Chapter 18

2.4K 75 3
                                    

Chapter 18: "I can't stay mad at him. And when I'm mad at him, he says the sweetest thing and I forget why I was mad in the first place. I love when he does that."



He didn't come back the night he said he would. No calls or anything at all. Had I been the same old Dixie, I would've gotten angry. I checked my phone right away when I woke up. Still nothing from him! Sobra ang pag-aalalang nararamdaman ko ngayon. Hindi ugali ni Jeck na hindi magsabi kung hindi siya makakabalik ba siya o hindi.

"Hija, you didn't have dinner last night," worried na sabi ni tita Chari. "Mag-breakfast ka na. Sabayan mo na ako."

"Good morning, tita. Si Jeck po ba nakabalik na?" I asked as I took the seat across from her.

"Hindi pa. Baka mamaya pa iyon makabalik. Don't worry about him."

Tipid akong ngumiti at sinabayan ko ng mag-breakfast si tita. Inaya akong mamasyal ng mga pinsan ni Jeck. Ayoko sana pero ayaw din nila akong iwanan kaya napilitin na akong sumama. Namasyal lang kami maghapon. 

"Are you still worrying about kuya Jeck?" Sara asked. I nodded. "Nakausap na siya ni kuya Ed ngayon lang."

"What did he say?" agad na tanong ko. 

"Hindi na daw siya nakabalik kasi sobrang late na nung matapos siya. On the way na daw siya."

I was relieved to know that he's okay. But at the same time, hindi ko maiwasang makaramdam ng tampo sa kanya. Why didn't he even think of calling me? Buti pa iyong tawag ng pinsan niya ay nagawa niyang sagutin. Pero nung ako yung tumatawag ay binalewala lang niya.

"Xie. Ano, hatid ka muna namin sa bahay? Nandoon na daw si Jeck," sabi ni Ed.

I shook my head. "It's okay. Mamamasyal pa tayo, diba?"

"Yeah. But we know you've missed kuya Jeck, so it's okay if you wanna go back now."

Ngumisi ako. "It's fine. I'll just see him later."

Gusto ko munang palipasin ang tampo ko sa kanya. Kaya sa halip na bumalik na sa rest house ay sumama pa akong mamasyal sa kanila. Gabi na kami nakauwi pero hindi rin kami magtatagal dahil pupunta kami sa isang bar. 

When we got back, Jeck wasn't there. According to tita Chari, sinamahan ni Jeck ang dad niya. May pinuntahan lang daw sila pero babalik din agad. I took a quick shower. Nag-lipstick lang ako ng dark read at nag-ayos ng kilay. 

"Where are you going again, people?' tanong ni tita Chari.

"Sa bar lang po, tita," said Kris. "We just wanna check it out."

"All right. You take care, okay? Ed, you're the oldest. Ikaw na ang bahala sa kanila."

"Sure thing, tita!"

Bumaling sa akin si tita. "You're coming with them?"

"Yes, tita."

"Aren't you gonna wait for Jeck?"

"I'll just call him, tita. Sandali lang naman po kami."

She nodded with a smile. "Ingat kayo doon. And have fun!"



Hindi pa kami nakakarating ay tumatawag na si Jeck sa akin. I decided not to answer my phone. Nagtatampo pa ako sa kanya. Pagdating namin sa bar ay nilibang ko na lang ang sarili ko. Nagsayaw ako sa dance floor kasama sina Kris. Naka-dalawang songs kami bago bumalik sa table namin. 

Napahinto pa ako ng masalubong ko ang mga mata ni Jeck na seryosong nakatingin sa akin. Tahimik akong lumapit at umupo sa tabi niya.

"I d-didn't know you'd follow us here," I muttered.

A Six-Word Story IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon