Ika-7 Na Kabanata

1.6K 91 4
                                    


HINDING-HINDI ko makakalimutan ang tanawin na ipinakita sa akin ni Makisig sa itaas ng paborito niyang puno. Sa itaas ay nakita ko ang kalakhan ng Selurung. Ang malawak nitong kagubatan. Pati ang kaharian ng datu at ang pamilihan ay tanaw ko rin doon. Kahit ang dagat na may mga nakadaong na malalaking barko ng mga Tsino ay nakita ko rin doon. Napakaganda pala talaga ng Pilipinas noong unang panahon. Sa panahon ko kasi ay sa ilang probinsiya na lang makikita ang ganoong tanawin. Sa Maynila ay puro matataas na buildings na ang nakatayo imbes na mga puno. Gusto ko tuloy malaman kung saang parte ba ng Pilipinas ang Selurung. Wala naman kasi akong computer o kahit cellphone man lang para ma-search ko sa Google.

Sa ngayon ay pauwi na kami ni Makisig sa kanyang kubo. Malapit na kami kaya bumaba na kami at naglakad na lang. Hila-hila niya ang kalabaw habang ako naman ay mahinhin na naglalakad at pasulyap-sulyap sa kanya.

Haaay... Ginugulo ni Makisig ang aking damdamin, sa totoo lang. Alam ko naman sa aking sarili na hindi pa ako nakaka-move on mula kay Benjie pero parang may bahagi ng aking puso na nagsasabi na gustuhin ko si Makisig dahil mabait ito, gwapo at masipag. Ngunit pinipigilan naman iyon ng aking isip dahil alam ko rin naman na hindi habangbuhay ay nandito ako sa panahon niya. Paano kung tuluyan na akong nahulog sa kanya tapos biglang lumiwanag ang Pulseras Na Lakbay? Ayoko naman na parehas kaming mabitin sa pag-iibigan namin.

Teka... Kami? Namin?

Masyado naman yata akong assuming na may gusto sa akin si Makisig! Baka naman humopia ako lang ako nito, ha. Pero, may gusto nga kaya siya sa akin? Parang ang hirap namang malaman. Oo, maalaga siya sa akin. Nararamdaman ko ang care niya for me pero baka naman iyon ay pagmamalakasakit lamang. Hay! Ang hirap naman kasi. Kung sa panahon ko, malalaman ko agad kung type ba ako nitong si Makisig o hindi. Siyempre, iba ang ugali ng mga lalaki sa panahon ni Makisig at sa panahon ko. Siguro naman kung gusto niya ako ay sasabihin niya iyon o hindi kaya ay pipigilan niya ako ng umalis, 'di ba? So far naman wala pang ganoong kaganapan.

"Nagugutom ka na ba, Marikit?"

"Ay, kabayo ka!" Muntik na akong madapa nang matisod ako sa isang bato. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig kay Makisig habang kami ay naglalakad.

Mabilis niya akong nahawakan sa braso kaya hindi natuloy ang aking pagkakadapa. Kinabig niya ako at napasubsob ako sa matipuno niyang dibdib. Kinapos ako nang hininga nang halos isang hibla na lang ang layo ng bibig ko sa nipples niya. Parang gusto ko tuloy maging baby at dumede sa papa este sa mama!

Natataranta akong lumayo sa kanya nang kaunti dahil kapag hindi ako lumayo sa kanya ay baka makalimot ako at kung ano pa ang aking magawa ako. Marupok pa naman ako!

"Mag-iingat ka, Marikit. Baka ikaw ay mapahamak na naman. Hindi pa magaling nang tuluyan ang iyong paa." Kinilig naman ako ng slight sa sinabi ni Makisig. E, kasi naman! Damang-dama ko ang pag-aalala niya sa akin. Naku, kaunti na lang talaga at mag-a-assume na ako na type niya ako!

"Ah, e... Salamat, Makisig. Hindi naman ako nasaktan. Sadyang ako ay tatanga-tanga lang talaga," pabebe kong sagot with matching palihim na kagat ng labi.

Naku, naku, naku! Kung wala lang talaga akong balak bumalik sa panahon ko ay ginawa ko na ang lahat para akitin si Makisig. Kaya lang, kailangan ko talagang bumalik sa panahon ko dahil nandoon ang aking life. Oo, wala na akong uuwian na pamilya at jowa pero I don't belong here. Baka makaapekto pa ako sa kasaysayan kapag nanatili ako dito, 'no! Mamaya maabutan ko pa ang pagdating nina Magellan tapos makita niya at magustuhan niya ako. Patay na! Mababago talaga ng bongga ang kasaysayan kapag nagkataon. Hindi naman kasi malabo na magustuhan ako ni Magellan o kahit na sinong Kastila dahil sa ganda ko, 'no!

Pero seryosong usapan, mali naman talaga na nandito ako sa panahon ni Makisig kaya wala akong magagawa kundi ang bumalik sa kasalukuyan. Ang tanging magagawa ko na lang talaga sa ngayon ay hintayin na magliwanag ang Pulseras Na Lakbay para makabalik na ako sa panahon kung saan ako nararapat.

Si Makisig At Si MarikitWhere stories live. Discover now