Chapter 12

7.2K 271 8
                                    


**

DATA

Narito ako ngayon sa harap ng hidden headquarters ng Hell Guerriers. Alas-otso na rin ng gabi. Wala ng tao sa paligid, lalo na dito, dahil forbidden area ito ng Intrepide University.

Luminga-linga ako sa paligid, at saka mabilis na tinype yung password para bumukas ang daanan papasok sa aming headquarters.

Nang makarating ako roon ay sobrang dilim ng paligid, kaya naman ay napa-kapa ako sa pader ng biglang bumukas ang ilaw at,

"What the fuck!" Napa-mura ako sa gulat ng bumungad sa harapan ko ang isang lalakimg may hawak na kutsilyo at may suot na maskara.

"Who are you?" Kinakabahan kong tanong at umatras ngunit hindi ito lumapit, bagkus ay mas lumapit pa ito kaya napa-sigaw ako't napa-iyak, ng bigla itong tumawa at tinanggal ang maskara.

Napatayo ako habang nanlalaki ang mga mata.

"What the fuck! Eos!" Oo, tama kayo. Si Eos nga 'yun. May tinatago rin pala siyang kapilyuhan. Akala ko wala ng kulo ang dugo nito sa sobrang seryoso sa buhay na para bang pasan niya ang problema ng buong mundo at buong sangkatauhan, eh.

Humawak ito sa balikat ko, habang malakas paring tumatawa.

"Look at your face? So damn priceless. Damn!" Sinamaan ko naman siya ng tingin at pinunasan ang mga luha ko.

"Fuck you! Stop laughing, Eos." Tumikhim ito, at sumeryoso bago hinawakan ang kamay ko.

"Let's go. Nasa poolside sila." Sabi pa niya, at saka hinila ako nito patungo roon. And yes, mayroon ritong swimming pool pero maliit lamang ito. Tama lang naman para sa amin.

Nang makarating kami roon ay naabutan ko silang naliligo sa pool, habang umiinom at nagsasaya. May malakas ding tugtog na naka-play.

Si Lorein na naliligo, si Xiela na umiinom habang naka-babad sa pool, si Alexander na hinahabol ang sariling anino sa may poolside at si Tripp Axis na naka-upo lang sa isang tabi at naka-pikit ang mga mata.

Bigla silang napa-tingin sa amin, maliban na langkay Tripp Axis, at saka sila sumigaw.

"Omg! You two look so bagay talaga!" Conyong ani ni Xiela at ngumisi.

"Yeah right and please stop being conyo, Xiela." Lorein at umahon mula sa tubig. Naka-red one-piece swimsuit ito habang naka-blue two piece naman si Xiela. Stop daw pero conyo rin naman siya.

"So noisy. Tss" Napa-lingon kaming lahat sa nag-salita. Si Tripp Axis lang pala.  Napaka-KJ talaga nitong isang 'to.

Nakita ko namang may binubulong-bulong si Alexander, pero di ko iyon narinig.

Lumapit ako kay Tripp Axis, at saka ako pumantay sa mukha niya.

"Sorry, ha? At saka, wag ka namang killer joy! Let's enjoy this night." Sabi ko pa ngunit hindi ito umimik at hindi man lang nag-mulat ng mata, para sagutin o kausapin ako. Tss. Ano pa nga ba ang ini-expect ko?

Dahan-dahan akong tumayo't ngumiti  bago umalis sa harapan niya at tumungo sa pwesto ni Xiela at tinabihan ito.

"Yo." Bati nito at tumungga ng beer. Kinuha ko yung isang bote ng beer at tinungga rin.

Intrepide UniversityWhere stories live. Discover now