Chapter Fifteen.1

7.4K 136 8
                                    

Araw ng death anniversary ng kuya ni Margaux. Maagang nagtipon ang pamilya Nicanor sa musileo ni Tyron. Nauna nang ganapin ang misa at dapat ay aalis na siya ngunit pinigilan siya ng kanyang ama. Ayaw man ay napilitan na lang siya na manatili doon.

Pressure para kay Margaux ang manatili roon dahil halos lahat ay angkan ng mga Nicanor ang naroon. At kung nakakatunaw lang ang tingin ay marahil hindi na niya nagawang mag-alay ng bulaklak sa puntod ng kuya niya dahil sa uri ng tinging ipinukol ng mga bisita. Lahat ay iisa ang nasa isip. She was not welcomed. Kulang na lang ay itulak siya palayo ng mga nakatingin sa kanya.

May mga pagkakataong nagkakapalitan sila ng tingin ni Althea. At sa tuwina ay masama ang ipinupukol nitong tingin. Siya na lang ang umiiwas dahil sa tuwina naman ay naroon ang kanyang ama at manaka-naka siyang kinakausap. But tita Lucile kept her distance. Sadya itong hindi lumapit sa kanya simula pa lang na dumating siya.

"At talagang pumunta dito. You really think you are part of this family. Stop dreaming, Margaux. Hindi kapatid ang turing ko sa'yo. Ever since. Ever." Mahina ngunit mariin na sabi ni Althea sa kanya nang lapitan siya ito.

"Si Daddy ang nagpapunta sa'kin dito. Isa pa. Si Kuya ang pinuntahan ko." Sagot niya na hindi ito tinatapunan ng tingin.

"Your brother that you killed." Agap ni Althea.

Parang biglang nanakit ang tainga dahil tila nanunusok ang salitang binitawan ni Althea. Kasunod niyon ay ang pagsikip ng dibdib niya. Napangiwi tuloy siya.

"Aksidente ang nangyari, Althea." Sabi na lang niya saka tumayo upang lumayo ngunit pinigil siya nito. Mabilis naman niyang binawi ang kanyang braso na hinagip nito.

"Hindi mo kayang palitan si Kuya, Margaux. Kahit pa magpakadalubhasa ka at magsilbi ka sa agency buong buhay mo. Pasalamat ka wala akong magawa dahil si Daddy ang may gusto na magkatrabaho ka sa kumpanya." Sabi ni Althea.

She snorted. "Althea, pwede ba? Igalang mo naman ang okasyon. Magpanggap ka na lang na wala ako kung naiirita ka sa'kin. Hindi naman ikaw ang ipinunta ko eh."

Althea scoffed as if she was disgusted. "Don't act as if there's nothing is happening, Margaux. Bakit hindi ka na lang umuwi at subukan mo ulit na buuin ang sariling mong dinurog mo rin. Come on. You are ruined. Ikaw naman mismo ang naglagay sa sarili mo sa kinalalagyan mo ngayon."

"Hindi totoo 'yan." Naiinis na niyang sansala sa sinabi ni Althea.

"Really? Ano ka na ngayon after kang iwan ni Paul? Look at yourself. Miserable. Admit it. Kahit naman noon pa. Mahina ka na. Kaya nga laging nakaalalay sa'yo si Kuya. Kasi wala kang kayang gawing tama."

"Tumigil ka na, Althea." Nangingitngit na saway ni Margaux sa kapatid. Para siyang nagbalik sa nakaraan. Muling nanumbalik ang galit niya. Ang panliliit sa sarili dahil kay Althea.

Althea paused for a while. Maybe to grab some air. Ngunit nagpatuloy muli ito. "Kung hindi lang sana nangyari ang lahat ng 'to, Margaux. If Kuya Tyron didn't die because of you. Everything must have been different. Baka kinaya ko pang maging civil sa'yo. Anak ka ng daddy ko. That made you my sister. Pero masakit para sa'king tanggapin na ikaw na nga ang bunga ng kataksilan ni Daddy, ikaw pa ang dahilan kung bakit nawala ang nag-iisa kong kapatid. Ang swerte mo nga eh. Mas minahal ka ni Kuya kaysa sa'kin. Because he thought, he needed to protect you from me. I'm always the bad girl here. Masakit 'yon para sa'kin. Pero alam mo kung anong mas masakit? He died saving you. At wala man lang akong nagawa."

"Althea-"

"Ten minutes." Agap ni Althea. Kitang-kita niya ang pagpipigil nito ng luha. "I will let you stay ten more minutes. Pagkatapos ay umalis ka na."

Hindi na nagawang magsalita ni Margaux upang protestahin si Althea dahil nakalayo na ito. Tinanaw niya ang paglayo nito. She was hurt. Nahiling niya na sana'y sinampal na lang niya ni Althea. Kung alam lamang nito kung gaano niya pinagsisisihan ang nangyari noon. Na hanggang sa kasalukuyan ay pinaghihirapan pa niya. Kung mas pinili ni Althea ang intindihin at bigyan siya ng pagkakataon. Hindi sana nito mararamdamang wala na itong kapatid. Na naroon pa naman siya.

Mabigat ang loob na kumilos si Margaux upang lisanin ang lugar na iyon. Hindi na niya uubusin ang sampung minuto na ibinigay ni Althea.

"Margaux, anak." Narinig niya ang pagtawag ng kanyang ama. Lumapit ito sa kanya. "You're leaving?"

"Yeah." Walang sigla niyang tugon.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kanyang ama. "Mag-usap muna tayo."

She snorted lightly. "Pinapaalis na ako ni Althea, Dad."

Nakikiusap ang tinging ipinukol ng kanyang ama sa kanya. Nag-iwas naman siya ng tingin. Hangga't maaari ay ayaw niyang nagtatagal ang pag-uusap nilang mag-ama.

"I really wanted to talk to you." Sabi nito.

"Tungkol ba saan?" Pinili niyang lakipan ang inis ang pagtatanong niya.

"Let's talk over there." Sabi ng kanyang ama at naunang maglakad. Wala siyang nagawa kundi sumunod dito. Naupo ito sa isang batong upuan sa labas ng musileyo at tumabi siya dito. She sighed heavily. Ilang beses na silang nagtangkang mag-usap ng kanyang ama ngunit wala naman madalas na pinupuntahan.

"Hindi ba pwedeng magkasundo na kayo ni Althea? Dadalawa na lang kayo-"

Umismid siya saka lumingon dito. "Si Althea ang dapat kinakusap n'yo, Dad. I know my stand in this family even from the start."

"Anak, 'wag mong sabihin 'yan."

"Dad." Agap niya. "Let's face it. Habang nabubuhay ako-"

"Margaux." Putol sa kanya ng kanyang ama na may galit sa tinig. "Alam kong hindi ako naging mabuting ama sa'yo. We both know that history of ours. Pero kahit na anong gawin natin ay hindi na mababago ang nakaraan. Anak kita. At patawarin mo 'ko kung...kung nahirapan kang maging anak ko. Kung ganitong buhay ang naibigay ko sa'yo, namin ng nanay mo. Hindi naging madali sa'yo ang lahat. I'm sorry. God knows how much I wanted to protect you. But-"

"Alam ko, Dad." Malungkot ang tinig niyang agap. "Matagal ko nang tanggap kung anong klaseng anak ako."

"Margaux, anak." Anang kanyang ama saka inabot ang kanyang kamay. "I am not forcing you to believe me but I love you. Kayong lahat na mga anak ko. Marami akong naging pagkakamali at pagkukulang. Sana'y maintindihan mong kailangang ko ring...pagbayaran ang nagawa ko sa tita Lucile mo. It was not an easy fight for us. At hanggang ngayon ay pinagbabayaran ko pa rin ang kasalanang iyon. Hindi ko sinasabing pinagsisisihan kong naging anak kita. All I'm asking is forgive me for not being there for you always. But I love you. Don't you ever forget that."

Nagbuga siya ng hangin sabay tumango. "I'm good. 'Wag n'yo na ako intindihin. Mas kailangang kayo ni Althea. Masakit pa rin para sa kanya ang nangyari kay Kuya. Kung sana lang..."

"Walang may gusto sa nangyari." Agap ng kanyang ama.

Nilingon niya ang kanyang ama. "Spend more time with, Althea. She's really hurting."

Nang nakitaan niya ang ng hindi pagtugon ang kanyang ama at nagpasya na siyang tumalikod upang umalis.

"Lagi mong aalagaan ang sarili mo." Anang kanyang ama nang tumayo na rin. "Just call me if you need anything."

Ngunit hindi na siya sumagot at itinuloy na lang ang naudlot na pag-alis at bago pa man tuluyang makalayo ay muli niyang nilingon ang musileyo. Nakita niya si tita Lucile na nakatingin sa kanya. At matapos ang ilang segundo ay inalis na rin nito ang tingin sa kanya. Malungkot naman niyang nilisan ang lugar na iyon.


SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Where stories live. Discover now