Chapter 1

12.6K 399 41
                                    

DATA

Narito ako ngayon sa harapan ng opisina ni Dad dala-dala ang alaga kong butiki, habang may naka-sukbit na headphone sa aking leeg.

Kakatok na sana ako sa pinto ng opisina ni Dad nang makitakong bukas naman ang pintuan at saka dahil na rin sa hindi ko mapigilan ang curiosity ko ay sumilip ako't nakitang may kausap sa telepono si Dad.

"So how's Intrepide University, Jaxon?" naka-ngisi nitong tanong sa kausap. Intrepide University? Jaxon? 'Yan 'yong school ni Mom and Dad before! And Jaxon? I think narinig ko na 'yang pangalan na 'yan dati pero hindi ko lang maalala kung saan, kanino at kung kailan.

Ano kaya ang meron doon sa Intrepide university? Maganda kaya doon? Ngumisi ako sa naisip ko.

Dahan-dahan kong binitawan ang hawak kong butiki, at saka ako chill na nag-lakad pabalik sa kwarto ko, habang naka-pamulsa.

Agad kong ini-lock ang pintuan ng kwarto ko at saka ako dali-daling umupo sa harapan ng computer ko na gawa pa ni Mom. Well, my Mom is an inventor. Siya ang nag-imbento ng Axis Gadgets na isa sa mga pinaka-sikat at pinaka-mahal na gadgets ngayon. Mayroon ring new game na naimbento si Mom, which is ang Virtual Reality Warrior Game na umaabot ng ilang milyon ang halaga para lang malaro mo ito. Isa itong laro na ikaw mismo ang karakter at mapapasok ka sa loob mismo ng laro. Mababalik ka lamang sa reyalidad kung tapos na ang laro. My Mom is also a hacker and gumagawa rin siya ng games and websites habang si Dad naman ay expert sa paggawa ng weapons and isa rin siyang business tycoon. Ang Mom ko naman ay ang owner ng Blackcross Corporation and ang Dad ko naman ang katuwang ni Mom.

Mabilis akong nag-browse sa internet at saka nag-research about sa Intrepide University ngunit walang resultang lumalabas kaya't wala na akong ibang choice. Sana lang hindi ako mahuli ni Mom.

Mabilis akong nag-type ng codes at saka pumunta sa isang hidden website na sikat sa pangalan na X-Code website. Isa itong website kung saan pwede mong i-research ang mga hidden websites or informations.

Mabilis kong t-in-ype ang Intrepide University at kaagad namang lumabas ang isang picture ng itim na gate na may halong silver at isang picture ng mapa.

Intrepide University - a hidden school for elites located at the end of Mist Forrest.

This school is interesting, huh.

Ngumisi ako't i-prin-int ang picture ng gate. Well, alam ko naman kung nasaan ang tinatawag na Mist Forest. May mga tsismis rin na lahat raw ng puma-pasok roon ay hindi na nakaka-labas pa ng buhay, but the hell I care. Ang gusto ko lang ngayon ay pumasok sa unibersidad na 'yon at alamin ang tungkol sa unibersidad na 'yon.

Get ready, INTREPIDE UNIVERSITY.

***

Naka-hawak ako ngayon sa strap ng backpack ko, habang naglalakad sa gubat. Sa Mist Forest kung saan matatagpuan ang Intrepide University.

Umupo ako sandali sa may lupa, at saka ko kinuha ang GPS-Axis Device ko na isa sa mga gawa ng Mom ko. Isa itong uri ng locator kung saan makikita mo ang sarili mo kung saan ka nag-lalakad o patungo, at base nga sa nakikita ko ngayon sa device na ito ay malapit na ako sa dulo ng Mist Forest kung saan naka-tayo ang Intrepide University.

Intrepide UniversityWhere stories live. Discover now