Chapter 5

8.1K 319 22
                                    


**

DATA

Narito ako ngayon sa dormitoryo. Alas-otso na ng gabi at ibig sabihin lamang nun ay bawal nang lumabas ng dormitoryo, kung ayaw mong maparusahan.

Ipinikit ko ang aking mga mata nang biglang pumasok sa aking isipan ang grupong Hell Guerriers. At saka, anong meron sa ranggong sinasabi ni Hana Rios?

Rank ba ito ng matatalino? Mayayaman? O kung ano man?

Kailangan kong malaman kung para saan 'yon!

Bigla kong naalala si Hana Rios. Parang kanina lang, ang sama nitong maka-tingin, tapos biglang makikipag-kaibigan siya sa akin? Pwede ba 'yon?

Napa-hinga ako ng malalim sa aking mga naiisip. Napaka-misteryoso ng mga tao rito. Napaka-misteryoso ng paaralang ito.

Mayamaya lamang ay dinalaw na ako ng antok at napa-pikit na.

Nagising ako ng eksaktong alas-cuatro na naman. Ang aga pa para sa unang klase, ngunit may kasabihan nga akong, 'Mas mabuti ng maaga kesa late, time is gold at dapat itong sulitin.'

Tama naman, hindi ba?

Mabilis kong inayos ang sarili ko, at saka ako tumungo sa cafeteria. Konti pa lamang ang mga narito. Marahil ay dumiretso na sila sa kanilang classroom, o tulog pa sila hanggang ngayon.

Um-order na ako ng tuna spread at saka chuckie at naupong muli sa katabing table ng Hell Guerriers.

Kinuha ko ang straw ng aking chuckie at saka ako sumipsip roon, bago sumubo ng tuna spread habang nag-mamasid sa paligid.

Mayroong mga babaeng nagmi-make up, at aba! Lumevel up 'yong make up, ha? Naging make out. Tss.

Mayroong mga lalaking naghahabulan na parang bata at may hawak na baseball bat. Pwede na palang mag-laro sa cafeteria ngayon ng baseball? Ang galing naman.

Mayroon ring mga kumakain lang.

Mayroong ring nagsi-selfie. #MukhangIsda.

Napa-irap na lamang ako sa hangin nang biglang may humampas sa mesa kung saan ako naka-puwesto, kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat at saka ako napa-tingin sa taong humampas ng mesa ko.

Isa itong babaeng kulot. Maputi, matangos ang ilong, matangkad. In short maganda. Kinulang nga lang sa tela. Grabe! Idol niya ba si Eva?

May dalawang babae rin itong kasama. Isang babaeng may bangs at isang short haired girl na may mga sabit sa katawan. Mukha tuloy siyang Christmas tree na walang Christmas light.

"You're the new kid, right?" tanong nit o sa akin, sabay ngisi nito. Akala naman neto, ang ganda niya. Pasalamat siya, good girl ako palagi. Good girl with bad habit's.

"Yes, why?" naka-ngiti kong sagot sa kanya, habang pinanlalakihan ito ng mata at butas ng ilong pero agad ko ring inayos ang itsura ko. Baka may kulangot pa ako.

"Aba't sumasagot ka pa?" sigaw nito sa mukha ko, at tumalsik pa talaga ang laway niya sa mukha ko. Agad ko namang pinunasan ang mukha ko. Ew. Gross.

"Tinanong mo kasi ako," sagot kong muli sa kanya. Tama naman, hindi ba? Ang bastos ko naman yata kung hindi ko siya sasagutin. Ay, hindi pala bastos. Ang bastos, naka-hubad, e. Walang galang na lang.

"Aba't talaga namang! Girls! Hawakan niyo siya!" mabilis na lumapit 'yong dalawa niyang alipores sa akin, at saka nila hinawakan ang mag-kabilang braso ko at saka ako sapilitang pinatayo. Marami na rin kaming audience. Wow. Yayaman ako pag in-upload 'to sa YouTube.

Intrepide UniversityWhere stories live. Discover now