Ika-2 Na Kabanata

2.9K 138 21
                                    


MAY naramdaman akong palad na masuyong humaplos sa aking pisngi dahilan para magising ako. Pagmulat ko ng mata ay may nakita akong isang lalaki na nakatunghay sa akin. Malabo ang mukha niya pero ganoon pa man, feeling ko ay napakagwapo niya. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Basta puro puti ang paligid at may usok-effect. Langit na ba ito? Siguro. May angel na sa harapan ko, e. Isang gwapong anghel.

"Sino ka? Ang blur naman ng mukha mo. Pwedeng linawan nang konti?" sabi ko.

"Marikit... O, aking Marikit. Matagal na kitang hinihintay..."

Ang ganda ng boses niya. Buong-buo at malagom. Malalim. Parang voive talent. Lalaking-lalaki. Iyong boses na pang-romansa at mag-iinit ka agad sa boses pa lang. Nakakakilig!

"Ha? Bakit mo naman ako hinihintay? Sino ka ba?"

Hindi na niya ako sinagot. Tumayo siya at mabilis na umalis.

"Wait! Bumalik ka! Don't leave me, please!" Habol ko pa pero unti-unti na siyang nawala sa pangingin ko hanggang sa maging tila usok na lamang siya.

-----***-----

"BUMALIK ka!!!" Malakas at maka-agaw-pansin na sigaw ko. Napabangon pa talaga ako mula sa pagkakahiga sa gilid ng tulay. Doon na talaga ako nakatulog kahit kainitan ng sikat ng araw. Antok na antok kasi ako at dito na ako inabot ng labis na antok.

"Baliw! Baliw! Baliw!" May mga batang lansangan na tumigil sa harapan ko para sabihin sa akin iyon. Nagtawanan pa talaga sila habang tinuturo ako.

"Hindi ako baliw!" angil ko sabay kamot ko sa aking ulo.

"Nagsasalita ka nang mag-isa. Baliw ka!" Tawanan ulit at umalis na rin sila.

"Hindi sabi ako baliw! Hindi!!!" At talagang nag-histerikal pa ako na parang isang baliw.

Ang mga batang iyon, mas mukha pa nga silang baliw sa akin.

Bigla akong natigilan nang maalala ko iyong napanaginipan ko kanina. Sino kaya iyong lalaking iyon? Kahit malabo iyong mukha niya, nararamdaman ko iyong titig niya sa akin na parang mahal na mahal niya ako. Baka naman siya iyong forever ko. Nakakakilig naman kung siya nga! Ang gwapo, e. Pero wala pa ring mas gagwapo kay Benjie. Ang tarantadong iyon, kahit na sinaktan at iniwan ako siya pa rin ang nandito sa puso ko.

Benjieee!!! Ngawa ko sa aking loob.

Tumayo na ako at akmang aalis na nang kumalam ang tiyan ko. Gutom na pala ako pero paano naman ako kakain kung wala akong pera?

Nanghihina na napaupo ulit ako sa gilid ng tulay. Wala naman akong ibang pupuntahan.

Lahat na lang nawala sa akin. Trabaho, boyfriend, pamilya at bahay. Ano pang silbi ko sa mundong ito?

"Ang mabuti pa siguro ay magpakamatay na lang ako. Ano kaya kung maglason ako! Ay, hindi. Kung maglalason ako, bibili pa ako ng lason. Wala nga pala akong pera..." Mas lalo akong nalungkot dahil kahit lason ay wala akong pambili.

Tumayo ako at napatingin ako sa ibaba ng tulay. Ang taas pala nito at may ilog sa ilalim. Malalaki ang bato at malakas ang agos ng tubig. Kapag tumalon ako dito at tumama ang ulo ko sa mga bato, paniguradong tepok ako. Tama! Tatalon na lamang ako dito para mawala na ako dito sa mundong napakalupit, para mawakasan na lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Unti-unti akong tumayo at sumampa sa gilid ng tulay.

"Lord, patawarin Mo na lang ako, ha? Kailangan ko lang gawin ito dahil hindi ko na talaga kaya!" Umiiyak at tulo ang uhog na litanya ko.

Huminga ako nang malalim habang tinitingnan ang rumaragasang tubig sa ibaba. Sana ay lamunin na ako ng tubig na iyon kapag tumalon na ako. Wala na talaga kong makitang dahilan para mabuhay pa ako sa malupit na mundong ito na puro sakit lang naman ang ibinigay sa akin. Maganda nga ako pero ganito naman ang naging kapalaran ko!

Si Makisig At Si MarikitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon