Chapter 9:Competition

3.3K 267 52
                                    

Chapter 9:Competition
~💖~

Mild's POV

Andito kami ni Adam ngayon sa Room, kakatapos lang namin mag snack. Pumasok na rin ang Squad including Drei..

"Mild,pwede ka ba namin makausap?" Tanong sa akin ni Lyssa.

"Sure,bakit? ^_^" Sagot ko naman.

"Ahm, no offened ha.. promise?" Sabi naman ni Steve.

"Ah, ok eh ano nga yun?" Balik kong tanong.

"Nililigawan ka ba ni Adam?" Tanong naman ni Chantelle. Nabigla naman ako dun... ano ba ang mga pinagsasabi ng mga 'to. Nakita ko naman si Drei na parang nag-aabang sa sagot ko.. bakit naman ha? pagkatapos nya akong sungitan kanina. Hmmm... Could someone please explain what's happening?

"Ha? Anong pinag sasabi nyo?" Nagtataka ko naman na tanong.

"Eh kasi naman, nakakapagtaka lang..... na napapadalas na ang pagsama mo sa kanya?" Tanong naman ni Pepper.

"Ha? Eh di ba nga tino-tour ko sya?" Paliwanag ko naman.

"Eh bakit ka nya binigyan ng regalo kanina?" Sabi naman ni Chantelle.

"E-eh... kasi pinatikim nya kasi sa akin yung cake na ginawa nya." Paliwanag ko naman.

"Eh bakit kanina hinawakan nya ang mukha mo?" Singit naman ni Drei.

"Teka nga! Bakit feeling ko pinagkakaisahan nyo ako? hina- hotseat nyo ba ako?" Sabi ko naman sa kanila, samantalang si Adam naman nakikinig lang sa amin at naka smirked pa.

"Sagutin mo na lang kami, Straight to the point." Seryosong sabi naman ni Lyssa.

"Pati ba naman ikaw Lyssa?" Di makapaniwalang sabi ko sa kanya.

"I'm sorry Mild pero na cu-curious rin talaga ako eh." Sagot nya sa akin.

"Eh K-kasi nga si--" Naputol yung sasabihin ko ng biglang nagsalita si Adam.

"Oo nililigawan ko sya." Sabi nya sabay akbay sa akin. T-teka tama ba yung narinig ko? tiningnan ko sya ng nagtataka, kumindat na lang sya. Could someone please tell me what's happening?!

"Ano?!" Sabay na sabi ng Squad.

"Bakit may problema ba? ^_^" Nakangiting tanong nya.. .Dyos ko naman bakit parang wala lang sa kanya 'to? pero ako naman para na akong hihimatayin dito..

"Oo ako may problema!" Maangas na sabi naman ni Drei.

"Ano yun?" Maangas na rin na tanong ni Adam kay Drei.

"Hindi mo sya pwedeng ligawan!" Sabi ni Drei.. t-teka ng bakit ba 'to nakikisawsaw?at bakit sya ganyan kung maka react?

"Bakit naman? pumayag naman sya kaya walang problema." Kalmadong sabi ni Adam.

"Dahil GUSTO KO RIN SYA!" Sigaw nya.. Nabigla naman ako dun.. gusto nya ako?? weh? baka nang ti-trip nanaman to.

"Ano bang p-pinagsasabi mo dyan Drei?" Nauutal kong sabi.

"Wag ka ngang mag biro ng ganyan.. di na nakakatawa." Dagdag ko pa.

"TUMAHIMIK KA GUSTO NGA KITA, HINDI MAHAL PALA KITA!" Sigaw nya sa akin.. Mas lalo naman akong nabigla. Pati mga Classmate namin nakikitsismis na rin.

"Good job dude, umamin ka na rin" Sabi naman ni Jiro kay Drei sabay tapik sa braso nito. Pati yung squad nakikitawa na lang.. teka may alam ba sila sa nangyayari?

"So, narinig mo na Mild.. at dahil nililigawan ka rin ni Adam, let's have a Competition dahil gusto ka rin ni Drei, pareho na silang manliligaw sayo, got it?" Sabi naman ni Steve.

My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFWhere stories live. Discover now