Ika-10 Na Kabanata

1.5K 82 4
                                    


WALANg pagsidlan ang saya sa aking puso dahil magkatabi naming pinagmamasdan ang kalangitan at mga bituin ng gabing iyon ni Makisig. Actually, wala naman akong hilig sa pagtingin sa mga stars sa gabi pero dahil si Makisig ang kasama kong gawin iyon ay kering-keri na.

Maya maya sa gitna ng pananahimik naming dalawa ay ipinaling ko ang ulo ko sa kanya. “Makisig…” tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at nagtama ang aming mga mata.

“Ano iyon, Marikit?”

“Nagtataka lang kasi talaga ako kung bakit mo ako binili kay Datu Pulajan. Sa totoo lang ay nahihiya ako sa iyo dahil ipinagbili mo pa ang ari-arian na iniwan sa iyo ng iyong ina at ama para lamang matubos ako sa datu na iyon.”

“Mahalaga ka sa aking, Marikit. Hindi sapat ang bara ng ginto na hawak ko. Natakot ako nang malaman ko na may isang Tsino na nais kang bilhin kay Datu Pulajan kaya upang mahigitan ko ang bara ng ginto na gagamitin niya upang bilhin ka ay ipinagbili ko ang aking palayan.” Wala akong makitang bahid ng pagsisisi sa pagsasalita ni Makisig. Kaswal na kaswal lang siya sa pagsasalita.

Napangiti na lang ako lalo na nang sinabi niya na mahalaga ako sa kanya. In-stretch ko ang kanyang matipunong braso at doon ako umunan. “Salamat ng marami, Makisig! Napaka bait mo talaga sa akin. Hindi ko tuloy alam kung paano ka magagantihan sa lahat ng kabutihan na ginagawa mo para sa akin.”

Isang matamis na ngiti ang isinagot niya sa akin. Muling nagtama ang aming mga mata. Hindi ko ma-explain pero parang may kung anong pwersa na humihila sa akin palapit pa sa kanya. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. Ang labi niya na natural na mapula at kung titingnan ay parang nakapa lambot. Parang ang sarap niyang halikan tapos torrid. Iyong matagal… Para mesherep…

Halikan ko kaya siya? Pilyang turan ko sa aking sarili.

Umusog pa ako palapit kay Makisig. Bahagya nang namumungay ang aming mga mata. Hinawakan niya ako sa pisngi. Nang siya na ang naunang gumalaw ay doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob. Unti-unti kong inilapit ang labi ko sa labi niya. Hanggang sa matagpuan na lamang namin ang aming mga sarili na magkahinang ang ang mga labi. Sa una ay padampi-dampi lang na tila ba nanunudyo ngunit nang magtagal ay naging mapusok ang galaw ng aming labi. Naging mapusok!

Pakiramdam ko tuloy ay sinisilaban ako ng apoy pero hindi masakit kundi masarap. Hindi na rin ako nakatanggi nang maging malikot ang kamay ni Makisig. Hinawakan niya ang bawat parte ng katawan ko. Nagsimula siya sa braso pababa sa aking kamay. Hanggang sa aking beywang at sa dako pa roon.

Ilang sandali pa nga ay umikot si Makisig at pumaibabaw siya sa akin. Napasinghap ako nang ma-feel ko ang kahandaan ng kanyang pagkalalaki.

Tinignan niya ulit ako sa aking mga mata na para bang ako ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa!

“Iniibig kita, Marikit…” paanas na pagtatapat niya.

Lalong bumilis ang tibok ng aking puso sa sinabi ni Makisig. Ang sarap pakinggan. Mas masarap pa sa “I love you” at “Mahal kita”.

Iniibig kita… Iniibig kita… Iniibig kita…

Paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang sinabi niyang iyon.

Naluha ako at agad niya iyong pinunasan nang makita niya ang pagpatak ng luha sa aking mata.

“Bakit ka lumuluha? Ikaw ba ay nagagalit sa aking winika?”

Umiling ako. “Hindi, Makisig. Masaya ako dahil nagkaroon na ng kasagutan ang gumugulo sa utak ko. Ngayon ay alam ko na kung bakit mo ako itinuturing na parang isang reyna. Dahil iniibig mo ako… At iniibig din kita, Makisig!” Sa wakas ay nasabi ko rin. Yes!

Si Makisig At Si MarikitWhere stories live. Discover now