Chapter Eighteen.2

8.5K 140 4
                                    

Dalawang linggo pa ang lumipas bago nakalabas ng ospital si Margaux. At sa bawat araw ng pagpapagaling niya ay pinilit niyang huwag papuntahin si Jaiden. Mariin niyang sinabihan ang kanyang ina na huwag na itong patuluyin sakali mang dumating. At sa bawat pagpipigil niya ay lalo naman siyang nasasaktan. Aminado naman siyang miss na miss na rin niya ang binata. Gustung-gusto na rin niyang makita at makausap ito. Ngunit kailangan niyang panindigan ang kanyang desisyon. Tama si Paul. Kailangan na niyang harapin ang problema. At kailangan niyang harapin nang mag-isa iyon.

"Hi."

Naptunghay si Margaux nang marinig ang tinig ni kuya Geoff. Akma siyang tatayo ngunit pinigilan siya nito.

"No, no, no." Anito at inalalayan pa siyang maupong muli. "I told you that you don't have to do that."

Napapahiyang napangiti siya. Naupo naman ito sa katapat na upuan. "Pinaa-amaze mo talaga sa gesture mong 'yon. Hindi ka naman lalaki para magpaka-gentle man. Anyway, are sure okay ka na? Pwede ka na bang lumabas nang ganito? Hindi malapit ang restaurant ko para puntahan mo pa 'ko. Nag-text ka na lang sana para napuntahan na lang kita."

She smiled. "Okay na 'ko. Papagaling naman na 'ko."

Gumanti ito ng ngiti. "That's good to hear. So...are we going to talk about..?"

"Jaiden." She supplied.

Umangat ang kamay nito tanda ng pagtawag ng isang waiter. May mga sinabi ito nang makalapit ang isang staff. Nagpapahanda ito ng pagkain.

"Ah, light meal pa lang pwede sa'kin, Kuya." Aniya.

"Don't worry. Light lang ang sinabi kong pagkain." Sagot naman nito. "Anong tungkol kay Jaiden ang pag-uusapan natin?"

"Hindi na kami dapat mag-usap." Walang gatol niyang sabi. Hindi na niyang kayang pahabain pa ang usapan para lamang masaktan siya.

"Hindi mo ba muna s'ya kukumustahin?" tanong ni Geoff.

"Alam ko namang okay s'ya."

Nagbuntong-hininga ito. "So, how do you want to put this? Makikipag-aarange ka ba sa'kin tungkol sa kanya? O makikiusap kang 'wag ko na kayong hadlangan?"

Hindi kaagad nakaimik si Margaux. Ngunit tila napansin nito ang pagkamaang niya.

"Look, Margaux. 'Wag mo sanang masamain kung naging medyo cold ako. Okay na ba 'yong pinoprotektahan ko lang ang kapatid ko bilang dahilan? Wala na ang parents namin kaya gano'n na lang ang concern ko sa kanya." Saad ni Geoff.

"Pwede n'yo ba s'yang isama sa New York?" Tanong niya na ikinagulat nito.

Kumunot ang noo ni Geoff. "Bakit? Para saan?"

"Kung gusto mo talagang protektahan ang kapatid mo, isama mo s'ya. Ilayo mo s'ya sa'kin." Aniya.

Umangat ang kamay nito. Alam niyang naguluhan ito. "Wait, Margaux. Naguguluhan ako sa'yo."

"Hindi ako magandang influence kay Jaiden. Hindi matutupad ang gusto mo para sa kanya kung narito s'ya at malapit ako sa kanya." Sabi niya sa nahihirapang paraan.

"Inuutusan mo ba 'ko sa kung anong tama para sa kapatid ko?" Tugon naman ni Geoff.

"Gulo lang ang dala ko sa buhay ni Jaiden." Sabi niya.

Sumandal si Geoff sa upuan. "Mahal ka ng kapatid ko."

Nag-iwas siya ng tingin. "This is for his own good."

Nakita niya ang pagbuntong-hininga ito. "You love my brother so much to have the guts to say that to me."

Napatingin siya kay kuya Geoff. Hindi na niyang kayang itanggi ang totoo niyang nararamdaman. Tama ito na mahal niya si Jaiden. At dahil sa pagmamahal ring iyon kung bakit niya gustong layuan ang binata. Dahil kung mananatili sila sa buhay ng isa't-isa ay maaaring iyon pa ang maging dahilan upang masira ang buhay ni Jaiden. May magandang kinabukasang kailangang harapan si Jaiden. Samantalang siya ay tila mag-uumpisa pa lamang muling buuin ang sarili.

Her life could be worse. Maaaring hindi niya makayanan ang lahat at lalo siyang lumubog sa kalungkutang nakabalot sa kanya. At ayaw niyang isugal si Jaiden. Hindi niya kakayaning makita itong nadadamay sa isang walang kwentang buhay na tinatahak niya.

"Nakikiusap ako, Kuya Geoff. Ilayo n'yo sa'kin si Jaiden. Hangga't kaya ko pang sabihin sa inyo. Hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili kong ipaglaban s'ya. Dahil kung magtatagal pang alam kong and'yan s'ya at ipaglalaban n'ya 'ko, hindi ko na kakayaning pigilan ang sarili ko. Para kong fantasy world si Jaiden. Inaalis n'ya sa'kin ang reyalidad ng buhay ko. Masyado n'ya akong pinapasaya na nakakalimutan ko nang marami akong dapat ayusin sa buhay ko. Lagi s'yang and'yan para sa'kin. At alam kong kaya pa n'yang gumawa ng ibang bagay mahalin lang ako. Pero mali."

Muling nagtaka si Geoff. "Maling mahalin ka ni Jaiden?"

Nasasaktan siyang tumango. "Dahil hindi kailangan ni Jaiden ng taong kailangan n'yang ayusin. He deserves the greatest love he could have. At hindi ako 'yon. Wala akong tamang maidudulot sa kanya."

Hindi kaagad nakatugon si Geoff. Nakatitig lang ito sa kanya at tila nahihirapang tanggapin ang sinasabi niya. Alam niyang naiintindihan siya nito. Pareho nilang pinahahalagahan si Jaiden.

"Sinasabi mo bang isinusuko mo na ang kapatid ko?" Kalauna'y tanong nito.

Nanikip ang dibdib ni Margaux sa tanong nito. Masakit isiping ganoon ang ginagawa niya. Para na rin niyang ipinagtatabuyan si Jaiden. Subalit iyon ang nakikita niyang dapat mangyari.

"Siguro." Nangingilid ang luha niyang sagot. "Hindi ko rin alam kung tamang kausapin ko kayo at sabihin ang mga sinabi ko. All I know is that you care for him as much I care for him. Kakayanin kong malayo sa kanya kaysa naman masira ang buhay n'ya dahil minahal n'ya ako. Pareho lang kaming masasaktan kung sakali."

Malalim muli ang naging buntong-hininga nito. "Ito ba talaga ang gusto mo?"

Nagbaba siya ng tingin sabay tumango. Saka nagsimulang tumulo ang luha. Nagdesisyon na siya. Tatapusin niya ang lahat sa kanila ng binata.

"Margaux." Ani Geoff ngunit imbes na tingin ito ay tumayo siya at hindi na ito pinansin. Dali-dali siyang lumabas ng restaurant at hindi na nilingon ang tumatawag na si Geoff.

Napatayo si Margaux mula sa pagkakaupo sa batong flower box nang mamataan ang paparating na sasakyan. Inabangan niya ang pagbaba ng sakay niyon. Doon siya nagtungo matapos manggaling sa restaurant ni Kuya Geoff. She really needed someone to talk. Isang taong makikinig lamang sa kanya.

Mula sa likuran bahagi ng sasakyan ay bumaba si Dra. Alegre at nagulat nang makita siya. Natitigilan itong tumingin sa kanya.

"Margaux?" Hindi ito makapaniwala. Nilapitan niya ito at sa hindi malaman dahilan ay mabilis na namuo ang luha niya.

"Pwede po ba kayong makausap?" Tanong niya matapos ang isang hikbi.

Bahagya itong ngumiti saka lumapit sa kanya at niyakap siya. Isang mahigpit na yakap ng isang kaibigang handang makinig.

"Oo naman. Ikaw lang naman ang hinihintay ko." Sabi ni Dra. Alegre at iginiya na siya papasok ng bahay nito.

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Where stories live. Discover now