CHAPTER 2

11.9K 276 7
                                    

My Worst Nightmare

SAMANTHA

Nagising ako na masakit ang buong katawan ko at agad kung nakita si Dad na nakatulog sa tabi ko.

"Dad ! What happened ?''

"Thank God! My princess, gising ka na. Next time ko nalang sabihin sayo kung ano nangyari dahil makakasama sa iyo."

I don't know why pero parang binalot ng kaba ang puso ko. I roamed my gaze around the whole room. Si Dad lang ang nandito. Of course, he's my Dad so he must be on my side. But there's something missing.. or should I say someone?

"D-Dad, w-where's James?''

"Anak, huwag kang mabibigla sa sasabihin ko,"he said then let out a heavy sigh. I can sense the sympathy in his tone. I just hope na hindi tama ang iniisip ko.

"Dad, please tell me! Nasa'n po si James?!"pasigaw na tanong ko kay Dad.

"A-Anak, w-wala na si James. Hindi niya kinaya at one month kang coma kaya nilibing na namin siya."

I don't know what to react. I was just dumbfounded for a minute, letting the idea buffer in my mind. "S-sorry, P-princess. H-hindi ko siya nailigtas. T-this is all my fault."

Unti-unti kong naramdaman ang pagdaloy ng luha sa aking mga pisngi habang patuloy na umiiling. I was crying very hard. Naiinis ako sa pumatay sa kanya. Naiinis ako sa kanya dahil mas pinili niyang iligtas ako. Pero mas naiinis ako sa sarili ko. Napakawalang kwenta kong kaibigan. This is all my fault.

"Please calm down Sam, makakasama sayo ang pag-iyak." Hinaplos ni Dad ang likod ko habang humahagulgol ako. I don't care if I'm acting like a pathetic crybaby now, all that matters to me is the grief that I've been feeling since I woke up, knowing that James died. The sadness and pain seemed to be very unbearable. Napakasakit especially when I reminisced what happened.

"Princess!" sigaw ni James.

Nakita ko na pinaputukan ako ng mga lalaki at natamaan ako sa dibdib ko. Papuputukan pa sana nila ako pero hindi sa akin tumama ang bala kundi kay James...

"James!" Tumakbo ako papunta kay James. Pilit kong ininda ang hapdu ng sugat ko sa bandang dibdib. "James, bakit sinalo mo ang bala na para sa akin?"

"S-Sorry P-Princess, di kita k--ayang iligtas. A---yaw ko na may ma---sa--mang mangyari sayo. M-Mabuti na lang na a-ako ang ma--matay kesa sayo," sabi niya habang sumuka ng dugo.

"James, please don't leave me.."

Bubunot na sana ako ng baril nang makita ko ang pagtutok ng baril ng isang tao sa di kalayuan pero pinaputukan na ako ng mga lalaki at tuluyan na akong nawalan ng malay.

"Anak, alam mo ba kung sino ang umataki sa inyo?" tanong ni Dad sa akin.

"R-Richard..."

"Ang leader ng Memphis?" Umigting ang panga ni Dad. "Humanda sa akin yang Richard na yan!"

"Dad, can you do me a favor?''tanong ko kay dad.

"Ano 'yon, Anak?"

"Dad, pwede niyo po bang sabihin sa lahat ng tao na patay na ang nag-iisang anak niyo? Ang nag-iisang tagapagmana ng mga Anderson at ang susunod na tagapagmana ng Mafia Org?"

"Bakit gusto mo sabihin ko na patay kana?'' Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya. I don't wanna see my Dad sad but this is for the better.

"Dad, gusto kong alam ng mga tao na patay na ako para hindi masira ang susunod na plano ko at para malinlang natin si Richard.'' Yes. This is my plan. A sweetest revenge for the criminal who killed James.

"Okay anak, I will do it. Pero saan ka pupunta ?''tanong niya sa akin.

"I am going to US. Doon po muna ako for 3 years. Doon na po ako mag-aaral and I will start my training to be a better Mafia leader."

"Okay anak, agree din ako sa desisyon mo. Nandon ang Alpha Black Scorpion na kasamahan natin. Sila na ang bahala sayo dun."

"Okay dad. Don't worry, I'm going to be fine at para hindi ko na maalala ang nangyari kay James at para makasimula na ako ng bagong buhay." I smiled at him genuinely.

And once I come back... I'll let them witness the new Samantha Elise Cortex Anderson.

MAFIA HEIRESS IN DISGUISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon