Chapter 15

3.1K 82 6
                                    

Chapter 15: I miss you when we're not together. It's like a part of me is missing.



I smiled as I looked at the breakfast that I had prepared for Jeck. Waking up early nor cooking was never my thing. But for Jeck, I'd do anything. God has given me another chance to be with the love of my life and I intend to be the best girlfriend this time. 

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkabalikan na kami ni Jeck. Too good to be true. Masaya ako na binalikan niya ako. I knew it was a selfish thing to say that I was happy that Phem gave way for Jeck and I to be happy. Apparently, the kissing scene that I had witnessed was Phem's goodbye kiss to him. 

Masigla akong pumunta sa kwarto ni Jeck. Nakadapa siyang nakahiga sa kama. Tanging kumot lang ang nagtatakip ng kahubdan niya. Dumapa ako sa likod niya at hinalikan siya balikat.

"Babe, wake up na," malambing na sabi ko. 

"Hmmm.."

Pinugpog ko siya ng halik sa mukha at balikat. "Wake up. I cooked breakfast for you."

Ngumiti siya at unti-unting nagmulat. "Good morning, babe."

In one swift move, he was able to wrap his arms around me. Inihiga niya rin ako sa tabi niya. He smiled tenderly at me while caressing my face. He's just the sweetest! He pulled me close and kissed my lips. Bago pa lumalim ng husto ang halik niya ay humiwalay na ako. He was about to kiss me again but I put my finger on his lips. His forehead creased.

"Let's have breakfast first. I cooked for you."

Napangiti siya. "You did?"

I nodded.  "This time, I wanna be the one who'll take care of you."

Walang kibong niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Kahit wala siyang sabihin ay kita ko ang kasiyahan sa mga mata niya ng makita ang inihanda ko. Simple lang naman pero ang laki ng ngiti niya at panay ang puri sa luto ko. 

Napatili pa ako ng bigla niya akong buhatin pagkatapos kumain at dinala sa bathroom. We took a shower together which lasted for more than an hour. I am one satisfied girlfriend!



Nasa covered court ako kasama si Tam. Pinapanood namin ang mga guys na naglalaro ng basketball. Every weekend kami ni Jeck umuuwi sa bahay niya dito sa Golden Village. Kung pwede nga lang ay dito na lang kami mag-stay. Pero malayo ito sa trabaho niya. 

"Masaya kaming lahat dahil kayo na ulit ni Jeck," sabi ni Tam. "Nakakakilig kayo."

Natawa na lang ako at tiningnan si Jeck na mukhang nag-e-enjoy sa paglalaro ng basketball. Pawis na pawis siya ng lumapit sa akin. Kaagad naman akong tumayo at pinunasan ang pawis niya. 

"Paano, taya kayo mamaya, Vash," said JD.

Vash frowned. "Fine. Ang daya kasi eh."

"Ulol. Ikaw lang ang madaya dito," tumatawang sabi ni Jeck. 

"Saan tayo mamaya?" 

"May lakad kayo?" tanong ko kay Jeck.

Bumaling siya sa akin. He nodded. Nauna na kaming umalis ni Jeck. Dumiretso siya sa kanyang kwarto para mag-shower. Gusto ko siyang tanungin kung saan sila pupunta pero ayoko naman isipin niya na masyado akong clingy. 

Dahil hindi ako mapakali ay lumabas na lang muna ako ng hindi nagsasabi sa kanya. Naisipan kung puntahan si Missy. Naabutan ko siyang kasama ang mag-aama niya sa garden. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. They looked like a happy family. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit. 

A Six-Word Story IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon