Chapter 30

5.7K 195 35
                                    


**

THIRD PERSON

Patungo na sila Data ngayon sa laboratory kung nasaan ang puno't dulo ng lahat. Nangunguna ngayon si Data, kasunod si Tripp at ang ibang miyembro na gulat pa rin hanggang ngayon sa nasaksihan at nangyari kanina. Hindi nila inaakalang mamamatay ito, at mabubuhay muli. Buhay na buhay ito, at sobrang hyper.

Ng makarating sila sa harapan ng laboratory ay huminto sila at humakbang muli ng medyo malayo sa pintuan. Ngumisi si Data, sabay kuha ng dala niyang granada at binuksan 'yon at mabilis na hinagis.

"Destroy." Napa-palakpak ito, na tila nag-enjoy ng tuluyang masira nito ang pintuan kung nasaan ang mga scientists, habang naka-nganga lang ang ibang kasama nito.

Did she just throw a grenade, just to destroy that door?

Halos ganito ang mga tanong nila sa kanilang mga isip, na tila hindi maka-paniwala.

Pumasok sila sa loob, kasabay ng pag-tunog ng malakas ng warning bell at umilaw ng pula ang buong paligid. Isang warning na mayroong naka-pasok na kalaban sa loob o mayroong nag-trespass.

Nataranta ang mga scientists na nasa loob ngayon ng laboratory at nage-eksperimento, at nagka-gulo, habang si Black naman ay naka-ngisi, habang naka-masid sa CCTV camera kung saan kitang-kita ang lahat ng nangyayari sa loob ng laboratory, pati ang pagka-matay ni Hana Rios at Data.

"Master, naka-pasok na sila." Sabay yuko ng isang babae kay Black na siyang master nito at tumabi rito.

"That's great, daughter. Madali na lang natin silang mapa-patay sa paraang ito." Humalakhak na parang demonyo si Black, at saka siya ngumisi.

"Magiging mayaman at makapangyarihan na rin tayo, anak. Sa wakas!"

Mabilis na pinaputukan nila Data ang mga scientists na nag-balak na manlaban, nang may isang lalaki ang pumasok.

"Lester?" Maang na tanong nila, at napa-kuyom ang mga kamao. Ngumisi naman si Lester kasabay ng pag-taas niya kamay.

"Easy, dudes. Kakampi niyo ako. Now, let's get it on, baby!" Kumindat ito at biglang bumunot ng dalawang baril, kasabay ng paggulong nito sa sahig, at pina-putukan ang mga scientists, ng may humampas sa kanya sa likod.

Fuck. Mura nito sa kanyang utak, at mabilis na sinipa sa sikmura ang lalaking scientists na umatake sa kanya, at inuntog ito sa pader kasabay ng pagka-wala ng malay ng scientist, bago niya 'to pagbabarilin. May tumalsik rin na iilang dugo sa mukha ni Lester, galing sa scientist. Nandiri ito, at pinunasan ang mukha.

"Fuck. My handsome face!" Inis nitong sambit. Napa-ngiti ang iilan kila Data, at nag-simulang lumaban muli.

May tatlong scientists na kaharap ngayon sina Alexander at Xiela. Pinalibutan silang dalawa ng mga ito, kaya nagka-tinginan sila at sabay na tumango.

"Ew, Alexander. Ngayon lang 'to, okay?" Nandidiring sambit ni Xiela. Ngumisi lang si Alexander, kasabay ng pag-buhat nito kay Xiela, at pag atake ng mga kalaban.

Mabilis na pinag-sisipa sila ni Xiela, habang buhat siya ni Alexander at ini-ikot. Tumigil sila ng napa-tumba ang tatlo. Binaba ni Alexander si Xiela.

Intrepide UniversityWhere stories live. Discover now