Chapter Six.1

8.7K 157 5
                                    

Marahas na binuklat ni Margaux ang ilang piraso ng papel pati na ang slum book na iniabot ni Jaiden sa kanya. Galit na galit siya hindi lang sa kaharap niya kundi pati na rin kay Miss Alegre.

"Nagkakaroon ka ba ng mga nightmares?" tanong ni Jaiden habang nagsusulat siya sa slum book. Umangat ang ulo niya at tiningnan ang binata.

"Wala."

"Are there times that you feel you wanted to smash something?" sunod na ni Jaiden na hindi siya tinatapunan ng tingin. Tila napipilitan lamang ito sa mga tanong.

"Yeah. Katulad ngayon." Tugon niya. Ngunit hindi pinatuluan ni Jaiden ang sinabi niya.

"Sports, may sports ka ba?"

Kunot ang noo niya. Parang malayo iyon sa mga naunang tanong. "Billiards, minsan."

Tumaas ang kilay nito sa sinabi niya.

"Bakit?" Naitanong niya nang makita ang tingin ni Jaiden sa kanya. Sa dalas niya sa bilyaran ni Bogie ay nakahiligan na rin niya ang bilyar.

"Wala." Sagot nito at muling nanahimik. At hindi pa man nagtatagal ay nagtanong na naman ito.

"Ilang taon ka na?"

Nagtatakang tumingala siya kay Jaiden. "Nasa slum book na ang tanong na 'yan."

Lumipad ang mga mata nito sa hawak niyang slum book at sandaling walang sinabi. Maya-maya'y muli itong nag-iwas ng tingin.

Margaux half smiled. She was amazed on how Jaiden frowned. Hindi niya sinasabi kay Jaiden na pamilyar sa kanya ang mga tanong nito. Iyon nga ang mga tanong ni Dra. Alegre sa kanya noong subukan nitong pasukin ang totoong nararamdaman niya.

Isinara niya ang sinusulatan at hinarap ang binata. Napatingin naman si Jaiden sa kanya. Pinagtakhan nito marahil ang inasal niya.

"Bakit tumigil ka na? Tapos ka na ba?" taka nitong tanong.

"Magtanong ka na lang. Tinatamad na 'kong magsulat." Sagot niya at nakitang tila hindi sumang-ayon si Jaiden sa sinabi niya.

"Pero-"

"Magtanong ka na lang." Giit niya. Nag-uumpisa na siyang mainis. Tila mabigat na nagbuntong-hininga si Jaiden.

"Hindi mahirap ang ipinapagawa ko, Margaux." Puno naman ng awtoridad nitong tugon.

"Ayoko na nga." protesta pa rin niya.

"Hindi ka uuwi hangga't hindi mo natatapos 'yan." He insisted with an alarming look.

"Ano ba kasing kinalaman nitong slum book na 'to sa gusto mong mangyari?" Nainis na siya. Kitang-kita niya ang namumuong pagkapikon sa mga mata nito. But she insinuated. It was as if she wanted to provoke him.

"Hindi ko alam kay Ma'am Alegre. Basta gawin mo na lang." Mariin ding tugon ni Jaiden.

"Wag mo 'kong pilitin." muli niyang giit.

"Please." He then said.

Bahagyang nagulat si Margaux sa nakitang emosyon sa mga mata nito. Bigla siyang naumid. Sa likod ng tapang ng mga titig nito ay nasisilip niya ang determinasyon. Unti-unti ay naiintindihan niya na sadyang may dahilan kung bakit nito ginagawa ang mga bagay na iyon.

"Mamaya na lang." Tila sumusuko niyang sagot.

Nabuga ng hininga si Jaiden. "Sandali lang naman ito. Pagkatapos nito ay makakauwi ka rin."

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Där berättelser lever. Upptäck nu