Starting

15.1K 433 64
                                    

Note : Dedicated to DosEternity

***

DATA

Nandito ako ngayon sa harap ng office ni Dad dala-dala ang alaga kong butiki, habang may naka-sukbit na headphone sa aking leeg.

Kakatok na sana ako sa pinto ng opisina ni Dad, ngunit nakita kong bukas naman ang pintuan. At dahil nga sa hindi ko mapigilan ang kyuryosidad ko ay sumilip ako at saka ko nakitang may kausap sa telepono si Dad.

"So how's Intrepide University, Jaxon?" naka-ngisi nitong tanong sa kausap. Intrepide University? Jaxon? 'Yan 'yong school ni Mom and Dad before! Doon rin kasi sila nagkakilala. And Jaxon? I think narinig ko na 'yang pangalan na 'yan dati pero hindi ko lang maalala kung saan, kanino at kung kailan.

At saka, ano kaya ang meron doon sa Intrepide University na sinasabi ni Dad? Maganda kaya doon? Thrilling? Ngumisi ako sa naisip ko.

Dahan-dahan kong binitawan ang hawak kong butiki, at saka ako chill na nag-lakad pabalik sa kwarto ko, habang naka-pamulsa pa.

Agad kong ni-lock ang pintuan ng kwarto ko at saka ako dali-daling umupo sa harapan ng computer ko na gawa pa ni Mom. Well, my Mom is an inventor. Siya ang nag-imbento ng Axis Gadgets na isa sa pinaka-sikat at pinaka-mahal na gadgets ngayon. Mayroon ring new game na naimbento si Mom. Ang Virtual Reality Warrior Game na umaabot ng ilang milyon ang halaga. Isa itong laro na ikaw mismo ang magiging character at ikaw rin ay mapapasok sa laro. Mababalik ka lang sa reyalidad kung tapos na ang laro. Cool, right? My Mom is also a hacker and gumagawa nga siya ng game, pati na rin websites. Habang si Dad naman ay expert sa paggawa ng weapons and isa rin siyang business tycoon. Owner ang Mom ko ng Blackcross Corporation and ang Dad ko naman ang katuwang ni Mom.

Mabilis akong nag-browse at nag-research about sa Intrepide University m--ngunit walang resultang lumalabas kaya't wala na akong ibang choice.

Mabilis akong nag-type ng codes at saka pumunta sa isang hidden website na kilala sa pangalang X-Code website kung saan maaari mong i-research lahat ng mga hidden websites sa internet or informations na hindi mo makikita sa surface web.

Mabilis kong t-in-ype ang Intrepide University at kaagad na lumabas ang isang picture ng isang itim na gate na may halong silver at isang picture ng mapa.

"Intrepide University - a hidden school for elites located at the end of Mist Forrest. It's where everything is a game, because everyone's battling with life and death."

This school is interesting, hm?

Ngumisi ako't i-prin-int ang picture ng gate. Well, alam ko naman kung nasaan ang tinatawag na Mist Forest. May sabi-sabi rin na lahat ng pumapasok roon ay hindi na nakaka-labas pa ng buhay, but the hell I care, right? Ang gusto ko lang naman ngayon ay pumasok sa unibersidad na 'yon at alamin ang tungkol sa unibersidad na 'yon.

Get ready, INTREPIDE UNIVERSITY.

Intrepide UniversityDove le storie prendono vita. Scoprilo ora