Ika-9 Na Kabanata

1.4K 75 3
                                    


KAHIT alam kong wala akong laban sa anim na lalaki na gusto akong dalhin sa sinasabi nilang Datu Pulajan ay nanlaban pa rin ako. Hindi naman ito tokhang kaya pwede ang manlaban. Ngunit ano nga ba ang laban ko sa kanilang anim?

“Bitiwan niyo ako! Ano ba?!” Pagpupumiglas ko. “Makisig! Help me! Heeelp!!!”

Nairita na yata sa akin ang isa sa kanila kaya naman pinukpok ako nito sa ulo ng dulo ng hawak nitong sibat. Umikot ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng ulirat.

-----***-----

MARAHAN kong iminulat ang aking mga mata at nagising ako sa loob ng isang kulungan na yari sa kawayan. Ang sahig na aking kinahihigaan ay mga tuyong dahon na pinagpatong-patong at pinagtagpi-tagpi. Nahihintakutan akong napaupo at siksik sa isang sulok ng kulungan dahil hindi ako pamilyar sa lugar na aking kinaroroonan. Ang kinaroroonan ng aking kulungan ay tila ba nasa isang malaking tent. Ganito iyong mga nakikita kong bahay sa aklat na Sibika At Kultura noong sinaunang panahon noong ako ay elementary student pa lang.

Alam ko na nasa panganib ako. Dapat kasi talaga ay nakinig na lang ako kay Makisig. Hindi sana ito nangyari! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko?

Makisig! Please, help me! Sana malaman mo na nandito ako! Piping hiling ko.

Napapitlag ako nang biglang bumukas ang tabing ng malaking tent. Isang matangkad na lalaki na may kayumangging balat ang pumasok at lumapit sa aking kulungan. Mabalasik ang kanyang mukha at naka-crossed arms pa talaga na akala mo ay isa siyang diyos. Maganda at mukhang mamahalin ang suot niyang baro. Ang pang-ibaba naman niya ay kulay pulang malong. May telang nakaikot sa kanyang ulo na turban yata ang tawag. May kwintas na yari sa perlas siya at may nakasukbit na itak sa gilid ng kanyang beywang. Nakakaluwag-luwag ang isang ito at hula ko, ang lalaking ito ang tinatawag nilang si Datu Pulajan.

Kung siya nga iyon, nasa panganib nga talaga ako!

Diyos ko! Kayo na po ang bahala sa akin!

“S-sino ka?” Pilit kong nilalabanan ang panginginig ng akong pagsasalita.

“Ako ay si Datu Pulajan-- ang pinuno dito sa Selurung.” Malaki ang boses nito at nakakatakot. “Ikaw ay natagpuan ng aking mga alipin sa lupang aking nasasakupan, babae. At aking alam na ikaw ay hindi taga-rito. Tila napaka lakas ng iyong loob na tumungtong sa aking teritoryo kaya bilang kaparusahan ikaw ay aking inaari na, babae!”

“A-anong ibig mong sabihin? Anong gagawin mo sa akin?”

“Wala kang galang! Dapat ay tinatawag mo akong Datu Pulajan dahil ikaw ay aking alipin na ngayon! Ngunit ayoko namang isipin mo na ako ay walang puso kaya bibigyan kita ng hanggang bukas para ikaw ay tubusin ng puod o tribo na iyong kinabibilangan at kung wala mang tumubos sa iyo, ikaw ay aking ipagbibili sa mga Tsino o sa kung sinuman ang may nais sa iyo! Ngunit may isang Tsino akong kaibigan na tumingin sa iyo habang ikaw ay walang malay at interesado kang bilhin. Ikaw ay magpasalamat na lamang sa akin dahil binigyan pa kita ng isang araw para ikaw ay matubos!”

Hindi na ako naka-apela pa dahil umalis na si Datu Pulajan matapos niyang sabihin iyon.

Pakshet siya! Ginawa pa akong bagay na ibebenta! Tama nga si Makisig. Malupit ito! At kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit ninais ng anak nito na si Bai Mayumi na iwanan ito ay dahil sa ugali nito na hindi maganda. Kainis!

Sana lang talaga ay malaman ni Makisig na nandito ako. Alam ko kasi na gagawa siya ng paraan para mailigtas ako. Hindi niya ako papabayaan at sigurado ako sa bagay na iyon. Pero paano kung hindi niya ako makita? Anong gagawin ko?

-----***-----

LUMIPAS pa ang dalawang araw ko sa kulungan na iyon. Isang umaga ay dalawang alipin ang inilabas ako sa kulungan ko. Nataranta ako dahil ito na ang araw na ibebenta ako ng datu sa mga tao.

Si Makisig At Si MarikitWhere stories live. Discover now