Chapter Seventeen.1

7.8K 134 4
                                    

Pakiramdam ni Margaux nawala lahat ng bigat na nararamdaman niya nang dumaloy sa kanyang lalamunan ang alak. Napantingala siya at napapikit. She missed drinking. Like heavy drinking. Hindi tulad noong kasama niya si Jaiden.

Sa Bizarre siya nagpunta nang takbuhan niya si Paul dahil ayaw pa niyan umuwi. Galit na galit siya nang makita ang dating kasintahan. Kung hindi nga lamang masamang pumaslang ng tao ay marahil nagawa na niya iyon kay Paul. Mabuti na lang at nangibabaw pa rin ang konsiyensya niya.

Her vision seemed blurry. At tila parang fake ang lahat ng nakikita at nahahawakan niya. Pinili niyang muling uminom dahil pakiramdama niya ay iyon ang makakatulong sa kanyang upang wala na lang maramdaman. She cannot deny her edge. Muling nadidiskaril ang buhay niyang akala niya ay naaayos na niya. Pinili niyang baguhin ang lahat. Maging mas mabuting tao na hindi nakilala ng lahat noon. Dahil isa iisang dahilan. Si Jaiden.

Akala niya ay kayang niyang mabuhay nang wala nang pakiramdam. Nang mawala ang kanyang dapat sana ay anak niya, wala na siyang maisip na dahilan upang mabuti nang masaya. Kaya pinili na lang niyang sundin ang gusto ng daddy niya na kuhanin ang kursong Multimedia arts upang makapagtrabaho sa Ad agency nito. Magtatrabaho siya sa Mass Chronicle upang makatulong sa kanyang ina. Itutuloy niya ang buhay niya at hihintayin na lang kung hanggang saan siya dadalhin ng tadhana. Wala na siyang pakialam kung anumang oras ay maaksidente siya at mawala. Kung bigla na lang siyang makatapak ng bomba at magkalasug-lasog. Kung isang dating kaaway ang humarang sa kanya at barilin siya. Walang problema kung buong mundo man ay pinagpaplanuhan siyang paslangin o kung mismong ang langit na ang may kagustuhan niyon. Ang mahalaga ay magawa niyang ang kailangan. In a short senseless term, she lived her life without purpose.

Ngunit biglang si Jaiden ang humarang sa kanyang daan at ginulo ang walang silbi niyang buhay. Kinulit siya nito at unti-unting ginising ang akala niya ay bato nang puso. She never thought of falling deeply in love with him. Ang dahilan kung bakit niya napansing nakakahiyang ipakilala sa binata ang buhay na pinili niya. Na pangit ang nakilala nitong nakaraan niya kaya ginusto niyang bahugin ang kasalukuyan niya. And all of a sudden, her life began to have purpose. She finally knew love.

Napamulat si Margaux nang maramdaman ang tila paghalik sa kanyang leeg. Kaagad siyang umiwas nang maamoy ang hiningang amoy alak na humahalo na tila sigarilyo. Umayos siya ng upo sa couch. Dumikit naman sa kanya si Kevin.

"Bad mood ka na naman." Pabulong nitong sabi sabay halik sa kanyang buhok ngunit muli siyang umiwas. She felt so disgusted.

Hindi sinasadyang magkita sila ni Kevin. Ang akala niya ay gagantihan siya nito dahil sa pangbubugbog nina Jaiden dito ngunit nagulat siya nang ngumiti ito sa kanya at sinabing wala na iyon kay Kevin. Nagpapasalamat pa nga daw ito at hindi siya nagreklamo.

Ngunit tulad na inaasahan niya at wala pa ring nagbago kay Kevin. Kasama nito ang mga kabarkada nito na laman din palagi ng mga bar. Palibsaha'y pulos laki sa layaw.

"Kevin, please. Gusto kong mapag-isa." Sabi niya at lumayo dito. Ngunit sumunod ito sa kanya at muling nakalapit.

"Bakit? Nasaan na ba kasi ang savior mo? Si Jaiden. Iniwan ka na?" Sabi nito sabay malakas na tumawa. Nairita siya sa pagtaw nito. "Ikaw naman kasi. Akala mo seseryoshin ng konyong 'yon. Eh papogi 'yon eh. Magkaibang mundo ang ginagalawan n'yo. Hindi kayo bagay."

"At sinong bagay tayo? Wow ha."

"Oo!" Mabilis niyang sagot. She rolled her eyes. Saka naiiritang umiling.

"Hindi kita gusto, Kevin. Hindi ka pa ba nadala na pinabugbog kita. At pwedeng maulit 'yon kung hindi mo 'ko titigilan." Galit siya nang harapin ito.

Tumawa lang muli ito. Lasing na lasing na si Kevin. At tila lango rin sa drugs. Kaya alam niyang mahihirapan siyang makawala dito. If only Jaiden was on her side. Mapoprotektahan siya nito. But she chose not to be with him. Madadamay lang ito sa gulo niya.

"Weh..." pasuray-suray na sabi ni Kevin.

She snorted sharply. "Bad trip naman! Tabi nga!"

Tumayo siya akmang iiwan na lang ito ngunit pinigilan siya ni Kevin. Nagpumiglas siya ngunit dahil sa may tama na rin ang alak sa kanya ay nabuwag siya. Napahiga siya sa sahig.

"Wow!" Ani Kevin at mabilis na pumatong sa kanya.

"Kevin, ano ba? Lumayo ka nga!" galit niyang sabi habang itinutulak ito palayo sa kanya. "Damn it, Kevin! Get off me!!"

Mabigat si Kevin at nahawakan na nito ang mga kamay niya. "You're mine, Margaux."

"Tulong!" Sumigat na siya at muling itinulak ito.

Nagtagumpay naman siya at nakawala dito. Mabilis siyang tumayo ngunit bago pa man siya nakakilos ay may sumugod na kay Kevin at pinagsusuntok ito.

"Jaiden!" Sigaw niya nang makilala kung sinuman iyon. "Jaiden, tama na!"

"Damn you, Kevin! Sinabi ko na sa'yong tigilan mo si Margaux!" Galit na galit si Jaiden habang nakikipagbuno kay Kevin. Kevin this time fight back. Nagsuntukan ang mga ito. Nakita niyang tinamaan si Jaiden. Pinilit niyang pumagitna sa mga ito ngunit naitulak siya ni Kevin. Napasadsad siya sa isang bulto. Mabuti na lang nasalo siya ng isang lalaki.

Nagkagulo na sa buong bar. Mabilis na nakaagaw ng atensyon ang away at nakialam na rin ang mga kasama ni Kevin. Nagulat naman na tila may kasama si Jaiden. Naroon din si Ivan. Nagkaroon na rumble sa bar. Natakot bigla si Margaux. Nag-alala siya para kay Jaiden.

"Jaiden, tama na!" Natataranta niyang sigaw. Sising-sisi siyang nagpunta pa siya sa lugar na iyon. Hindi naman niya akalaing masusundan siya ni Jaiden doon.

Hanggang sa makita na lang niyang may naglabas ng pocket knife sa isang sa kasama ni Kevin at tila pupuntiryahin si Jaiden. Nagulantang siya at nanginig lalo sa takot. Kailangan niyang iligtas si Jaiden.

"Jaiden!" Sigaw niya at mabilis na tumakbo patungo sa binata. Niyakap nito ito mula sa likuran kasabay ng pagsaksak ng patalim sa kanyang tagiliran. Namanhid kaagad siya sa sakit.

"Margaux..." Narinig niyang sambit ni Jaiden. Nakatingin ito sa kanya at mabilis na nakaikot upang yakapin siya. Nakita na nito ang nangyari sa kanya.

"Margaux!" Sigaw ni Jaiden nang bumagsak siya sa mga bisig nito. She saw how his face paled. Ngunit mas nangingibabaw ang sakit sa kanyang tagiliran. Tila nanlalamig siya. Binuhat siya ni Jaiden. Tila rin biglang natigil ang pagkakagulo at natuon sa kanya ang atensyon ng lahat.

"Margaux, no. Ivan! Let's go! Si Margaux!" Tarantang taranta si Jaiden habang buhat-buhat siya. But her senses were failing. Tila bigla siyang inantok. Nahihirapan na rin siya kumapit kay Jaiden.

"J-Jaiden..."

"Margaux, 'wag kang matutulog. I'm here." Hinihingal na sabi nito.

May iba pa itong sinasabi ngunit hindi na niya maintindihan iyon dahil para siyang lango sa kung ano at nilalamon ng antok ang ulirat niya. Tila biglang nawala ang sakit dahil buong katawan niya ay namamanhid. She then closed her eyes.

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon