Chapter 28

5.2K 179 5
                                    


**

DATA

Bukas na magsi-simula ang plano namin. Nandito ako ngayon sa dormitory ko upang mag-handa na ng mga gagamitin at kakailanganin ko. At mag-handa para sa mga maaaring mangyari.

Pumikit ako at saka akohuminga ng malalim. I should not be afraid. I chose this pathway, so I should accept and take all the risk.

Kung mamamatay man ako, at least ay mamamatay ako ng masaya. Hindi ba? Kesa naman sa mamatay ako na puno ng pagdaramdam ang puso ko.

It's my fault, anyway. Kung hindi ako pumunta rito, hindi ako malalagay sa panganib, pero nangyari na, eh. Wala na tayong magagawa pa. Wala na akong magagawa pa. At saka, masaya na din naman ako dito. Masaya akong napadpad ako sa lugar na 'to.

Tumayo ako at saka ako pumunta sa kusina at saka kumuha ng isang Vitamilk na chocolate flavor, at isang sandwich, bago ako tumungong muli sa sala at umupo sa sofa.

For now, let's just chill and eat. Malay ko bang, pagka-tapos ng laban, patay na ako. Edi, hindi ko na mati-tikman muli 'tong mga pag-kaing 'to.

Kakagat na sana ako sa sandwich ng biglang tumunog ang doorbell. Tamad akong tumayo at saka binuksan ito. And for the second time, may tao nanamang kumatok sa pinto ko ng hindi nagpa-pakita. Una, yung sa threat. What now? Ano na naman ba, this time?

Tumingin ako sa sahig, ngunit wala akong nakita. Nag-kibit balikat na lamang ako at papasok na sanang muli para isara ang pinto nang mahagip ng mga mata ko ang naka-dikit na papel sa pintuan ng dorm room ko.

Mabilis ko 'yong kinuha at saka ako lumingon-lingon sa paligid. Wala namang tao.

Mabilis akong pumasok muli sa dorm ko at sumandal sa pintuan. Dahan-dahan kong binuksan ang envelope-type paper, at sumalubong sa aking ang picture ni Hana Rios, na naka-gapos at may piring sa mata. Nasa isa itong madilim na lugar, kung saan ang ilaw lang ay yung dilaw na bumbila, sa may taas niya.

Nanginig ang kamay ko sa takot at galit. "How dare them to do this shit to her! If something bad happens to her, I swear, I'll kill them!" Inis kong sambit sa sarili.

Ipinikit ko ang mata ko at saka ako huminga ng malalim. Calm down, Data.

Nang maramdaman kong huminahon na ang sistema ko, ay mabilis kong binasa ang naka-sulat sa papel. Italic type, and color red ink.

"If you don't want this stupid creature to die, pumunta kayo bukas ng gabi sa lumang building, sa dulo ng forbidden forest sa loob ng intrepide. - Black " Mabilis kong kinuyom ang mga kamo ko, at hindi napigilan ang emosyon. Sinuntok ko ang pader, at ni-lukot ang hawak kong papel, bago tumayo, at kinontak ang buong Hell Gueriers.

Umupo ako sa sofa, habang hinihintay sa kanila. Nanggi-gigil ako. Pakiramdam ko ay gusto kong mag-wala at pumatay. But, no. I won't let the beast inside me to show up. Not now.

Mayamaya lang ay narinig ko ang sabay-sabay na pag-doorbell kaya agad akong tumayo, at binuksan ang pinto. Walang emosyon ko silang tinignan.

"Come in." Nag-give way ako sa kanila, at saka ko isinara ang pinto. Umupo ako sa sofa, at ganun rin sila.

"May nag-padala sa akin neto." Inilapag ko sa mesa ang letter, na may kasamang litrato ni Hana Rios, atsaka pumikit para huminahon.

Intrepide UniversityNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ