Chapter Seven.2

8.7K 150 9
                                    

Pakiramdam ni Margaux ay lumilipad ang kanyang isip at dinadala siya ng kanyang imahinasyon sa isang lugar na masaya. Sa ganoon paraan ay gumagaan ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung paano niya nakasanayan ang pagiging mag-isa. Ngunit sa ganoon lamang niya naiwawaglit ang sakit na nakakabit sa kanyang dibdib. Iyong nagpapabigat ng kanyang puso. Ang dahilan ng kanyang lungkot.

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Margaux. Sinalubong ng asul na kalangitan ang kanyang paningin. She felt her madness had flown away. Tila sumama sa dumadaang mga ulap sa kanyang harapan. Nagbuga siya ng hangin. Saka muling pumikit.

Kasalukuyan siyang nasa malawak na university oval. Nakahiga siya sa batong upuan sa open arena. Walang tao nang oras na iyon dahil oras ng klase ng halos buong eskwelahan. Wala na siyang klase dahil naka-leave ang dapat ay professor niya. Dapat ay tatambay siya sa library ngunit maraming estudyante nang magtungo siya doon. Kaya nagpasya na lamang siyang manahimik sa oval.

Muli siyang nagmulat. Nakita niyang bumilis ang pagdaan ng mga ulap. Bahagya siyang napangiti. Naisip niya na sana'y ulap na lamang siya. Madali nang magpatangay sa hangin. Wala na siyang pakialam kung saan man siya dalhin ng ihip niyon. Hindi tulad niya sa kasalukuyan. Mag-isa.

Nakarinig siya nang mahihinang tinig na tila nag-uusap kaya lumingon siya. Sabay napabangon nang makita ang ilang lalaking estudyante na naglalakad papalapit sa kinaroroonan niya. Umayos siya ng pwesto. Nag-iisip siya kung aalis na o kung hahayaan na lang niyang makadaan ang mga ito. Ngunit hindi pa niya alam ang gagawin ay nakalapit na ang mga ito sa kanya. She sighed. Kaagad na kasi siyang napansin ng isa sa mga ito. Kapansin-pansin agad ang kakaibang ngisi nito.

"Hi, Margaux." Bati pa nito.

She went blank. "Kevin."

Kilala niya si Kevin Espiritu dahil malapit itong kaibigan ng kanyang dating kasintahan na si Paul. Ilang beses niya itong nakasama sa mga lakad nila noon ni Paul dahil sa mabarkada ang kanyang dating nobyo. Unfortunately, she annoyed Kevin's guts. May pagkakatulad kasi ito ng ugali kay Paul. Kevin and Paul both born with rudeness. Mga walang paggalang sa mga babae.

"Alone, sexy?"

Kaagad niyang ikinainis ang sinabi ni Kevin. Nasundan pa iyon ng malutong na tawa nito sabay lingon sa mga kasama nito.

Walang ngiti niya itong tiningnan. Wala rin siyang itinugon sa tanong nito. Kailangang malaman ni Kevin na ayaw niya itong kausap.

Ngunit naalarma siya nang bigla itong kumilos papalapit sa kanya. Ganoon din ang mga kasama nito. Hindi na siya nakatayo nang makaupo ito sa tabi niya. Sa kabilang tabi naman niya ang isa nitong kasama.

"Ikaw naman. Para namang wala tayong pinagsamahan." Sabi ni Kevin sabay abot sa dulo ng kanyang maiksing buhok. Mabilis niyang ipinalig ang ulo upang patigilin ito sa ginagawa.

"Wala naman talaga tayong pinagsamahan. Si Paul ang kaibigan mo hindi ako." Sabi niya.

Again, Kevin laughed that she always hated.

"Don't play hard to get, Margaux. Wala na si Paul. Alam ko namang ginusto mo rin ako." Ani Kevin matapos tumawa.

Napasinghal siya nang malakas. "Hindi lahat nauuto mo. Alis na 'ko."

"Sandali lang." Nakatayo na siya nang mabigilan ni Kevin at hinawakan siya sa braso ngunit mabilis niyang binawi ang braso niya. Tiningnan niya ito nang masama.

"Hindi ako interesado kahit noon. At wala namang nagbago hanggang ngayon. Ayoko sa'yo." Walang gatol niyang saad habang titig na titig kay Kevin. Maaaring gwapo nga si Kevin ngunit walang silbi iyon sa kanya dahil pag-uugali nito.

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora