Chapter 13

7.1K 251 4
                                    


**

DATA

Ilang araw na rin simula noong nangyari ang pag-halik sa akin ni Tripp Axis, at hindi ko pa rin 'yon nakakalimutan. Ilang araw na din akong umiiwas sa kanya. Naiilang pa rin kasi ako. Sino ba naman ang hindi maiilang kaoag hinalikan ka ng hindi mo naman jowa, hindi ba?

Hay!

Nandito nga pala ako ngayon sa ilalim ng puno sa may field ng campus. Walang pasok ngayong araw na ito dahil mayroong meeting ang mga professors at ang council.

Ipinikit ko ang mga mata ko upang mag-pahinga nang makita ko ang imahe ni Tripp Axis. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Abnormal na ba ako? May sakit na ba ako sa puso? Bakit ko nakikita ang imahe nung impaktong 'yon?

Naka-pikit kong hinawakan ang dibdib ko. Malakas ang pag-tibok nito, na tila nakikipag-karera kay kamatayan dahil sa lakas at bilis.

"Why are you avoiding me, Ferrer?" Nagulat ako nang biglang may mag-salita, kaya naman ay kaagad akong napa-mulat ng aking mga mata. Sumalubong sa akin ang isang pares ng itim na sapatos.

Dahan-dahan kong ini-angat ang paningin ko, kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin at pag-salubong ng aming mga mata.

"Tripp..." Mahina kong bulong. Why am I avoiding him, by the way? Napa-pikit ako ng mariin at umiling.

"Again, why are you avoiding me, Ferrer?! Damn it." Nagulat ako nito ng makita kong tila nasaktan ito. Nasasaktan ba siya, dahil iniiwasan ko siya? Ngunit, bakit?

"Bakit naman kita i-iiwasan?" Utal kong tanong sa kanya. Ramdam ko ang lalong pag-bilis ng tibok ng puso ko at ang kiliti sa tiyan ko.

"Fuck it, Ferrer! Damn." Nagulat ako ng sabunutan nito ang sarili at mabilis na umalis sa harapan ko.

What's with him? Anong problema niya? Bakit tila ang weirdo niya ngayon?

Kinalma ko ang aking sarili ko bago ako tuluyang tumayo at umalis na rin sa field. Tulala ako ngayong naglalakad, habang naka-hawak sa dibdib ko.

Why am I feeling this way? Why am I being like this when he is around?

Sumandal ako sa pader, at saka ko mahinang sinampal ang sarili ko. Buti na lamang at walang studyanteng pakalat-kalat dito ngayon dahil kung hindi ay baka napagkamalan na nila akong baliw.

Ngunit isa. Isa lamang ang tuma-takbo ngayon sa isipan ko.

Gusto ko na ba siya? Gusto ko na ba si Tripp Axis? Kailangan ko munang siguraduhin.

"Data! Data!" Napa-lingon ako sa tumawag sa akin, at nakita si Lorein na tumatakbo patungo sa direksyon ko at nag-habol ng hininga.

"Bakit?"

"Ikaw ang napili bilang girl representative sa bloody game." Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin? Anong bloody game?" Napa-buntong hininga ito, at pumikit ng mariin, tsaka kinuyom ang mga kamao.

"It is a game kung saan pipili ng isang babae at lalaking representative every classrooms na lalaban sa larong bloody game. Nagaganap ang larong 'yon every year. Maglalaro lang naman kayo ng 'kill or be killed' kung saan ikukulong kayo ng dalawampung oras sa loob ng arena at doon, magpapatayan kayo. Ang matitirang mag-kapares ang panalo." Nanlumo ako sa narinig ko. Ibig sabihin, kailangan kong pumatay upang mabuhay? Atsaka, sino ang ka-pares ko?

"At ang ka-pares mo ay walang iba kung hindi ay si Tripp Axis Theor. I trust him. I know he will protect you, Data." Ngumiti siya at niyakap ako. Napaka-bait talaga ni Lorein. Isa siya sa mga naging pinaka-matalik kong kaibigan sa paaralang ito sa loob lamang ng isang buwan.

Huminga ako ng malalim. Hindi naman pwedeng protektahan niya lang ako, kung tama nga ba si Lorein. Kailangan kong gumalaw.

Biglang hinawakan ni Lorein ang kamay ko, at saka hinila ako papunta sa kung saan.

"Saan tayo pupunta?" Taka kong tanong sa kanya.

"Classroom." Maikli nitong sagot sa akin.

Nang makarating kami sa loob ng classroom nami ay kaagad na sumalubong sa amin ang Hell Guerriers at ang grupo ni Hana Rios.

Inilibot ko ang paningin ko, at nakitang naka-titig sa akin si Tripp ng malamig. Malamig, tama. I sighed deeply.

"Data!" Sigaw ni Xiela at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.

"Sana kayanin mo. I know naman na kaya mo 'to, e. I know!" At bumitaw ito sa pagkaka-yakap sakin at tinapik ako sa balikat. Lumapit rin si Eos at Alexander sa akin at nag-good luck.

"Kailan nga pala gaganapin ang laro?"

"Bukas na iyon gaganapin ng ala-una ng hapon hanggang alas-dose ng gabi." Sagot ni Hana Rios at lumapit sakin tsaka ngumiti, "Good luck, Data."

Lumapit sa akin si Kyla at tinaliman ako ng tingin. "Wag kang mamamatay dahil kung hindi ay ido-double kill kita. Tsk," umirap ito at umalis sa harap ko. Natawa naman ako sa inasta niya.

Maldita with a heart.

Lumapit sakin si Laine at binatukan ako, "Tutulungan ko si Kyla na i-double kill ka kapag namatay ka! Good luck."

Lumapit sa akin si Kyril at niyakap ako ng mahigpit, "Good luck."

Sumunod ay si Steffie at Angeline. Niyakap ako ni Steffie, habang hinalikan naman ako ni Angeline sa pisngi. Hindi pa rin talaga ako sanay na hinahalikan niya ako sa pisngi.

"Mag-iingat ka, girl." Sambit ni Steffie,  at saka siya ngumiti bago ako muling niyakap at bumalik sa upuan.

"Good luck." Sabi ni Angeline, at bumalik na rin si siya sa puwesto niya.

Hindi ko alam kung bakit sila ganito kung maka-goodluck sa akin samantalang kay Tripp, e, parang wala lang. Napa-iling na lang ako. Tripp na naman. Tss

"Hindi ako sasabak sa gyera guys kung maka-good luck kayo ha?" Tumawa ako "At saka hindi ako mamamatay." Biglang nag-bago ang tono ko na para bang hindi ako sigurado sa sinasabi ko.

"Yeah. I won't let that happen, because if she dies, we'll lose." Napa-ngiti ako at tinapik siya sa balikat.

"Good luck sayo, Tripp.." Nakita kong bahagyang nagulat ang Hell Guerriers.

"Did you just call that guy, Tripp?!" Hindi maka-paniwalang tanong ni Xiela.

"At hindi man lang 'to nagalit." Dugtong ni Alexander.

"Unbelievable." Nagka-tinginan silang dalawa at sabay na umirap. Tell me, bakla ba si Alexander? Sayang naman, kung ganun.

"Improving nga." Ngumisi si Lorein at umakbay kay Eos.

"Right, Eos?" Tumingin si Eos sa kanya at tumango.

Okay? What's happening?

"Big deal ba yun?" Sabay-sabay tumingin sakin silang lahat, kasama na ang The Card's.

"Big deal! Bigtime!" Sabay nilang sigaw.

Nagulat kami ng biglang pabalang na sumara ang pintuan at tumingin sa pwesto kanina ni Tripp. Wala na siya ron. Lumabas na siya.

I think, ayaw niyang inaasar siya sa akin. Mapait akong ngumiti ng palihim. Ayaw niya ba sa akin? I let out a sigh at kinuha ang atensyon ng mga narito ngayon.

"Ehem. I- I... Babalik muna ako sa dorm." Mabilis akong tumalikod at nag-lakad palabas ng classroom bago humawak sa dibdib ko.

I don't know, but I'm hurt. Literally.

**

Intrepide UniversityOnde as histórias ganham vida. Descobre agora