Chapter 16

6.8K 252 1
                                    


**

DATA

"Ang tagal naman niyang magising."

"Sleeping beauty ang nais."

"Lol."

"Boobless! Flat!"

"Hoy! Alexander sinong boobless?!"

"Sino pa? Edi ikaw!"

Na-gising ako sa mga ingay na narinig ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni Lorein, na naka-harap sa mukha ko ngayon kaya mabilis ko siyang natulak habang nanlalaki ang mata.

"Tomboy ka na ba, Lorein?" Dahan-dahan itong tumayo habang naka-hawak sa bewang nung mapansin kong naka-suot sila ng gown, kaya kumunot ang noo ko.

"Anong meron? Bakit kayo naka-gown?" Akmang sasapakin ako ni Xiela ng panlakihan siya ni Alexander ng mata.

"May gaganapin kasing Acquaintance Party, and one and a half hour nalang at mag-sisimula na 'yon." Humarap si Lorein kay Alexander, "You, get out!"

"E--"

"Alis daw! Cute size!" Padabog namang umalis si Alexander habang naka-kunot ang noo at bumubulong.

"So, tayong tatlo nalang. Xiela, ilabas mo yung box sa may cabinet." Tumaas ang kilay ni Xiela.

"Yaya mo ba ako." Sinamaan naman siya ng tingin ni Lorein, kaya di nalang tumanggi si Xiela.

Bumalik ito bitbit ang kulay itim na kahon.

"Formal ang party, kaya dapat naka-formal attire din tayo." Ngisi ni Lorein at nag-labas ng make-up kit at pinaupo ako tsaka sinimulan na akong lagyan ng kolorete sa mukha, habang si Xiela naman ang bahala sa buhok ko.

Ilang minuto lang ay natapos na din sila at hinarap ako sa salamin. Hindi ko mapigilang mapa-titig sa salamin at hawakan 'yon dahil baka may kinabit lang silang picture don.

"Ang ganda mo, Data!" Tila kumikislap ang mga matang saad ni Xiela. Nahihiya naman akong ngumiti.

"Now, oras na para sa gown and heel's!" Sabay kuha ni Lorein nung karton sa gilid niya at binuksan 'yon tsaka may nilabas na itim na long gown at silver stiletto's. It's a formal high slit and tube din ito.

"Mag-bihis ka na, hihintayin ka namin sa labas. Ilang minuto nalang at mag-sisimula na ang kasiyahan." Sabay hila ni Lorein kay Xiela palabas.

Dali-dali kong hinubad ang suot ko at nag-palit. I look at myself in the mirror. I can't believe it! Professional make-up artists ba sila? They really are cool and great.

Inayos ko sandali ang sarili ko sa harap ng salamin at nilabas ang silver sword cross na necklace ko at sinuot yon pati narin ang silver bracelet na galing don sa kahon.

Dahan-dahan akong lumabas at sumalubong sakin ang bored na mukha ng dalawa.

"Uh?" Napa-lingon sila sa akin at tila nag-ningning ang mata at na-amaze.

"Omg! You look so gorgeous with your dress, Data!" Puri ni Lorein. Feeling ko, umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa papuri niya, at namula ang mga pisngi ko.

"Nag-mukha ka ng tao." Ewan ko kay Xiela kung puri ba 'yon o insulto, pero ngumiti nalang ako. Medyo maldita talaga siya.

"O'siya tara na! Ilang minuto nalang talaga't magsi-simula na ang Acquaintance Party!" Sabay hila ni Lorein sa mag-kabilang kamay namin ni Xiela sa kung. Sa venue siguro.

Huminto kami sa harap ng gymnasium. Napaka-laki nitong tignan at napaka-ganda dahil sa mga ilaw na naka-palibot ngayon rito. May red carpet din sa labas. Feeling ko tuloy, isa akong sikat na pop-star na a-attend sa isang awarding.

Intrepide UniversityWhere stories live. Discover now