CHAPTER 46

3.3K 73 25
                                    

TWO FACE

THYREX ISABELLE

"You're a good actress, I never thought na kakagat siya sa bitag na ginawa natin," nakangising sabi ni Storm habang kinakalas ang kadena sa kamay niya.

Tama nga si Storm na isang malaking tanga ang matandang yun. While I was inside that building, I heard their plan. They plan to make Vintiex pretend as me so before they can do the plan. I immediately stop Vintiex. Hindi alam ni Valcor na kasalukuyang nakakulong ngayon ang anak niya sa isa pang hideout ni Storm. After hearing Valcor's plan. I pretend to be Vintiex as Thyrex of course. He told me that if something bad happens, kailangan makatakas sila ng isa pa niyang  anak dahil alam niyang dadalhin daw siya ni Storm sa kulungan kung saan ang anak niyang lalaki. So as Vintiex, I followed his orders but I managed to tell Storm and she told me it's a good idea. I told her that Valcor will attacked the hideout when we finally enter so he can escaped easily. Talagang paniwalang-paniwala  siyang ako ang anak niya. Para hindi masira ang ginawa naming plano. Hindi na namin pinaalam sa iba para mas makagalaw kami ng mabuti.

"It's time for me to become Vintiex so better change now," nakangising sabi ko. "Are you still not feeling well?"

"Good luck! Medyo okay na ang pakiramdam ko ngayon" sagot ni Storm. Nag-aalala na ako sa kaniya kasi ilang araw din siyang matamlay.

"You need to be extra careful Storm. Maybe kapag nasa lungsod kana you need to check baka tama nga ang iniisip natin," huling sabi ko bago umalis.

Agad na akong pumasok sa opisina at nakita kung nasa loob din si Zyhell.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan at tamang tama lang dahil pumasok na ang matanda.

"Dad, what's the plan?" tanong ko rito. Just spill the bean old man. Huli kana ngayon.

"The plan is to kill them all. Wala tayong ititira kahit isa. At uunahin natin ang dalawang yun. Mamayang gabi babalik tayo sa lungsod upang paghandaan ang paglusob natin sa Elites. Ang mga tauhan nalang natin ang bahalang papatay sa dalawang yun. Kailangan nating paghandaan ng mabuti ang gagawin Annual Anniversary ng Elites dahil sa araw ding iyon kukunin natin ang trono," sabi nito. Patago akong ngumisi. Keep dreaming
Napatawa nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Dad, she's not dead!" natatakot na sabi ni Zyhell sa kaniyang ama. Kinabahan ako bigla dahil baka sabihin niyang si Storm at ang Heiress ay iisa lang.

"Sino?" tanong naman ni Valcor.

"The Heiress!" nanginginig na sabi nito.

"Maiiwan ka dito sa isla! Hindi kita pinalaki para maging hangal. Sana pala di ka nalang namin kinuha. Isa kang kahihiyan sa pamilya!" sigaw ni Valcor sa anak. Good thing hindi siya naniwala sa anak nito. Just keep doing your plan Valcor.

Hindi na nakasagot ang anak niya at agad na itong umalis. Like father, like son. Both idiots.

"Vintiex, tawagin mo ang lahat ng tauhan natin.Gagawa na tayo ng magandang plano para pabagsakin ang Elites," sabi nito.

"Masusunod po dad," sabi ko naman sabay alis. Got you Valcor. Wala na kayong kawala. Kunting tauhan mo nalang ang natitira dahil alam ko na naubos na ng Elites ang mga tauhan mo sa lungsod. Alam kung nag-aalala na silang lahat sa amin ngayon. Alam kung hindi sila tumitigil sa paghahanap sa amin. Hindi namin sinabi para mas thrilling. Mas action dahil alam naming mas lumalakas sila kapag galit.

Napatingin-tingin muna ako sa paligid bago pumasok sa silid kung saan si Storm. Ngayon ko lang narealize na ang hirap magpanggap bilang dalawang tao. Ang taong kinulong ni Valcor noon ay ang sarili niyang anak kaya nakakagalaw ako ng maayos ng nasa loob ako ng hideout namin. Walang malay si Vintiex dahil may gamot kaming tinurok sa kaniya para mawalan siya ng malay for 5 days. Nang nagawa ko na ng maayos ang plano. Bago kami tuluyang pumunta sa isla. Dinala ko na si Vintiex sa kulungan sa hideout ni Storm. Sadyang gunggong lang ang ama niya na hindi oras oras hinahanap ang anak niya. At saka wala naman sa sarili ang isang anak niya para mahalatang wala si Vintiex kapag ako na ulit si Thyrex na nakakulong kasama si Storm.

MAFIA HEIRESS IN DISGUISE (COMPLETED)Where stories live. Discover now