CHAPTER 8

8.7K 220 3
                                    

TROUBLE?

SAMANTHA

Nasa kalagitna-an kami ng biyahe ngayon patungo sa address na binigay sa amin ni Zian na Black Stone Avenue. Parang na eexcite ako sa maaaring mangyari pagdating namin sa kinaroroonan nila. I'm so excited to have some fun tonight. Gamit ko ngayon ang black motorbike ko while Harrizon used his red Motorbike. Alam ko katulad namin motorbikes din yong gamit ng tatlo.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. Kung hindi pa huminto si Harrizon hindi ko pa malalaman na nandito na pala kami.

"Storm, Nandito na tayo," sabi niya sa akin.

"Okay," tipid na sagot ko

Pinasok na namin ang isang abandonadong building at basi sa nakikita ko sa di kalayuan, napapalibutan ng 30 na mga kalalakihan ang tatlong ugok.

Pumunta kami sa kinaroroonan nila at napangisi ako ng makitang kong nakasuot din sila ng maskara.

This is going to be fun!

"Mabuti at nandito na rin kayo! Bakit ba ang tagal niyong dumating! Alam niyo bang na iinip na kami dito?!" sabi sa amin ni Alexander.

"Tss,"sabi ko nalang.

"Bakit niyo pa kami sinali dito? " bored na sabi ni Harrizon.

"Kasi unfair naman kung kami lang ang mag-eenjoy ngayon samantalang kayo nasa bahay lang. Kaya tinawagan namin kayo at medyo kailangan namin ng back up," nakangising sabi ni Zian.

"Talagang nagpatawag pa kayo ng back up! Ano?  Naduduwag na kayong tatlo kaya nagpatawag kayo ng back up! "sabi ng lalaking grey ang buhok. Siya siguro ang lider. At basi sa itsura niya anak mayaman ang isang to.

Parang matatawa ako sa sinabi nito. Alam ko na parang sasabog na sa galit ang tatlo dahil sa sinabi ng lalaki. Tignan ko lang kung may ibubuga pa ang isang to kapag mapuno yong tatlo.

"OMG! I'm so Scared!"parang baklang sabi naman ni Alexis at talagang nag arte pa ito na parang natatakot.

"Ano ka bakla? Kung maka asta ka para kang naiihing babae dahil sa subrang takot," sabi ng lalaking maraming tattoo sa katawan.

"Watch your mouth dude! Cause you don't know us!" malamig pa sa ice na sagot ni Alexis.

Para akong sasabog na bulkan ng madinig ko ang sunod na sinabi ng lalaki.

"Mga duwag talaga kayo! Kung sa tutuusin nagtatapang tapangan lang naman kayo. Mga bobo! Nagkamali pala kami na niyaya namin kayo sa labanan. Mukhang wala naman kayong maibubuga!"natatawang sabi nito.

"SHUT UP!" sigaw ko.

"Wow! Nagdala pa talaga kayo ng chix! Mukhang maganda siya ah! Kapag natalo namin kayo, sa amin na yang babae na kasama niyo,"dagdag pa nito.

Kanina pa talaga ako nagpipigil sa galit ko. Alam ko any time sasabog na ako at humanda itong lalaking to. Anong akala niya sa akin laruan. Tss! What a jerk! Hindi niya kilala ang kinalaban niya.

"Ba't kayo nakamaskara? Takot ba kayong ipakita ang mga panget niyong mukha? May pa black mask pa kayong nalalaman! Tss! mga lam......... "
Hindi ko na pinatapos ang susunod niyang sasabihin dahil agad ko itong binigyan ng napakalakas na sipa. Dahilan para tumama ito sa pader.Tss! weak!

"Watch your mouth asshole!" madiing sabi ko.

Parang hindi naman makapaniwala ang mga tauhan niya sa kanilang nakita. Anong akala nila sa akin weak na babae?! Nagkakamali sila.
Akmang susugurin na sana niya ako pero hindi pa nakakalapit ang kamao niya sa mukha ko ay agad ko na itong sinipa sa tiyan, dahilan para mamilipit siya sa subrang sakit.

MAFIA HEIRESS IN DISGUISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon