Ika-1 Na Kabanata

5.9K 179 31
                                    

MEDYO tumatagtak ang pawis sa aking medyo malapad na mukha habang hinhintay ko ang pagbukas ng pinto ng elevator para makaakyat na ako sa fifth floor ng building na kinaroroonan ko. Nakasuot ako ng blouse na pinatungan ko ng kulay yellow na blazer at pencil cut skirt na yellow rin ang kulay. Oo, alam ko. Mukha akong teacher na kakatapos lang ng klase pero kailangan kong magmukhang kagalang-galang dahil for the first time sa five years na pagiging magjowa namin ni Benjie ay ngayon lang niya ako ide-date sa medyo sosyal na lugar. Madalas kasi, kahit bagong sahod siya ay sa mga turo-turo o hindi kaya ay isawan at kwek-kwekan niya ako ikinakain. Mas tipid daw. Mas makakaipon daw siya para sa future namin. Nakakakilig sa part na iyon dahil nagre-ready na siya para sa aming forever!

Sa wakas ay bumukas na ang elevator at pumasok na ako. Pinindot ko ang button ng floor kung saan ako pupunta. Kinuha ko muna ang panyo sa aking bulsa at pinunasan nang dahan-dahan ang mukha ko. Dapat maingat dahil baka mabura ang mumurahing make-up na inilagay ko kanina.

Nakita ko ang sarili kong reflection sa nakasaradong pinto ng elevator. Parang masyado yatang haggard ang mukha ko. 'Yong eyebags ko halos magmura na sa sobrang laki. Ang mata ko naman ay halatang kulang sa tulog. Tumataba na rin ako dahil siguro sa stress. Paano ba naman, inabot ako ng kamalasan nitong nakaraang buwan. Natanggal ako sa pinagtatrabahuhan kong boutique dahil over-aged na raw ako. Thirty-five na ako at hanggang thirty lang daw dapat talaga. Pinagbigyan lang daw ako ng may-ari ng limang taon pa dahil masipag ako. Sobra-sobra iyong stress at pagod na inabot ko sa paghahanap ng trabaho. Hindi naman pwedeng tengga lang ako sa bahay dahil bubungangaan lang ako ng nanay ko at uutusan ng mahadera kong kapatid na bakla. Silang dalawa na lang ang kinikilala kong pamilya pero hindi ko man lang maramdaman na mahal nila ako. Maswerte na lang talaga ako at meron akong Benjie na siyang nagpaparamdam sa akin kung paano ang mahalin.

Gwapo si Benjie. Magkaedad lang kami at nagtatrabaho siya sa banko. Manager siya doon. Nagkakilala kami sa Facebook. Nag-meet. Nagkagustuhan. Naging magjowa. Ganiyan kasimple ang kwento namin na umaabot na ng limang taon. Iniisip ko na si Benjie ang magiging ticket ko para makawala sa nanay at kapatid ko. Kapag nakasal na kami, siguro naman ay wala na rin akong obligasyon sa kanila. Aba, simula nang magkatrabaho ako, fifteen years ago ay ako na ang bumubuhay sa kanilang dalawa. Hindi naman masama ang loob ko dahil kapamilya ko sila pero sana nararamdaman ko iyong appreciation at pagmamahal nila, 'di ba?

Ting!

"Ay, kabayo!"

Medyo nagulat pa ako sa pagkakatulala ko nang bumukas na ang pinto ng elevator. Lumabas na ako doon at isang lalaki na nakasuot ng pang-waiter ang nakita ko.

"Kuya, pwedeng magtanong?" Nakangiti kong kalabit sa kanya.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Sorry po, ale. Pero no solicitation kami dito. Saka, gabing-gabi na po. Uwi na po. Baka mahamugan kayo."

Nabwisit ako sa sinabi ng waiter pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Iyong feeling na gusto mong saksakin ang isang tao pero kailangan mong magpaka-nice sa kanya. "Hindi. Nagkakamali ka. Itatanong ko lang sana kung dito na ba iyong Beanstalk Cafe and Restaurant?"

Itinuro lang sa akin ng waiter iyong malaking sign na may nakasulat na "Beanstalk Cafe And Restaurant".

"Ah, okay. Salamat--" Napasimangot ako nang umalis agad iyong waiter. "Bastos!" Hinayaan ko pa ng suntok ang papalayong waiter. Wow! Napaka-accomodating naman ng waiter dito!

Inayos ko na lang ang suot ko at baka nagusot. Inamoy ang sarili at baka amoy hindi na fresh. Sa awa naman ng Diyos ay okay pa ang amoy ko. Itinext ko na si Benjie at sinabi ko na nandito na ako. Maya maya ay nakita ko na siyang papalapit sa akin. Simpleng t-shirt, shorts at sandals lang ang suot niya kaya naman napanganga ako. Akala ko ba sosyalin ang lugar na ito? Tae naman, oh! Nakakaloko 'yong pangalan kasi! Pang-sosyal! Leche! E, anong dina-drama ng suot ko ngayon? Nakakahiya! Parang gusto ko tuloy bumalik muna sa bahay para magpalit ng bestida o pantalon na lang.

Si Makisig At Si MarikitWhere stories live. Discover now