CHAPTER 45

2.7K 52 0
                                    

RICHARD VALCOR

Napangisi nalang ako ng makitang parang mga hangal na naghahanap sa Villa Valcor ang mga gunggong na yun. Akala talaga nila nandon ang dalawang babaeng ito. Pwes! Nagkakamali sila dahil walang sino man ang makakatalo sa plano ko. I am Richard Valcor, no one can stop me because I'm the strongest of them all. Napahalakhak nalang ako ng maisip kung isang araw nalang ay mapapasaakin na ang trono. Poor Cyclone, mas nauna pa siyang nawala at napunta sa emperyo kesa kay Steve. I know from the very start that I'm gonna win this war. Nasaakin na ang lahat ng naiwan ni Cyclone. Mula sa pera niya hanggang sa mga tauhan niya.

Napabaling ako sa pintuan ng bigla nalang pumasok ang isa kung tauhan.

"Wala ka bang kamay na kakatok sa pintuan? Gusto mo bang putulin ko yan! How many times do I have to tell you idiot to knock the door before you enter," sabi ko. Nakita ko naman ang takot sa mukha nito.

"S-sorry boss. Di na po mau..." di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil agad ko na itong binaril.

"I don't need idiots under my reign," nakangising sabi ko.

Hindi mawala-wala ang ngisi sa mukha ko. Money and power is coming...

Habang papasok sa silid kung saan ko kinulong ang dalawa ay hindi ko mapigilang mapakanta.

"Money and power! Money and power!"

Nakita kung gising na ang dalawang princesa.

"Kamusta ang tulog niyo mga hangal?"

"Not good. Because even in my dreams I have seen your fcking evil face," sagot ni Storm Saphira sa akin.

"Talagang palaban ka kahit na wala kang lakas para makawala sa kadenang yan. Tignan natin kung makakapagsalita ka pa ka kung mamamatay ka na."

"Fck you!" sigaw nito sa akin.

Napangisi ako at agad ko itong sinampal ng ubod ng lakas.

"Poor Storm Saphira. Wala ka ng magagawa para tulungan ang mga hangal na yun. Look at you now. So weak and powerless," sabi ko.

"Even without me. I know my team can stop a weakling idiot old man like you. Is this your plan? Poor old man. Your plan will never work. Trust me," nakangising sabi nito. Hindi na ako nakapigil at ubod lakas ko itong sinampal gamit ang baril ko. Nakita kung dumugo ang labi nito. Pero parang wala lang sa kaniya dahil nakangisi padin ito.

"That's all you can do? Tsk! Weak," sabi naman ang katabi nito.

"Ever since you have us. You only keep on hiding and just letting your men do the job. Are you afraid facing your enemies? Your not that strong to be called King. Because you know what? Your weak!" sabi naman ng Yakuza Empress sa akin.

Dahil sa subrang galit. Ubod lakas ko din itong sinampal gamit ang baril ko. Both of them are already getting into my nerves. Kunting hintay lang nawawala nadin kayo sa mundo.

"Enjoy your last breath Storm Saphira. I will get rid of you tomorrow. And you also Yakuza Empress," nakangiting sabi ko.

"It's Scarlet Gale idiot!" nakangisi ding sabi nito.

"Really?! Omy! I'm scared!" natatawa namang sabi ni Storm Saphira.

"Yeah! I'm so scared also!" sagot naman ng isa.

Talagang sinusubukan nila ang pasensya ko. Upang hindi ko sila agad matuluyan aalis nalang muna ako sa silid na ito. Pero bago pa ako makalabas. Muling nagsalita si Storm Saphira.

"Old man just accept the fact that you can't have the throne. You doesn't have enough power to defeat them. Besides, your loving son can't help you. You know why? Because he's weak! Just like you. He's an idiot!"

"No one can stop me. Even you Storm Spahira."

"Good luck!"

Huling sabi niya bago ko sinara ang silid. Talagang ginagalit ako ng babaeng yun. Ano ba ang alam niya sa kaya kung gawin. She's just a woman. She can't stop me.

Pumasok ako sa opisina ko at nakita ko ang dalawa kung anak.

"Dad, what's the plan?" Vintiex. Ang swerte ko talaga sa anak ko na ito. Dahil sa kaniya nakatakas kami ng kuya niya. Ang galing niya talagang actress. Napaniwala talaga niya ang lahat ng tao na siya ang Yakuza Empress. Talagang maganda ang plano niyang magpanggap na Yakuza Empress.

"The plan is to kill them all. Wala tayong ititira kahit isa. At uunahin natin ang dalawang yun. Mamayang gabi babalik tayo sa lungsod upang paghandaan ang paglusob natin sa Elites. Ang mga tauhan nalang natin ang bahalang papatay sa dalawang yun. Kailangan nating paghandaan ng mabuti ang gagawin Annual Anniversary ng Elites dahil sa araw ding iyon kukunin natin ang trono."

"Dad, she's not dead!" natatakot na sabi ni Zyhell.

"Sino?"

"The Heiress!" nanginginig na sabi nito.

"Maiiwan ka dito sa isla! Hindi kita pinalaki para maging hangal. Sana pala di ka nalang namin kinuha. Isa kang kahihiyan sa pamilya!" sigaw ko rito.

Agad naman itong umalis. Nagbago na talaga ang anak ko. Para siyang wala sa sarili at malaki ang kinapayat niya. Magbabayad talaga ng malaki ang Storm na yun dahil sa ginawa niya sa anak ko.

"Vintiex, tawagin mo ang lahat ng tauhan natin. Gagawa na tayo ng magandang plano para pabagsakin ang Elites."

"Masusunod po dad," sabi nito sabay alis.

Humanda ka na Steve. Matitikman mo na ang lakas ng aking paghihigante. Ako naman ang uupo sa trono at sisiguraduhin kung lalakas ang pwersa ng black market sa akin pamumuno. Wala ng makakapigil sa mga transakyon ng droga sa pamumuno ko.

Gabi na at lahat ng mga tauhan ko ay nagtipon tipon sa harapan ko. Ngayong gabi babalik kami para paghandaan ang event na magaganap sa old building ng Anderson Group of Companies. Sisiguraduhin naming punuin ng bomba ang buong lugar. Para kapag tapos na ang pagdeklara ng susunod na uupo sa trono. Mauubos na silang lahat. At kami nalang ang matitira.

"Gusto kung maghanda kayong lahat sa gagawin nating paglusob. kailangang mapuno ng bomba ang buong paligid ng building. Sigurafuhin niyong wala matitira sa mga kalaban natin. Gusto kung dumanak ang lahat ng dugo ng mga hangal na yun. At siguraduhin niyo ring walang makakatakas. Sige na magsilayas na kayo at maghanda dahil maya-maya lang aalis na tayo," sabi ko.

"Masusunod po boss," sabi nilang lahat.

"Bardura at Querto siguraduhin niyong hindi makakatakas ang mga biyag natin. Siguraduhin niyong bago pa sumikat ang araw patay na ang dalawang yun. Dahil kung hindi. Kayong dalawa ang mananagot sa akin."

"Opo boss."

"Sige bantayan niyo na ang dalawa."

Umalis na silang lahat at naiwan ako sa loob ng conference room. Humanda kana Steve. Bukas na bukas din. Mawawala ka na sa mundo gaya ng mahal mong asawa at anak. Bukas ako na ang magiging hari ng mundo. I am Richard Valcor the new King of Mafia Organization. And again. I am the strongest of them all.

MAFIA HEIRESS IN DISGUISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon