Chapter Ten.3

7.6K 155 5
                                    

"Bakit ayaw mong sumama sa kuya mo papuntang New York?" Tanong ni Margaux kay Jaiden. Tiningnan niya ang dalaga at nakitang kinuha ang bote ng papaubo nang wine. He knew Margaux was tipsy. Inalalayan niya ito.

"I'm okay." Sabi ng dalaga nang tila mapansin ang pag-alalay niya. Hinayaan lang niya ito.

"Ahm, mas gusto ko kasi dito. At least dito andito mga kaibigan ko. Sa New York kasi wala naman akong kilala do'n kundi si Kuya." Sagot niya sa tanong ni Margaux.

"Pero s'ya na lang pamilya mo. Sabi mo nga matagal nang wala ang parents mo. Eh, ano pang silbi kung mag-stay ka dito?"

"May business naman dito si Kuya. Pwede namang ako ang mamahala no'n para may gagawin ako dito." Sagot niya.

"Ilan taong na ba kuya mo?" Nagtanong muli ito.

"Thirty five." Sagot niya sabay simsim ng wine.

Narinig niya ang pagsinok ni Margaux. Nilingon niya ang dalaga. At naulit iyon saka tumawa.

"Ganito talaga ako kapag may inom. Hindi pa ba mag-aasawa ang kuya mo?

Nagkibit siya ng balikat. "Ewan ko. May girlfriend s'ya. Matagal na rin. Baka. Siguro."

He sighed. "Puro naman ako ang topic. Ikaw. Hindi ka ba talaga nagyoyosi?"

"Hindi nga. Bakit ba hirap na hirap kang maniwala sa'kin?" Sagot at tanong nito.

Napatawa siya. "Hindi naman. 'Yon kasi 'yong nakikita ko sa'yo. Madalas ilalabas mo 'yong lights tapos sisindihan mo 'yong yosi ng mga kaibigan mo."

"Nasanay ako sa lights dahil kay Paul. Lagi n'ya akong pinagdadala ng lights. Actually, sinabihan n'ya akong magyosi na rin pero ayoko. Nagagalit s'ya kapag kailangan n'yang manigarilyo at wala akong maibigay. Hanggang sa buong barkada niya, ako na ang nagsisindi para sa kanila." Sagot ni Margaux. Sumimsim ito ng wine.

"Bakit palaging mga lalaki ang kasama mo? Wala ka bang friends na girls?"

Umismid ito. "Obvious answer. Ayaw nila sa'kin. Simula nang naging kami ni Paul, eh, lahat na ng babae sa school nagalit sa'kin. Inisip nila inakit ko si Paul. Iyon na ang inisip ng lahat."

Napatango siya. "Nakita ka daw dati sa girls' CR na tulog. Lasing ka daw no'n."

Tumawa ito. Malakas. "Lasing? Hindi ako lasing. Nawalan ako ng malay kasi nanghina ako. Low blood pala ako no'n. Nag-aaway na kami ni Paul no'n at saka...saka."
Tiningnan niya si Margaux. "Saka ano?"

"Sinasaktan na n'ya 'ko no'n. No'ng araw na nakita ako sa CR, wala akong tulog no'n. Hindi n'ya kasi ako pinauwi. Pinagbantay n'ya ako sa kotse n'ya kasi nasiraan s'ya sa EDSA. Ang sabi n'ya sa'kin babalik s'ya. Hihingi lang s'ya ng back-up. Hanggang mag-umaga hindi s'ya dumating. Hindi naman ako makaalis kasi sasaktan n'ya 'ko kapag iniwan ko 'yon. Hindi naman n'ya iniwan ang susi at ini-lock n'ya kasi hindi ako makapasok. Iyon ang nangyari.

"Sa halos isang taon kong relasyon kay Paul? Walang araw na naging masaya ako. Lagi n'ya akong pinaghihintay, iniiwan, pinababayaan sa mga kabarkada n'ya. Ewan ko kung pa'nong napasok ako sa gano'ng relasyon. Magulo ang buhay ko no'n wala akong ibang matakbuhan kundi si Paul lang."

Nagugulat man ay hindi magawang magsalita ni Jaiden. Kitang-kita kay Margaux ang hapdi. Lubha itong nasaktan kay Paul.

"Ano pa ba 'yong mga bagay na alam mo tungkol sa'kin?" tanong ni Margaux.

"Tama na." Saway niya at inagaw ang baso nito ngunit nagpumiglas ito.

"Seryoso ako. Ano pa?"

Nagbuntong-hininga siya. "May nakwento si Ivan no'ng inihatid ka n'ya. Ahm...may lumapit daw sa'yo."

"Ah..." Agap ng dalaga. "Kapitbahay naman 'yon. Nag-abot s'ya ng pera sa'kin bayad sa mani."

Pagkasabi niyon ay tiningnan siya ni Margaux. "Gumagawa ng fried mani ang nanay ko. Nagpapa-order kami sa barangay namin. Ano pa?"

"Margaux-"

"Ano pa?" Makulit na si Margaux.

"Lagi ka daw may baong 'rubber' sa bag mo. Margaux, sabi lang naman nila 'yon eh. Hindi mo na kailangang sagutin 'yon. I'm sorry."

"Totoo 'yon. Aksidente kasi nahulog ang bag ko sa canteen. Natapon ang laman ng bag ko. Nakita nila 'yong 'rubber' na sinasabi mo. Condom 'yon. Oo. Palagi nga akong may dala."

Hindi na nagugustuhan ni Jaiden ang itinatakbo ng usapan nila. Kung anuman ang nakaraan ni Margaux ay ayaw na niyang alamin pa. Ayaw na niyang mag-iba ang gumaganda nang pagtingin niya para sa dalaga.

"Margaux, hayaan mo na lang ang ibang tao. Ang mahalaga kilala mo ang sarili mo." Tila nasasaktan niyang sabi sa dalaga. Inabot niya ang kamay nito.

"Ibinibigay ko 'yon sa mga kakilala kong nakikipag-sex sa mga girlfriends nila. Gusto ko protektado sila. Kasi ayoko nang madagdagan ang case ng unwanted pregnancy. Dadami lang ang illegitimate na anak. Mga anak sa labas. Kawawa lang sila. Hindi sila mapapanindigan ng mga magulang nila. Kasi hindi silang sinasadyang mabuo eh. Madalas...bunga lang sila ng kasalanan."

Nagbaba ng tingin si Margaux. Nilapitan niya ito. Napansin niya ang pamumuo ng luha nito. Hinawakan niya ang baba nito.

"Tama na. Nasasaktan ka lang." Puno ng pag-aalo niyang sabi.

"Ayoko nang magdagdagan ang tulad...ko. Anak sa kasalanan. Anak sa labas. Hindi ko tunay na tatay ang asawa ng mama...ko. Anak ako ni...Marvin Montelibano. Anak n'ya 'ko naging kasalanan n'ya sa asawa n'ya."

Walang mahagip na salita si Jaiden sa rebelasyong kanyang narinig. Si Marvin Montelibano ay ang vice-president for student affairs ng kanilang unibersidad. At kilalang noble man ang naturang officer. Isa nga ito sa hinahangaan ang bawat estudyante ng eskwelahan.

Inabot niya si Margaux at mahigpit na niyakap. Lumakas ang pag-iyak tulad noong muntik na itong mapahamak kay Kevin. Parang sinuntok nang paulit-ulit si Jaiden. Hindi niya alam kung paano pagagaanin ang loob ni Margaux.

"Margaux..." Aniya sa basag na tinig. "I'm so sorry. I really am."

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें