Ika-3 Na Kabanata

2.4K 128 14
                                    


MULI kong tinignan ang bracelet sa aking braso. Medyo nagkakaroon na ako ng hinala na ito talaga ang nagdala sa akin sa ibang panahon. Oo, convinced na ako na hindi ito isang panaginigip lamang o aparisyon. This is real! Ibinalik yata ako ng lecheng pulseras na ito sa panahon kung saan uso pa sa Pilipinas ang mga datu, timawa at alipin. Time travel ang peg! Ngunit bakit dito pa talaga? Bakit hindi sa future para mas bongga? Para sumasakay sana ako sa flying cars and everything, 'di ba?

Pero keri na rin pala dito. Atleast, may kasama akong sobrang hot na sinaunang tao. Hindi ko naisip na uso na pala ang gwapo sa panahong ito. Isa pa, mas okay na napunta na rin ako sa ibang panahon. Wala na rin naman akong babalikan sa panahon kung saan talaga ako dapat nag-e-exist. Dito na lang ako muna pansamantala.

"Makisig, alam mo ba kung ano ang pulseras na ito?" Ipinakita ko sa kanya iyon. Naroon pa rin kami sa lugar kung saan niya ako nakita.

Tinignan naman niya ang pulseras. Wala lang dito na hinawakan nito ang aking braso upang maigi iyong makita. Habang ako ay pakagat-kagat sa labi dahil sa kilig. Ang lapit na kasi ng mukha niya sa akin at mas gwapo siya sa malapitan! Kainis! Pinoy na pinoy ang kagwapuhan niya. Grabe lang!

"Hindi ko alam kung anong klaseng pulseras ang iyong suot. Ngunit may kilala ako na maaaring makasagot sa iyong katanungan."

"Sino?"

"Si Orang. Isa siyang mabuting babaylan sa lugar na ito. Pero mas mainam kung magtutungo muna tayo sa aking kubol para makapaglinis ka ng iyong sarili. Mapanganib din kung may makakakita sa iyong alipin ni Datu Pulajan dahil baka hulihin ka nila at gawing alipin! Ganoon ang ginagawa nila sa mga dayo na katulad mo."

Medyo sumasakit ang ulo ko sa mga salita na ginagamit ni Makisig pero keri lang, masasanay din siguro ako. Isa pa, gwapo naman siya, e.

"Sige. Mabuti pa nga. Wala din naman akong matutuluyan..." Bumaba ang tingin ko sa kanyang abs. I can't help talaga kundi pagmasdan ang katakam-takam na si Makisig.

"Tara na sa aking kubol."

"Sige. Tara na sa iyong bukol!" Nakatulala na ako sa "bukol" niya.

"Ano ang iyong tinuran?"

"Ha?! Ah, eh... W-wala!" Ipinilig ko ang ulo ko sabay smile. "Sa kubol mo! Let's go!"

Kinunutan lang niya ako ng noo sabay iling. Nauna na siya sa paglalakad habang nakasunod naman ako sa kanya. Pati likod niya, ang yummy! Parang ang sarap humiga doon. Pero kanina, nawala ako sa self ko nang mapatingin ako sa hindi ko dapat tignan. Galit na ba iyon? Parang nakabukol kasi sa bahag. Hindi kaya... na-arouse siya sa akin? Nagkaroon ng erection si koya? Naku, 'wag lang siyang magbibigay ng motibo at baka ibigay ko sa kanya ang bagay na hindi ko ibinigay noon kay Benjie! 'Wag na 'wag lang akong susubukan nitong si Makisig!

Charot lang!

I am not that easy, 'no. Joke lang iyon. Inaaliw ko lang ang sarili ko dahil hanggang ngayon ay windang mode pa rin talaga ako sa mga kaganapan. Hindi pa masyadong naa-absorb ng brain cells ko na nasa ibang panahon na ako.

Mahaba ang nilakad namin ni Makisig hanggang sa marating na namin ang sinasabi niyang kubol o bahay. Nakaka-amaze sa ganda ang kinatitirikan ng bahay niya. Nasa mataas na bahagi iyon ng lupa tapos pagbaba mo ay may malawak na palayan. Nasa gitna iyon ng kakahuyan kaya naman hindi gaanong mainit. Baka dito na ako mamuti dahil walang masyadong sinag ng araw.

"Halika, tuloy ka sa aking kubol, Marikit," anyaya ni Makisig.

Binuksan niya ang pintuang yari sa kawayan. Hindi ganoon kalaki ang bahay niya. Kubo iyon ngunit maayos ang gamit sa loob at presko. May kung anu-anong nakasabit sa dingding na mga bagay na hindi ko alam kung para saan ba. Mga pinatuyong kahoy, ngipin ng hayop at mga bato. Ang weird naman ng mga display niya, ha.

Si Makisig At Si MarikitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon