Chapter 8

2.4K 89 8
                                    

Chapter 8: The reason why we can't let go of someone is because deep inside we still have hope.



Bakit nga ba hindi madaling ibaon sa limot ang lahat ng masasayang alaala kasama ang taong minahal mo ng buo? Bakit hindi pwedeng kasabay ng pagsabi ng salitang 'paalam' ay ang paglimot ng lahat? 

I sighed as I glanced at him. He was sleeping peacefully while I, on the other hand, was in turmoil because of his mere presence. Paano nga ba laging nagku-krus ang mga landas naming dalawa? Bahagya akong napaigtad ng may tumapik sa balikat ko.

"Gwapo niya no?" Vash teased.

I looked away, blushing. "I don't know what you're talking about."

He smirked. "Sabi mo eh."

I breathed out harshly. "Bakit ka pa sumama? You should've just donated money! I thought celebrities were always busy?"

He laughed aloud. "Well, I had a feeling it would be fun. Aside, of course, from the fact that I really wanna help."

"Whatever,"I said, rolling my eyes.

May medical mission sina Shin at ang kanyang medical team sa isang bundok. Tamara asked for our help. I agreed right away. But I didn't know Jeck would volunteer, as well. Huli na ng malaman ko. 

Naka-sasakyan kami papunta pero kailangan naming mag-lakad papunta sa bundok. It would take 2 to 3 hours to get there. Sa bahay ng kapitan kami namahinga saglit. 

"Guys, ready na ba kayo?" Tam asked. 

"Let's go! I'm excited!" Vash said.

Tahimik akong sumunod sa kanila. It wasn't as easy as I thought it would be. Isang oras pa lang kaming naglalakad ay hinihingal na ako. May kabigatan pa man din ang backpack ko. 

"Dixie," It was Jeck. "Can you still walk?"

I nodded even if I couldn't anymore. "Kaya pa."

He stared at me then shook his head. "Guys, I think we should rest for a bit," he said.

"We don't ha-"

"Don't be stubborn," he said, cutting me off.

Pumayag naman agad ang mga kasama namin. Kami lang yata ni Tamara at ang fiancee ni DJ ang mga mukhang pagod. Ang mga lalaki ay hyper pa. Lalo na si Vash na puno ng kalokohan. Pagkatapos ng ilang minuto ay napag-pasyahan na magpatuloy na kami. I breathed out then stood up.

"Let's go, people! Follow the leader! Follow the leader! Leader!" Vash sang.

Natawa na lang kami sa kanya. Dadamputin ko na sana ang backpack ko ng naunahan ako ni Jeck. Nagtatakang napatingin ako sa kanya ng isakbit niya iyon sa isang balikat niya.

"Ako na ang magdadala."

"What? No need. I can manage."

"Ako na." Then he turned his back. 

Nasundan ko na lang siya ng tingin. Oo, ikaw na. At ikaw lang ang nakakapag-pagulo ng mundo ko. Ikaw lang. I sighed then followed them.



Pagdating namin ay kaagad na naming inayos ang lahat. Marami ng tao ang naghihintay sa amin. My heart broke when I saw how bad their condition was. Hindi ko naiwasang igala ang paningin sa paligid. Ang mga bahay ay pawang mga gawa sa pawid. Ang ilan ay mukhang bibigay na. 

Halo ang mga bata ay pawang mga nakapaa at marurusing. Payat din sila. They clearly lacked nutrition. Kaagad naming inumpisahan ang pamimigay ng pagkain. Habang namimigay ng pagkain ay nakita ko ang batang nadapa. Kaagad ko siyang nilapitan ng umiyak siya.

A Six-Word Story IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon