ni Ivan at panay sulyap kay Baldo.

"Inglesero ang pu─"

"Baldo!" mabilis niyang saway sa lalaki. Nginitian niya si Ivan. "Okay na 'ko."

"Sungit." Si Baldo. May dinukot ito mula sa bulsa ng suot nitong pantalon. "Heto. Bayad ko sa mani mo."

Naaasar niyang tinanggap ang pera habang umandaw naman ang sasakyan at sinundan niya iyon ng tingin.

Pikon niyang hinarap si Baldo. "Ikaw ha, 'yang bibig mo."

Tila nagulat naman ito sa sinabi niya. "Bakit? Wala naman akong sinabing masama. Bayad ko naman talaga 'yan sa tinda mong mani. At saka...masarap kaya 'yong mani─"

"Isa pa." nanggigil niyang sita dito at iniumang ang kamay. "Paliparin ko 'yang ulo mo eh."

"Mainit 'ata ulo ng mahal ko." Pangunuglit ni Baldo.

Panay ang ismid niya. "Ewan ko sa'yo. Salamat dito."

Hindi na niya pinansin ang mga sinasabi ni Baldo at nagtuluy-tuloy na lang na maglakad pauwi. May dalawang kanto pa bago ang mismong bahay nila. Sa Tondo nakatira si Margaux. Normal nang tanawin na nagkalat ang karamihan ng residente sa kasada kapag ganoong oras. Hindi na rin kakaiba ng may mga batang nagtatakbuhan at naglalaro sa kanya. At habang naglalakad ay may bumabati sa kanya. Tinatawag naman siya ng iba at may inaabot na pera sa kanya.

"Salamat, Ate Jo." Aniya sa kapitbahay nila na suki na nila.

"Sige lang." Nakangiti nitong tugon.

Nang marating niya ang bahay nila ay kaagad niyang nakita ang kanyang ama na abala sa pagbobomba ng gulong. May isang customer ito na naghihintay sa tabi nito habang nakaupo. Nilapitan niya ang kanyag ama.

Kadikit ng kanilang bahay ang maliit na auto shop ng kanyang ama. Inutang sa isang 'bombay' o indian national na nagpapahiram ng pera ang ipinuhunan upang masimulan ang maliit nilang negosyo. Araw-araw ay nagsisikap ang kanyang ama na makarami ng parokyano upang mapalaki pa ang negosyo nito.

"Tay." Tawag niya at kaagad na tumayo ito. Inabot niya ang kamay nito at nagmano. "Dumating na sina Aina?"

"Oo at nariyan sa loob. Kanina ka pang hinihintay ng nanay mo." tugon ng kanyang tatay at nagpasya siyang pumasok sa loob ng bahay.

"Ma." Aniya nang makita ang kanyang ina na naghahain ng hapunan.

Kumunot ang noo ng kanyang ina. "Gabi na ah. Kanina pang naghihimutok ang mga kapatid mo. Gutom na daw sila."

"Eh ba't hindi pa kayo kumain?" Sabi niya habang ibinababa ang kanyang bag. "O, bayad sa mani. Tapos nag-order ulit si Ate Jo ng bente. Pati si Chairman, nag-order ng isangdaan. Kaya ba 'yon?"

Tinanggap ng kanyang ina ang pera sabay buntong-hininga. "Eh di kayanin. Alam mo namang kailangan nating kumita nang malaki-laki."

Nagluluto ng fried mani ang kanyang ina. Inilalagay nila iyon malilit plastic bottle at ibinebenta na madalas ay sa kakilala at kapitbahay nila. Natutunan iyon ng kanyang ina nang minsan itng umatend ng isang livelihood seminar sa kanilang barangay.

"Ma." Tawag niya sa kanyang ina nang mapansin ang pagkabalisa nito. "May problema ka na naman 'no."

Umiling ito. "Eh kailan ba nawala ang problema?"

Nagbuga ito ng hangin at naupo. "Si Aina. Kailangan nang mag-tuition. Hindi na daw tatanggapin ang promisorry note niya. Finals na kasi. Eh ang kaso-"

"Kaso wala tayong pera." Siya na ang nagtapos sa sasabihin ng kanyan ina. Hindi ito tumugon.

Kumamot siya sa ulo. "Ako nang bahala. Pupunta ako sa office ng Mass sa sabado. May tseke na daw ako do'n."

"Naku, Anak─"

"Ma." Agap niya. "Ayoko ng kadramahan n'yo ha. Gutom na 'ko. Tatawagin ko na sina Aina."

"Margaux, Anak." Pinigil siya ng kanyang ina. Nilingon niya ito. "Tumawag si Lucile. Nagtext daw s'ya sa'yo pero hindi ka nagrereply."

Nakaramdam ng inis si Margaux nang marinig ang pangalang iyon. Dahil walang magandang balitang dala ang pangalan iyon sa buhay niya.

"Wala akong load." Maiksi niyang tugon at itinuloy na ang pagpasok sa kwarto upang tawagin ang mga kapatid.

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ