Ika-6 Na Kabanata

2K 113 11
                                    


I AM so lucky dahil hindi na inungkat pa ni Orang ang tungkol sa kung bakit ako nadulas. Kung totoo man ang powers niya, for sure, alam na niyang naninilip ako kay Makisig kaya nangyari sa akin iyon. Ngingisi-ngisi pa talaga ang Orang na ito sa akin! Kung hindi lang siya ang gagamot sa akin, baka na-wrestling ko na siya nang severe! Nakakapanggigil din, e. Parang inaasar ako ng way ng pagkakatingin niya sa akin. Baka naman naiinggit kasi nakita ko na ang itinatago ni Makisig.

Siguro may HD or hidden desire ang Orang na ito kay Makisig! Hmp!

Inabot na lang ni Orang ang nabalian kong paa at hinimas-himas iyon. Nang ma-feel ko na medyo dumidiin ang daliri niya ay nagulantang ako.

"Wait! Wait! Anong gagawin mo?!" Gusto ko sanang hilahin pabalik ang paa ko pero hawak iyon ni Orang nang mahigpit.

"Huwag kang mag-alala, babaeng dayo. Ibabalik ko lang sa dating ayos ang buto mo sa paa para mawala ang pananakit nito."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Orang. Ibig sabihin ay pupwersahin niyang ibalik ang buto ko?! Aba! Masakit kaya iyon! Hindi. Hindi ko kaya iyon. Mas mabuti pa na gumaling na lang nang kusa ang bali ko sa paa kesa masaktan ako ng sobra. Grabe naman kung makakaramdam na naman ako ng sakit na intense, ha! Hindi pa nga masyadong naghihilom ang sugat sa aking puso dahil sa ginawa sa akin ng ex ko na Benjie tapos 'eto na naman!

Mariin akong umiling. "Ayoko! Masakit iyan--"

Natigilan ako nang bigla akong hawakan ni Makisig sa magkabila kong pisngi. Nasa kaliwa ko siya. "Marikit..." Mahinahong tawag niya sa aking pangalan. Parang may nag-awitang ibon nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Bakit? Ano iyon?" Malanding turan ko. Halos maduling na ako sa kagwapuhang taglay ni Makisig. Sobrang lapit kasi ng mukha niya sa mukha ko. Parang gusto niyang isubsob ang mga nguso namin sa isa't isa sa paraan ng pagkakatingin niya sa mata ko.

"Sa akin mo lamang ilapat ang mata mo..." aniya. Titig na titig talaga siya sa akin.

Nagagandahan kaya sa akin si Makisig?

"Beket nge? Ene be yen?" 'Ayan na nga. Pati pagsasalita ko ay affected na rin. Kaloka!

Nawala na sa isip ko na hawak ni Orang ang aking nabaliang paa dahil sa ginawa ni Makisig. Na-carried away na ako at dinala na niya ako sa dako pa roon. Kumikibot-kibot ang aking labi na parang sinasabi nito na: "Come and kiss me! And don't you dare fall inlove with me!" Ganern! Pero hahalikan nga kaya niya ako? Bakit ang tagal naman?

Oo na! Ako na! Ako na ang uhaw sa halik ng isang lalaki!

E, paano ba naman? Hindi naman kami masyadong naghahalikan noon ni Benjie. Ewan ko ba sa ex-boyfriend ko na iyon. Baka bakla!

Ah, ewan! Basta, ang focus ko at this moment ay kay Makisig...

Patuloy sa pagkibot ang aking nguso na akala mo ay gelatin na gumagalaw-galaw.

Nang biglang pilipitin ni Orang ang aking paa. Narinig ko pa ang pag-crack ng aking buto. Nagsama-sama ang lahat ng negatibong emosyon sa aking mukha at parang kinuyumos na utot ang aking hitsura sa labis na sakit. Malakas akong napa-aray at sa tindi ng gulat at sakit na naramdaman ko ay naisipa ko ang aking paa. Hindi ko sinasadyang tamaan si Orang sa mukha nito. Napalakas din yata ang aking sipa kaya tumalsik nang malayo si Orang. Tumama ang likod nito sa dingding nito na yari sa pwid. Nabutas iyon at tumilapon sa labas ng kubo si Orang na tinamaan ng magaling kong sipa!

-----***-----

NGINGITI-NGITI ako habang sakay kami ni Makisig ng kalabaw niya. Pauwi na kami. Nasa unahan ulit ako habang nasa likuran ko naman si Makisig. Wala na ang sakit ng sa aking paa. Nailalakad ko na iyon nang maayos. Tunay ngang isang magaling na albularya si Orang. Mali pala na minaliit ko noon ang kanyang kakayahan. Ngayon ay sampalataya na talaga ako sa matandang iyon.

Si Makisig At Si MarikitWhere stories live. Discover now