Chapter 29

5.1K 188 10
                                    


**

DATA

Nandito na kami ngayon sa bungad ng forbidden forest. Mahigpit kong hawak ang pistol na ibinigy sa akin ni Tripp, at ang strap ng backpack ko.

Sumenyas na si Tripp na pumasok kami, kaya mabilis kaming sumunod sa kanya. Maingat at iniiwasan namin ang maka-gawa ng ingay, hangga't maaari.

Nang madaanan namin ang secret laboratory ay sandali kaming napa-hinto, pero mabilis ding nag-lakad muli, hanggang makarating kami ng tuluyan sa harap ng isang lumang building, na hanggang third floor lamang.

"Alexander and Xiela, first floor. Eos and Lorein, second floor." Rinig kong sabi ni Tripp sa earpiece na suot namin. Lumingon ito sa akin.

"Me and Data, third." Kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.

Dahil ba sa takot na may mawala sa aming dalawa? But, no. I won't let that happen. I won't.

Mabilis kaming kumilos, at pina-tumba ang mga humaharang sa daanan namin. Mabuti na lamang at may silencer ang mga baril na gamit namin.

Mabilis kaming naka-pasok sa loob ng building, and the plan, starts, now.

Mabilis kaming naghiwa-hiwalay upang hanapin ang kwarto kung saan nila ikinulong si Hana Rios.

Xiela

Nandito kami ngayon ni Alexander na ubod ng panget sa first floor, at dini-dispatsya ang mga kalaban, habang tumitingin sa bawat kwartong nadadaanan namin.

"First floor, clear." Bulong ko sa may earpiece na suot ko.

"Okay, now, you two. Proceed to the second floor and observe." Rinig naming utos ni Tripp. Kahit kailan, ang bossy talaga ng lalaking 'yon. Psh. Wala namang panaman sa akin.

Nagka-tinginan kami ni Alexander, at sabay na nag-lakad patungo sa second floor. Parang may mali. Imposibleng madali lang kaming maka-akyat sa building o maka-pasok ng walang kahirap-hirap.

I sighed.

"Hoy, panget. Iniisip mo nanaman ba ako? Sus!" Mahanging saad ni Alexander, kaya inirapan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Tumahimik kang unggoy ka! Nasa serysong misyon tayo." Sabay irap kong muli.

Umakyat na kami ng hagdan at naka-rating sa second floor ng walang kahirap-hirap. Masama talaga ang pakiramdam ko rito.

Naglibot-libot kami roon at wala namang kakaibang nakita. Bumalik kami sa may hagdan paakyat sa ikatlong palapag nang maka-salubong namin sina Lorein at Eos.

Nagka-tinginan kami at tumangos a isa't isa. "Second floor, clear." Sabay naming ani. We heard a loud noise sa earpiece, kaya nagka-tinginan kami.

"Shit! Proceed to third floor, now!" Rinig kong ani ni Tripp.

Mabilis kaming tumakbo patungo sa third floor, at naabutan sina Tripp at Data na nakikipag-away sa napaka-raming assassins.

Mabilis naming binunot ang mga pistols namin, na may silver bullet, with poison na kapag tinamaan ka ay maaari kang mamatay.

Intrepide UniversityWhere stories live. Discover now