Chapter 4

8.4K 330 17
                                    


Dedicated to miss itsmekathreng! Salamat pala sa support mo.

**

DATA

Nandito na ako ngayon sa labas ng aking magiging classroom. Hindi ko alam kung may teacher na ba sa loob o wala pa. Tinted kasi at saka soundproof ang mga classrooms dito sa Intrepide University. For our own safety raw.

Huminga ako ng malalim, bago pinihit ang doorknob. Isang minuto na rin ang nakalipas mula noong tumunog ang bell.

Nang tuluyan ko ng mabuksan ang pintuan ay bumungad sa akin ang classroom na puno ng sulat ang pader at halos mga lalaki rin ang mga studyante rito. Konting mga babae lang ang narito at isang matandang lalaki na siguradong ang guro namin. May suot rin itong eyeglasses.

Tinignan ko ang taas ng pinto at saka napa-buntong hininga. Ito na nga ang class A-1 kung saan ako nabibilang. Parang hindi naman mga mayayaman ang mga studyanteng narito. Walang manners. Hindi na nga malinis ang classroom, hindi pa nakikinig.

Pumasok na ako sa loob nang biglang mapa-tingin sa akin ang matandang lalaki at saka siya ngumiti sa akin.

"Are you the new kid?" oh! Ayan na naman. Kid na naman! Sabi ng maliit lang ako, pero hindi ako bata, eh! Hay nako! Ang kulit ng mga tao dito.

Nag-fake cough ako at saka tumango. Nag-hand gesture naman siyang pumunta ako sa harapan, kaya kaagad akong tumungo roon habang nililibot ang aking paningin. Masasama ang titig ng mga narito sa akin habang naka-ngisi. Hindi ko na lang 'yon pinansin. Feeling ko nasa rehab ako, eh. O 'di kaya ay nasa mental o kulungan.

"Introduce yourself now, kid."

"I'm Data. Seventeen years old," naka-simangot kong pakilala pero parang wala namang nakikinig. Nag-effort pa naman akong mag-pakilala at mag-salita. Tsk. Pero, self! Kailangan maging mabait ka para makuha mo ang loob nila.

"And...and I'm confidently beautiful with a heart," pasigaw na dugtong ko bigla, kaya napa-tingin sila sakin. Kaso nga lang yung klaseng tingin na nakakamatay tapos may napa-takip pa sa tenga nila.

'What the hell'

'Shit!'

'Heck'

'You, idiot!'

'So noisy, kido! Hell'

'Shut up, Flat!"

Mga fourteen lamang kami rito ngayon. Tatlong babae, the rest mga lalaki. Pero, ano raw?! Anong sabi niya? Ako? Flat? Huminga ako ng malalim at saka ako mahinahong pumikit. Habaan mo ang pasensya mo, Data. Kailangan maging mabait ka at magkaroon ng marming kaibigan para malaman mo ang sikreto ng paaralang ito.

"Okay. That's enough, class! Ehem. By the way, I'm Klein Yuth. You may now take your sit, Data," sabi ni sir Klein.

Nilibot ko ang paningin ko para mag-hanap ng mauupuan at nahagip naman ng mata ko ang anim na bakanteng upuan sa dulo. Wala ng ibang bakanteng upuan kaya wala akong choice kung hindi ay ang umupo doon. Sayang! Gusto ko pa namang umupo sa bandang harapan.

Intrepide UniversityWhere stories live. Discover now