Chapter 11

7.4K 270 16
                                    


**

DATA

At the count of three, two, and one.

Biglang tumunog ang bell sa buong arena at may pumutok na baril. It only means, magsi-simula na ang battle.

"So our first blah blah.."

Marami na ang nag-laban, and all I can say ay halos magagaling silang lahat. No wonder kung bakit sila naging gangster. Tsaka ngayon ko lang na-realize, may mga jejemon rin pala dito.

Pinikit ko ang mga mata ko, at huminga ng malalim. Battle na ng mga nasa rank ngayon.

"So let's start our battle of the strongest and smartest of all in this University. The royale ranks, rank one up to four!" At may sumabog sa stage na usok. Nag-hiyawan naman ang mga narito.

"Now, go to the stage now, rank four and your opponent, rank three!" Nag-sigawan lahat ng tao. May nagche-cheer sa rank four, meron rin sa rank three.

Nag-straight line sila sa arena ground at nag-face to face. Seryoso ang mukha nila Hana Rios habang naka-ngisi naman ang kalaban nila. Mga lalaki ang kalaban nila, kakayanin kaya nila?

"Woah. This is very exciting! Isn't it? The Black Cards o The Cards vs. The Green Inferno! Now, let the game, begin!"

Biglang sumugod yung naka-leather jacket kay Hana Rios at sinuntok si Hana ngunit nasalo ni Hana ang kamay nito at nag-pakawala ng isang uppercut.

Habang sumugod naman yung lalaking may iilang nunal sa mukha, pero gwapo rin naman kay Steffie at sinipa ito. Natamaan naman si Steffie sa tiyan. Mukha namang nainis si Steffie at mabilis itong sinipa sa mukha kaya napa-luhod ang kalaban nito. Ngumisi si Steffie at saka niya tinuhod ang mukha nung lalaki kaya dumugo ang ilong nito at saka ito tuluyang napa-higa. Pumatong si Steffie sa tyan nung lalaki at pinag-susuntok ito.

Sa kabilang dako naman, kalaban ni Kyril yung lalaking may headphone na naka-sabit sa leeg. Nagulat ako nung biglang sinapak ni Kyril yung lalaki sa mukha at sununtok bago pinag-sisipa. She's so brutal and wild.

Habang sa kabilang dako naman ay magka-harap si Angeline at lalaking naka-fit na royal blue t-shirt. Nagulat ako ng biglang lumapit dun si Angeline sa lalaki at pumulupot sa leeg nito. Ngumisi naman yung lalaki ng bigla itong matumba. May parang pinindot kasi si Angeline sa may leeg nito na nag-cause ng pagka-knock out o tulog nito.

Sa kabilang dako, kaharap ni Laine ang isang chinitong lalaki, bigla nag-front kick yung lalaki na tumama sa tyan ni Laine at mabilis na nag-side by side kick na nasangga naman ni Laine. Galit na tumingin rito si Laine at sinapak ito kaya natumba ito. Umupo si Laine at hinawakan ang buhok nung lalaki at inuntog sa sahig.

Sa kabilang dako, kaharap ni Kyla yung lalaking naka-black na lalaki. Ngumiti yung lalaki kay Kyla at lumapit rito ng biglang tinuhod ni Kyla ang pagka-lalaki niya. Yung birdie. O'why so brutal?

Sa huli, nanalo parin ang Black Card's which is Hana Rios's gang. Napatingin sakin bigla si Hana kaya kumaway ako habang naka-ngiti and mouthed 'Congratulations'. Nag-thumbs up naman ito at nakipag-kamayan na sila sa rank four.

Bigla akong kinabahan. Kami na pala ang susunod na lalaban.

"Now! Let's welcome, The Phantom's and the Hell Guerriers! This would be exciting! Now, go to the arena ground, rank two and one!" Mabilis naman kaming tumungo sa arena ground.

Luminya kami at hinarap ang isa't isa. Kaharap ngayon ni Alexander si Ceddie, kaharap naman ni Xiela si Vector, kaharap naman ni Lorein si Jake, kaharap ni Eos si Logan, kaharap naman ni Tripp si Nathan, at ako, kaharap ko si Leroy.

Intrepide UniversityOnde as histórias ganham vida. Descobre agora