Chapter Ten.1

8.2K 147 7
                                    

"Hello."

Kahit pabulong lamang iyon ay hindi pa rin naiwasan ni Margaux na magulat nang mula sa likuran niya ay sumulpot si Jaiden. Napasigaw pa rin siya na mabilis naman niyang pinigilan nang itapik niya ang kanyang kamay sa bibig niya.

Nasa library siya at kasalukuyang nagbabasa ng isang history book. Jaiden grabbed her waist and seized her while laughing in control.

"Magugulatin ka talaga." Bulong nito sa kanya sabay nakaw ng halik sa sentido niya. Gustuhin man niyang sawayin si Jaiden sa ginagawa nito ay ayaw namang kumilos ng katawan niya. She would admit. Gusto niya ang ganoong gestures ni Jaiden sa kanya. He has his own way to make her feel good and special.

Mabilis na gumanda ang samahan nila ni Jaiden matapos siya nitong ipagtanggol kay Kevin. Napagpasyahan na lang niya na huwag nang mag-report tungkol sa ginawa ni Kevin sa kanya dahil sa labas ng school nangyari at tapos na rin ang school hours. Ayaw na niya sa mahabang paliwanagan. Na kailangan pa niyang patunayan ang sarili gayong wala namang maniniwala sa kanya. Hindi iyon sinang-ayunan ni Jaiden. Sinubukan siyang kumbinsihin ng binata ngunit siya na ang nanindigan. She had been in too many troubles. At ayaw na niyang idagdag sa listahan niya si Kevin.

"Baka pwedeng 'wag kang manggulat. Baka maihampas ko sa'yo 'tong libro." Kunwa'y paghihimutok niya. Ngunit ang totoo ay para lamang pasimple pigilan ang kakaibang init na kanyang nararamdaman dahil yakap ay ng binata. Pasimple rin siyang lumayo sa binata. Kunwari'y ibinalik niya ang libro sa shelf nito. Saka niya hinarap ito.

"I'm sorry. Can't help it. Engrossed na engrossed ka kasi kapag nagbabasa. And I'm still wondering. Anong meron ang library na wala sa'kin para mahumaling ka nang ganyan?"

Margaux knew Jaiden joked. At ayaw niyang bigyan ng ibang kahulugan ang birong iyon. Baka iligaw siya ng mali niyang akala.

"Stories." Maiksi niyang sagot. Tinalikuran niya ang binata at naupo sa mahabang reading area. Sinundan siya ni Jaiden.

"Marami ako n'yan. Gusto mong marinig?" Saad nito sa kanya.

Napangiti siya. "Anong klaseng kwento? 'Yong mga panliligaw mo at kung ilang na ang naging girlfriend mo? O 'yong mga chicks na nakukuha mo sa pagmomodel mo?"

"Ouch, ang morbid naman. Eh, ano bang kwento ang gusto mong marinig tungkol sa'kin?" Anito habang ginaya kung paano siya maupo. Binuklat niya ang libro kinuha niya kanina nang dumating siya.

"Wala naman. Alam kong may mga kwento ka na ayaw mong malaman ng iba. Karapatan mo 'yon. Gano'n din naman ako." Sabi niya habang ini-scan ang libro. Ngunit wala naman doon ang concentration niya dahil naaagaw iyon ng scent ni Jaiden.

"May klase ka pa ba?" Tanong ni Jaiden at inagaw ang libro mula sa kanya. Inirapan niya ito at nagbuklat ng isa pang libro.

"Meron. Bakit?"

"Isa lang naman di'ba?" Bigla niya itong nilingon. "Inalam ko ang schedule mo this sem. Isa na lang ang klase mo ngayon kaya maaga kang makakauwi. Pero...sasama ka sa'kin after class."

Ngumiwi siya. "Bakit ako sasama sa'yo? Anong meron?"

"Birthday ko." Mabilis nitong sagot sabay lapag ng libro sa mesa.

Kunot-noo niya itong nilingon. "Weh? Eh bakit parang hindi naman alam ni Ivan. Epal ka lang eh."

"Totoo, birthday ko. Nag-celebrate na kami ni Ivan kahapon."

Hindi pa rin siya naniwala. "Pa'no mga friends mo?"

Narinig niya ang pagtawa nito. "Taon-taon na lang may party ako. This year gusto ko namang medyo chill lang. Gusto ko i-celebrate kasama 'yong mga taong special sa'kin. Eh wala na rin naman ang mga parents ko. Si Kuya nasa New York. Kaya si Ivan, kahapon. Ngayon...ikaw."

Natigilan si Margaux. Kailangan niyang i-absorb ang sinabi ni Jaiden. Bigla kasing nagbago ang tibok ng puso niya.

"W-wala ka bang girlfriend?" Pilit patay-malisya si Margaux.

"Wala. Magkakaroon pa lang kung sakaling positive ang plano ko." Saad nito.

Muling kumunot ang noo niya. "May nililigawan ka?"

"Kung magpapaligaw s'ya."

"Eh 'di yayain mo ngayon tutal birthday mo." Saad niya. Kailangan niyang itaboy si Jaiden dahil nagsisimula nang sumibol ang isang nakakakabang katotohanan sa kanya.

"Niyayaya ko na nga eh." Ani Jaiden na nakaiwas ng tingin sa kanya.

Pakiramdam ni Margaux ay tumigil ang oras dahil sa sinabi ni Jaiden. Her heart pumped so hard kaya parang nanigas siya bigla. Hindi rin kumikilos si Jaiden kaya lalo siyang naging tensyonado. At hindi siya slow upang hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin. Nahiling na lamang niya na nagbibiro ito.

"Wala ba akong happy birthday d'yan?" Sabi ni Jaiden kalaunan. Alam niyang lumingon ito sa kanya ngunit hindi niya magawang tingnan din ito. Natatakot siyang mapansin nito ang pamumula ng pisngi niya dahil naramdama niya ang pangingit niyon.

"H-Happy birthday." Lihim na napangiwi si Margaux. Hindi naman niya kailangan mag-stutter sa harap nito.

"Pwede mo ba akong samahan? It will really make me happy kung ikaw ang kasama ko." Sabi nito na nakatingin pa rin sa kanya. "Please?"

Ang isang segundo ay nauwi dawala hanggang tatlo. Hindi kaagad nakatugon si Margaux. But she had to face him in real.

"S-Sige, after class." Sagot niya saka ito tiningnan. Saka niya napansin ang isang stem ng red rose na nasa harap nito. Hawak nito iyon na nasa ilalim ng mesa ang kamay at tila pasimpleng iniaabot sa kanya. Bigla tuloy niyang naalala ang ibinigay ng waiter sa kanya noon magpunta sila sa restaurant. Hindi niya napansin iyon kanina. Napapaisip tuloy siya kung paano nito naitago nang hindi niya napansin.

"I-Ikaw 'tong may birthday pero ako ang bibigyan mo n'yan." Sabi niya sa gitna nang matinding kabang kumakain sa kanya.

Ayaw niyang palinlang. Baka sa umpisa lamang maganda ang ipinapakita ni Jaiden sa kanya. Hindi pa nito lubos na alam ang kwenton tungkol sa kanya. Ang buong katotohanan tungkol sa kanila ni Paul. Kung bakit at paano siya sinaktan ng dati niyang nobyo.

"This is to welcome my special guest for my birthday." He said softly.

"Salamat." Mababang ang tinig niyang sabi habang kinuha ang bulaklak. Hindi niya napigilan ang sariling amuyin iyon.

"Iwan muna kita. May klase pa kasi ako. Tatawagan kita kapag aalis na tayo." Sabi nito habang tumatayo.

Gustuhin man ni Margaux na sumagot ay wala namang mahagilap na salita ang isip niya. She was too blanked. Kaya nagpasya na lamang siyang tumango.

Nginitian siya ni Jaiden. Hinawakan pa nito ang pisngi niya bago siya tuluyang iwan at nagmamadaling lumabas ng library. Siya naman ay parang pinawisan ng malamig dahil pagkabigla. Saka napapabuntong-hiningang kinuha ang isang pocket sized novel. Sarili niyang libro iyon at kasalukuyang binabasa. Iniipit niya ang bulakak sa gitnang bahagi. Gagamitin niya iyong bookmark.  

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon