Chapter Four.2

9.2K 158 1
                                    

Napatingin na lang si Jaiden kay Ivan nang nagmadaling umalis si Margaux. Hindi nila inasahan pareho na makikita nila ang dalaga sa club house na iyon.

Nang matapos ang klase nila ay nagkayayaan silang magkakaibigan upang mag-unwind. Kasama sina Anthony at Mark. Si Kevin ang nagsuhestiyon ng lugar dahil nabanggit nito na kakilala nito ang may-ari. Hindi siya dapat sasama dahil binalak niyang hanapin sa unibersidad si Margaux. Kailangan na kasi niyang maumpisahan ang project niya. Ngunit nagiging mailap si Margaux. At tila tadhana naman ang naglalapit sa kanila dahil hindi inaasahang nakita niyang ang dalaga. Ngunit naging mailap na naman ito.

Gusto niyang lapitan si Margaux. Gusto niyang kausapin ito. Pakiramdam niya ay dapat nadugtungan pa ang nangyari kanina. It was not just the kiss. Para sa kanya ay tila dapat ay makapag-usap sila. More the interview he was pursuing. Nakita rin naman niya ang pagkabigla ni Margaux nang magtama ang mga mata nila. At tila ayaw niyang pangalanan ang nakita niyang emosyon sa mga mata nito. Parang natakot ito sa kanya. Pero bakit naman?

"Pa'no mo nakilala si Margaux Ilustre?" narinig niya tanong ni Kevin kay Bogie. Napatingin siya sa mga ito.

"Magkatropa na kami highschool pa lang." Sagot ni Bogie na abalang nagpupuntirya ng bola.

"That hot lady. Item na ba kayo?" Ani Kevin. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang kakaibang ngiti nito.

"Item? Ano kami? Binebenta?" Namimilospong sagot ni Bogie. Umangat ito mula sa pagkakatungo at hinarap si Kevin. "Hindi kami talo no'n. Abnormal kaya 'yang si Margaux."

Tumawa si Kevin. Ganoon din sina Mark at Anthony. "Okay. Since wala naman pala kayo. Baka pwedeng..."

Nagtatakang tumingin si Bogie kay Kevin. "Pwedeng ano?"

Lumapad ang ngiti ni Kevin. "Ilakad mo 'ko sa kanya."

"Type mo si Margaux?" Tanong ni Ivan na nagtapon ng tingin sa kanya.

Kevin smirked. "Oo, bakit? She's hot. At saka balita ko malupit daw 'yang si Margaux. Laging may baong rubber. Alam mo na. She is like everybody's girl."

"Anong sinabi mo?" Ani Bogie. Tila hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Kevin. Kahit naman siya. Pakiramdam niya ay binabastos ni Kevin si Margaux.

Umangat ang balikat ni Kevin. "Ano ba, Bogie? Don't tell me hindi mo alam. Akala ko ba magkaibigan kayo. At saka...wag mo rin sabihing walang score eh, galing kayo sa taas kanina."

"Tarantado ka ah!" biglang nagalit si Bogie at mabilis na nasugod si Kevin. Tumama ang kamao ni Bogie sa nguso ni Kevin. Lumagpak si Kevin sa sahig at mabilis na dumugo ang labi.

"You asshole!" Ganti namang sigaw ni Kevin nang makita ang dugo sa kamay nito. Mabilis itong tumayo at akmang susugurin si Bogie nang pigilan nila.

"Kevin, tama na!" saway ni Ivan habang yakap ito. Siya naman ay pumagitna kina Kevin at Bogie. Hawak naman nina Anthony at Mark si Bogie.

"Ang bastos ng bibig mo! Mag-toothbrush ka nga. Ang baho ng hininga mo! Hindi mo ako kilala at lalong hindi mo kilala si Margaux. Gago!" galit ding sabi ni Bogie.

Napatingin siya kay Bogie. His eyes were bristling with rage. Marahas ang paghinga nito at nanginginig ang labi. Namumula rin ang mukha nito. Lumapit siya dito.

"Pasensya na, Bogie." Aniya at nakitang bahagya itong nahimasmasan. Hinarap naman niya si Kevin.

"Dude, tama na. Chill lang tayo." Mahinahon niyang sabi sa kaibigan. Ngunit kung siya ang tatanungin ay gusto rin niyang suntukin si Kevin.

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Where stories live. Discover now