Chapter Eight.2

7.6K 128 6
                                    

Nakailang ulit nang basa si Margaux sa sulat na kailangan niyang sagutin ngunit wala pa rin siyang maisip na maaaring ipayo sa sender. Matapos i-open ang personal blog niya at mag-update ay nagpasya siyang magbasa ng letter. May special edition ang section niya sa magazine kung saan pipili siya ng tatlong sender at ipopost iyon sa page ng magazine at mananalo ng ilang prizes. Bahagi iyon ng ikawalong taong anibersaryo ng magazine.

Ngunit walang matinong pumapasok sa isip niya. Pakiramdam niya ay napakalat ng utak niya kaya walang espasyo para sa bagong ideya. O dahil may isang tao na nagpapagulo ng isip niya. Si Jaiden.

Isang linggo ang mabilis na lumipas. Hindi pa rin niya nakakausap ang binata. Tinangka niya itong lapitan sa klase nila kay Mr. Perello ngunit umiwas ito. At tulad ng ibang tao, tila nandiri ito bigla sa kanya. Parang hindi siya kilala ni Jaiden. Ni hindi man lang siya nitong tinapunan ng tingin. At nasaktan siya sa inakto ng binata. Na hindi naman niya masisi.

"Ate." Ani Aina nang makalapit sa kanya. Nasa kusina siya noon. Gamit niya ang laptop ni Bogie na ipinahiram nito. Nakabili kasi siya ng pocket wifi kaya maari na siyang magtrabaho sa bahay.

"Bakit?" tanong niya habang umaayos ng upo. Umupo sa tapat niya si Margaux.

"May pinakakautangan ka ba?" tanong ng kapatid niya.

Kumunot ang noo niya. "Wala. Bakit ganyan ang tanong mo?"

Nagbuga ng hangin si Aina. "Kasi may itim na kotse na tatlong beses na naming napapansin. Nakatambay sa harap natin. Akala namin no'ng una customer ni Tatay. Eh sabi naman ni tatay hindi naman daw. Baka gangster 'yon. Inaabangan ka."

Manghang tiningnan ni Margaux ang kapatid niya. "Grabe, Aina, ha. Kapag mga gangster ako agad? Hindi ba pwedeng kapitbahay natin ang paghinalaan mo?"

Umismid ito. "Hindi sa kapitbahay 'yon. Gwapo daw kasi 'yong driver sabi ni Mama. Kasi isang beses ibinaba daw 'yong salamin tapos nakita ni Mama na nakatingin sa bahay natin. So, nilapitan n'ya tapos tinanong. Ngumiti lang daw 'yong gwapong guy at itinanong kung dito nakatira si Alex Margaux. Eh ikaw lang naman ang Alex Margaux dito sa barangay natin."

Muling kumunot ang noo niya Margaux habang malalim na nag-isip. Sino ang maghahanap sa kanya? Wala naman na siyang atraso kahit kanino. Nagpapakatino naman siya at wala na siyang natandaang nakaaway niya. Maliban kay Jaiden.

"Anong daw hitsura?" tanong niya kay Aina habang may namumuong kaba sa kanya.

"Gwapo nga kahit naka-shades sabi ni Mama. Kaso umalis din agad eh." Sagot ng kapatid niya.

"Hayaan mo na 'yon." Sabi na lang niya. Nagkibit lang ng balikat si Aina at iniwan na siya sa kusina.

Siya ay pilit iwinaglit ang isip kay Jaiden at pilit pinatay ang pag-asa ito ang nagtungo sa kanilang bahay. Hindi gagawin ni Jaiden na sayangin ang oras sa isang tulad niya. Kaya nagsimula na lang siyang tumipa.

Dear S_K_A_R

I'm offended by someone. A girl. Sinubukan kong maging nice sa kanya but she was rude to me. Kaya tinigilan ko nang lumapit sa kanya. Pero nahihirapan naman ako. Kasi may mga time na naiinis ako kasi nakikita kong okay naman s'ya sa ibang guys. Alam ko, kaibigan lang n'ya ang mga 'yon. Pero parang gusto ko kausapin n'ya rin ako. I know. She needs a friend. A REAL one. Pero ipinagtabuyan n'ya ako. At maraming nagsasabing she's not worth it of any man's time. She's a trash. Should I just ignore her because I think I'm just wasting my time to her?

Need advice,

Ledom A

Dear Ledom A,

'Wag ka sanang maniwala sa sinasabi ng iba. There could be many possible reasons for someone to be closed. If you are willing and strong enough, try harder. At malay mo, baka pinagsisihan naman n'ya ang nagawa n'ya sa'yo kaya ka na-offend. At sinusubukan din niyang lumapit sa'yo. Baka kasi talagang kailangan n'ya ng kaibigan. Hindi lang niya alam kung paano maging nice dahil ayaw niyang malinlang. Don't give up that easy. Definitely, she knows love.

XoXo,

She_Knows_And_Right

-EndFragment-w=5

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant