Chapter 12:Meet the Parents

2.8K 259 30
                                    

Chapter 12:Meet the Parents
~💖~

Mild's POV

Uggggggghhhhhhhhhhh!!! Bwisit hindi ako nakatulog ng maayos kahapon at kagabi! pakshit lang talaga, panu na mamaya may pasok ako, monday pa naman ngayon ang laki ng eye bugs ko... sino ba naman ang makakatulog ng maayos dahil dun sa nangyari sa DATE namin ni Drei, Teka di kaya.... ai wag naman sana! hindi maaari ang iniisip ko..

FLASHBACK....

*tsup*

F*ck... it can be?

Did it just happened??!

My... my... first kiss!

Agad akong lumayo sa kanya.. i never expect this to happened.. gosh my virgin lips.. napunta lang kay Drei...

"I'm sorry." Natataranta nyang sabi sa akin.H abang ako naman nasa Shocked planet pa rin.

"Ahm.. o-ok lang, g-gusto ko nang umuwi." Nauutal ko namang sabi sa kanya.

"Ah, ok." Sagot nya naman sa akin, at lumakad na kami papunta sa kotse nya at hinatid na ako sa bahay namin. Ang squad nabigla rin sa nangyari, kaya di na nila ako pinakialaman o pinigilan sa pag-uwi.

Nang makarating na kami sa bahay..

"S-sorry nga pala ulit kanina sa nangyari, di ko naman sinadya yun." Paliwanag nya naman.

"Ah, o-ok lang wala naman satin ang may gusto sa nangyari kaya okay lang." Sabi ko naman sa kanya.

"P-pero, para sa akin gusto ko yung nangyari, S-sige mauna na ako." Sabi nya naman sa akin bago sya tuluyang umalis. Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako sa mga nangyari. Gusto nya yung nangyari??

Flashback Ends....

Aish.. tama na nga.. lalo lang sumasakit ang ulo ko.. Nag morning rituals na muna ako at baka malate pa ako sa school kakaisip dun sa nangyari..

Kukunin ko na sana yung bag ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko...

"Mild, may bisita ka." Sigaw naman ni Mommy sa labas ng pintuan.

Huh? bisita ang aga naman ata?

"Sino po, Mommy?" Tanong ko sa kanya.

"Si Drei, manliligaw mo!" Sagot ni Mommy. Teka si Drei?O_O .Shit . Paktay.

Agad akong lumabas ng pintuan at nakasalubong ko si mommy.

"Good Morning, Mommy. ha-ha." Salubong ko kay mommy.

"Ikaw bata ka, ba't di mo sinabi na may manliligaw ka na pala?" Nakapameywang na tanong ni mommy sa akin.

"Eh, kasi mommy-" Naputol ang sasabihin ko nang bigla akong niyakap ni mommy.

"Congratulations anak, ang gwapo ng manliligaw mo. Botong-boto ako sa kanya. Mabait na gwapo pa. Alam mo ba na pormal syang nagpakilala sa akin kanina." Tuwang-tuwa na kwento ni mommy sa akin.

"Po?" Yan lang ang response ko sa kanya.

"Halika na anak, baka naiinip na si Drei sa baba." Sabi ni mommy, sabay kaladkad sa akin.

Pagkababa namin naabutan kong nakaupo si Drei sa sofa kausap si Hally. Nang mapansin nya kaming pababa na ay tumayo sya

"Good Morning, Mild." Bati nya sa akin.

"Anak, good morning daw. Pansinin mo naman big catch yan. haha" Bulong sa akin ni mommy.. haisst kawawa na naman ako nito. ≧ω≦

"Ah, good morning din." Sagot ko naman sa kanya

My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFWhere stories live. Discover now