Ika-8 Na Kabanata

1.5K 73 8
                                    


I DID NOT expect na mag-e-enjoy ako sa pangunguha namin ni Makisig ng suso sa palayan. Maputik at madumi pero wala akong pakialam. Kasama ko naman si Makisig kaya inspired ang lola niyo! Napansin ko nga lang na sobrang seryoso ni Makisig sa pangunguha ng suso sa putikan. Na-imagine ko tuloy ang life niya bago ako dumating sa buhay niya. Wala siyang kasama at siya lang mag-isa. Sobrang boring no'n for sure. Kaya siguro sobrang saya niya na dumating ako sa buhay niya at nalulungkot siya if ever na mawala na ako at bumalik sa panahon ko. Ako din naman malulungkot pero iyon kasi ang tama at dapat, 'di ba?

Pinagmamasdan ko si Makisig habang nakatuwad siya at kumukuha ng suso sa putikan nang may isang pilyang ideya akong naisip. Dumakot ako ng putik at binato ko iyon sa kanya. Nagulat siya nang masapulan siya sa mukha. Ako naman ay tawa nang tawa sa reaksyon niya. Ang cute niya kasi!

"Hahaha! Mukha kang tanga, Maki--" Ako naman ang natigilan at nagulat nang may tumamang putik sa aking mukha.

Sa labis na pagtawa ko ay hindi ko namalayan na dumampot na rin pala siya ng putik at ibinato sa akin. Tawa na rin siya nang tawa. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kong tumawa nang malakas si Makisig. Halos mamatay-matay na siya sa kakatawa. Itinuturo niya ang mukha ko at may sinasabi siya na hindi ko na maintindihan dahil inuuna niya ang pagatawa.

"Ah, gano'n, ha!" Dumampot ulit ako ng putik. Ibinato ko iyon sa kanya pero mabilis siyang nakailag.

Nang makita kong dadampot siya ng putik ay nagtatakbo ako palayo sa kanya habang tumitili na akala mo ay sirena ng ambulansiya. Iyon nga lang, hindi ako makatakbo ng mabilis dahil lumulubog nang malalim ang paa ko sa putikan at mahirap hugutin. Pero si Makisig ay sanay na sanay maglakad doon.

"Habulin mo ako, Makisig! Habulin mo ako!" tili ko pa.

At dahil sa sanay siya sa ganoon ay naabutan niya ako. Inihilamos niya sa mukha ko ang putik habang tumatawa. Mas lalo siyang tumawa nang makita niya na puno na ng putik ang aking mukha.

Siyempre, hindi naman ako papayag nang hindi nakakaganit, 'no! Dumakot ako ng putik at nang akmang ibabato ko iyon sa kanya ay mabilis niyang nahawakan ang aking braso. Nagharutan kami na akala mo ay para kaming mga bata. Hanggang sa parehas kaming mawalan ng balanse. Natumba kaming dalawa habang nakadagan siya sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na nakapatong ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong dede! Alam ko naman na hindi niya iyon sinasadya. Nagulat lang talaga ako.

"Diyos ko! Nakahuli ka ng malaking suso!" Nabibiglang bulalas ko.

"Ano?" Nagtatakang tanong ni Makisig.

Agad ko siyang itinulak. Tila walang malisya sa kanya kahit nahawakan niya ako sa parteng iyon ng aking katawan.

"W-wala... Manguha na lang ulit tayo ng suso." Pinapamulahan ang mukha na tumayo ako at kinuha sa kanya ang buslo kung saan nakalagay ang mga suso.

-----***-----

MATAPOS naming manguha ng suso ay dumiretso kami ni Makisig sa may ilog upang hugasan ang mga iyon. Tawa lang kami nang tawa habang hinuhugasan ang mga iyon dahil sa mga kwentuhan namin. After that ay umakyat naman siya ng puno ng niyog. Akala mo ay isa siyang unggoy na minani lang ang napakataas na puno ng niyog, e. Ang bilis niyang umakyat habang ako ay nakatingala sa kanya at pinapanood siya. At imbes na niyog ay may nakita akong patatas. Hihi! Basta, patatas! Sumilip ang patatas ni Makisig habang umaakyat siya. E, kasi naman, bahag lang ang suot niya. Hindi ko na kasalanan iyon at hindi ko rin naman wi-nish. Dumukwang na lang ang hindi dapat dumukwang at nakita ko.

Yum! Yum! Yum!

Nang nasa pinakatuktok na siya ay sinenyasan niya ako na lumayo. Iyon pala ay nakakuha na siya ng niyog at ibabagsak na niya iyon. Pagkababa niya ay tagaktak siya ng pawis. Pinunasan ko ang pawis niya sa mukha gamit ang aking palad.

Si Makisig At Si MarikitWhere stories live. Discover now