Chapter 79: Worth it??

1.9K 82 100
                                    

Chapter 79: Worth it??
~💖~

Hi Meliabelle Jane Arquinez and Arlyne Joy Bince. 🙋🙌👋

Belle's Note: Sorry sa mahaba-habang paghintay sa Update ko. Ngayon pa lang nagkaphone eh. Anyway, here's my update at salamat sa mga walang sawang sumusuporta sa story na ito at pagboboost sa akin para makapag ud agad..😇😘😄

A/N: Anubayan... Haha. Wala man lang bumuto kay Fafa Lance, lahat kayo Drei eh.. Haha. At dahil mahal ko si Fafa Lance ay... Itutuloy ko ang kasal. So see you in the wedding!!

Chapter's Quote Related from teaser:

"You're just a runaway, i can't wait for you to comeback. I've gotta wait,  the memories fade to black."

"You started painting up your lips red, and i can see it, they're keeping secrets..."

"I heard every single word you said, is that what you meant??"

"Where have you been, where did you go??"

"Who are you now, if you're not who i know??"

Maureen/Mild's POV

Di ko alam ang dapat kong maramdaman ngayon na bukas ay ikakasal na ako.

Magiging masaya ba ako, dahil sa wakas ay mararamdaman ko kung paano ikasal at makasama ang lalaking mapagmahal, mabait na si Lance. At isa pa, tanaw ko na rin ito ng utang na loob sa kanya dahil sa lahat ng mga ginawa nya sa akin. Ramdam ko ang pagmamahal nya para sa akin, walang duda. Pero parang may mali at parang may kulang pa rin eh..

O

Magiging malungkot dahil, hindi ko na makakasama pa si Drei. Dahil sa oras na makasal na ako ay panigurado na hindi na kami magkakausap at magkikita pa. Gusto ko pa rin matuloy ang pag babalik ng mga ala-ala ko dahil kahit ako mismo sa sarili ko ay hindi ko kilala. Ano ba ang mga paborito ko, hilig ko at iba pa. Alam kong matutulungan ako ni Drei sa mga bagay na yun... Pero pag kasama ko si Drei ay may kakaiba akong nararamdaman... Hindi ko alam...

Mahal ko naman si Lance dahil mabait at mapagmahal sya, di naman sya mahirap mahalin eh. Pero, ano ang nararamdaman ko para kay Drei?? Posible bang magmahal ng dalawa??

Ang tanong lang.... Sino ang mas matimbang??

Sobra na akong naguguluhan.

~•~

Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Ganito ba talaga ako noon?

Paano ba ako manamit, mag ayos, ang estilo ko?? Nahagip naman ng mga mata ko ang mga paper bags na laman ang mga pinamili na mga damit at personal stuff para sa akin.

Binuksan at kinalikot ko ang mga yun. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang isang red sexy dress. I'm sure na lalabas ang perfect curves ng katawan ko kapag suot ko na ang damit na yan.

My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFWhere stories live. Discover now