Ika-5 Na Kabanata

1.9K 99 18
                                    


SIGURO kailangan ko nang umalis dahil hindi maganda itong ginagawa ko na sinusundan ko si Makisig. Kung taken na naman siya, ano naman ngayon, 'di ba? Crush ko lang naman siya. Tama, aalis na ako. Babalik na ako sa kubo at matutulog ulit. Kailangan ko ng maraming-maraming tulog para maging okay na ako. Baka maramdaman ng bracelet na okay na ako at umilaw na ito.

Aalis na sana ako nang makita kong isa-isang hinuhubad ni Makisig ang mga burluloy niya sa katawan. At napanganga ako nang pati ang bahag niya ay hubarin niya. Parang nag-transform ang aking mata at naging binocular ang mga iyon. Kahit ang tanglaw ko lang ay ang bilog na buwan at maraming bituin sa langit ay kitang-kita ko ang makinis niyang pwet! Kulang na lang ay himatayin ako at bumula ang bibig nang humarap siya sa gawi ko na para bang chini-check niya kung may tao. Diyos ko! Hindi ko ito sinasadya! Hindi ko siunasadya na makita ang ahas ni Makisig!

Sandali... Parang ayoko pala munang umuwi. Nakalimutan ko ang daan, e. Oo, dito muna ako. Maninilip este magpapahinga muna ako dito habang iniisip ko kung saan ba iyong daan papuntang kubo.

Marahang lumusong si Makisig sa ilog at inilubog ang kanyang buong katawan sabay litaw ulit. Gamit ang isang bato ay kinuskos niya ang kanyang katawan.

"Sana ako na lang iyong bato..." Naglalaway na bulong ko habang parang koala na nakayakap sa puno.

Matagal naligo si Makisig kaya naman nagpiyesta talaga ang aking mga mata. Busog na busog sila sa magandang tanawin na nakikita nila. Nang makita kong tapos na si Makisig ay nagmamadali akong umalis sa puno. At sa pagmamadali ko ay isang bato ang aking natapakan kaya nadapa ako at narinig ko ang pag-crack sa kaliwang paa ko.

"Araaay!!!" Malakas kong sumigaw. Nagliparan ang mga ibon sa paligid sa ingay ko.

Naitutop ko ang dalawa kong kamay sa aking bibig. Naku! Narinig kaya ako ni Makisig?

"Sino 'yan?!" Pasigaw na tanong niya.

Leche! Kailangan kong makaalis bago pa niya ako makita.

Tatayo na sana ako pero bigla akong nabuwal dahil sa sakit na naramdaman ko sa aking kaliwang paa. Na-sprain yata ako. Natumba ulit ako at parang bolang gumulong. Nakita ko na lang si Makisig na nasa aking ulunan at may pag-aalala sa mukha na nakatingin sa akin. Mabuti na lang at may bahag na siya at baka manghimatay na talaga ako.

"Marikit? Ano ang iyong ginagawa dito?" Yumukod siya upang tulungan akong tumayo.

"N-nagpapahangin lang a-- araaay kooo!!!" Daing ko nang tumayo ako.

Ang sakit talaga ng paa ko! Ang bilis naman ng karma! Ito ang kapalit ng paninilip ko!

"Ano ang masakit sa iyo, Marikit?" Inayos siya nito ng upo sa lupa.

"A-ang paa ko, Makisig. Na-sprain-- ang ibig kong sabihin ay nabalian yata. Arekupooo!!! Aguy!"

"Hindi ka kasi nag-iingat. Halika, bubuhatin na lamang kita dahil tiyak ako na hindi ka makakalakad."

Wala pa man akong sinasabi ay kinarga na niya ako. Muntik pa akong mapatili sa gulat mabuti na lang at may pagpipigil ako sa mga oras na ito. Alalay niya ako sa likod at sa likod ng aking binti. Habang ang mga kamay ko ay nakayakap sa kanyang leeg. Feel na feel ko ang tigas ng muscles niya at natural na scent ng kanyang katawan. Lalaking-lalaki! Hindi ko kayang makatingin sa mukha niya dahil sa nahihiya ako. Siyempre, nakita ko na ang lahat-lahat sa kanya, 'no. Kung tatanungin ako sa size... Hmm... Above average ang lolo niyo! Nakakaloka!

Parang hindi man lang napagod si Makisig sa pagbubuhat sa akin. Nang makarating kasi kami sa kubo niya ay ikinuha niya agad ako ng malinis na damit at nagpalit na ako. Naputikan kasi iyong suot ko dahil sa paggulong ko kanina.

Si Makisig At Si MarikitWhere stories live. Discover now