Huling Kabanata at Epilogo

2.2K 131 32
                                    

DAHIL na rin sa pahamak kong bunganga ay lumingon tuloy ang lalaking may hawak sa akin at nakita nito si Makisig

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


DAHIL na rin sa pahamak kong bunganga ay lumingon tuloy ang lalaking may hawak sa akin at nakita nito si Makisig. Naging mabilis naman ang kilos ni Makisig. Mula sa likuran nito ay may kinuha itong maliit na patalim at itinapon iyon sa lalaki. Malakas akong napasigaw dahil akala ko ay tatamaan ako niyon pero hindi pala. Nabitawan ako ng lalaki. Sa braso pala nito tumama ang patalim. Wow, ha! Asintado rin pala ang aking Makisig! Kaka-inlove tuloy lalo!

“Marikit!” pasigaw na tawag niya sa akin.

Namimilipit sa sakit ang lalaki at napaluhod na iyon sa lupa. Doon na ako tumakbo papunta sa kanya at sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap.

“Ang buong akala ko ay hindi mo ako maililigtas, Makisig! Salamat at dumating ka!” Mangiyak-ngiyak ako habang nakasubsob sa matipuno niyang dibdib.

“Tandaan mo na habang nandito ako ay hinding-hindi ka mapapahamak, irog ko!” Madamdamin niyang tugon.

Sandali siyang lumayo sa akin at nilapitan niya ang lalaking kumidnap sa akin. Gigil na gigil na pinagsusuntok niya iyon sa mukha at nang lugmok na iyon ay saka niya hinugot ang patalim sa braso nito. Bad ass! Tumayo si Makisig sa harapan ng lalaking hindi na malaman kung nasaan ang ilong, mata at bibig dahil sa bugbog at dugo sa mukha. Tatayo pa sana ito mula sa pagkakahiga nang sipain ito ni Makisig sa mukha. Napahiga ulit ang lalaki. Umupo si Makisig sa ibabaw ng dibdib nito at itinutok sa leeg ng lalaki ang patalim.

“Bakit mo nais kuhain si Marikit?!” matapang na tanong niya.

Hindi sumagot ang lalaki. Umubo lang ito sabay iling.

“Sumagot ka! Kung hindi ka sasagot ay tuluyan kong kikitilin ang iyong buhay! Bakit mo gustong kuhain si Marikit?!”

Natakot yata ang hudas na baka totohanin ni Makisig ang banta nito kaya sumagot na ang lalaki. “H-hindi ako ang gustong kumuha sa kanya. Ako ay napag-utusan lamang--”

“Sino ang nag-utos sa iyo?!”

“Ang mayamang Tsino na si Hu Tzu Zi! Nais niyang kuhain ang babaeng iyong kasama dahil siya ay nabighani nito. N-nais niya itong maging kabiyak!”

Natigilan si Makisig sa isiniwalat ng lalaki.

So, ang singkit pala na iyon. Hindi pa rin pala talaga siya sumusuko. Ang akala naman niya ay sasama ako sa kanya dahil ubod siya ng yaman. Hindi! Kahit magdildil pa kami ng asin ni Makisig ay hinding-hindi ko siya iiwan. Katulad niya ay hindi ko rin siya ipagpapalit sa kahit na anong bagay kahit karangyaan o kayamanan pa iyan. Ayos lang na maghirap kami basta’t magkasama kaming dalawa.

“Si Hu Tzu Zi rin ba ang nagpasunog ng aking kubol?”

“Oo. S-siya nga. Ang nais niya ay mahirapan ka, nais niyang gantihan ka sa hindi mo pagbigay ng babae sa kanya. At hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang kanyang nais!”

“Kung ganoon, humayo ka at sabihin sa kanya na hindi ako makakapayag na makuha niya si Marikit. Si Marikit ay akin lamang!”

“Hindi na kailangan…” Ngumisi ang lalaki.

Si Makisig At Si MarikitWhere stories live. Discover now