Chapter Seven.1

7.9K 133 2
                                    

Madaling natapos ni Jaiden ang report niya at kaagad na nagpasyang ipasa kay Dra. Alegre. Maaga siyang nagtungo sa faculty office noon araw na iyon ngunit naka-leave daw ang guro. Kaya nagpasya siyang bumaba. Ngunit nang nasa lobby na siya ay nakita niya si Dra. Alegre. Kaagad niya itong nilapitan.

"Good morning, Ma'am."

"Good morning, Mr. Vilandre." Tugon ng guro.

"Heto na po 'yong report ko." Iniabot niya ang sliding folder na kulay blue.

Kaagad na binuklat ni Dra. Alegre ang ibinigay niya at mabilis na binasa. Naroong umangat at kumunot ang kilay nito habang tila pinag-aaralan ang ginawa niya.

"Akala ko po naka-leave kayo. 'Yon po kasi ang sinabi sa taas." Aniya upang kahit paano'y aliwin ang guro. Kinakabahan kasi siya dahil tila hindi nito nagugustuhan ng nababasa.

"May inasikaso ako. Aalis din ako agad." Sagot nito na nasa binabasa pa din ang mga mata.

"Ahm, may ilang question po na hindi sinagutan ni Margaux." Sinabayan na niya ng paliwanag ang pagbabasa ni Dra. Alegre.

"Kumusta na s'ya?" Seryosong tanong ni Dra. Alegre sabay tiklop ng folder. Kinipkip nito iyon sa may kilikili nito.

Nagtaka si Jaiden bigla. Nahimigan niya ng tila concern ang ang tinig ng guro. Minsan na rin silang nagtaka ni Ivan sa totoong mobito ni Dra. Alegre pati na ang reaksyon mismo ni Margaux nang malaman ng dalaga na para sa guro ang interview na kailangan niya.

"A-ah...eh...medyo mahirap kausapin. Medyo aloof po sa tao." May pag-amin niyang sagot.

Nakita niya ang tila kay bigat nitong pagbuntong-hininga. "Yeah, she's stubborn too. Akala n'ya lagi walang nakakaintindi sa kanya. Nagtatapang-tapangan pero duwag naman."

"Ano po?" He got really lost. Wala siyang makuha sa mga sinabi ni Dra. Alegre.

Tumingin ang guro sa kanya. "She was once my patient. Hindi pa ako nagtuturo dito at may clinic pa ako. Hindi ko matapos-tapos ang analysis ko sa kanya kasi ayaw n'yang makipag-cooperate. She always says that she's fine. Pero hindi ako naniniwala."

"Patient? Meaning...may-"

"No." Agap ng guro. "Hindi s'ya nababaliw. But she needs help. Ayaw lang n'yang aminin."

Napangiwi si Jaiden dahil sa kalituhan. "Hindi ko po kayo maintindihan, Ma'am."

"It's a long story, Jaiden." Sabi nito sabay hawak sa folder. "Anyway, okay na 'to. I will have your grade fix. Pwede ka nang pumunta sa klase mo."

Napatango na lang si Jaiden. "Sige po. Thank you, Ma'am."

Ngumiti ang guro. "Okay."

Tumalikod na si Jaiden at naglakad palabas ng building. Ngunit muli siyang tinawag ni Dra. Alegre.

"Yes, Ma'am?" Aniya.

"Salamat." May kaseryusohan nitong sabi. "And...if it is not too much at kung may oras ka, spent some time with Margaux. Be a friend to her. She really needs one."

Hindi alam ni Jaiden kung paano sasagutin ang sinabi ni Dra. Alegre. Wala namang masama sa sinabi nito at hindi naman imposible iyon. Ngunit naroon na namang naramdaman niya ang concern ng guro para kay Margaux. Na tila mas may malalim pa itong dahilan kung bakit ganoon na lang ang tila kagustuhan ng gurong tulungan si Margaux. But he was clueless. Kaya paano siya magiging kaibigan kay Margaux kung ni lapitan ito ay hirap na siya?

"S-Sige po."

Ngumiti lang si Dra. Alegre at tumalikod na. Siya naman ay napapaisip nang malalim habang itinuloy ang paglabas ng building.

imes Neww=5

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Where stories live. Discover now