Chapter 47:REVELATIONS

2.5K 195 36
                                    

Chapter 47: Revelations
~💖~

Drei's POV

Nakauwi na kami ng bahay at pinapasok ko sya  agad.

Naging tahimik sya sa kotse ng pauwi kami.

Ngayon na ang oras para malaman ko ang mga pinaggagagawa nya kapag nakatalikod ako.

"WHAT THE FVCKING HELL WAS THAT?!" Galit kong tanong sa kanya.

"SO WHAT?!" Balik nyang tanong.

"SO WHAT?! YUN LANG BA ANG SASABIHIN MO?! TINANGGIHAN MO ANG DATE NATIN PARA MAKIPAGLANDIAN KA SA IBANG LALAKI?!" Irita kong sabi.

Sinampal nya naman ako.

"At ikaw pa ngayon ang may ganang magalit?! Samantalang ikaw ang may kasalanan. Ano bang nangyayari sayo Mild?! Bakit ka nagkakaganyan?! May asawa ka na at nasa ganung lugar ka pa ng ganitong oras?!" Galit kong sabi, ramdam sa salita ko ang galit.

"Woah?! Talaga?! May asawa ako?!" Natatawa nyang sabi.

What the Fvck?!

"Umayos ka nga Mild! Siempre asawa mo ako! kaya may pakialam ako sayo!" Sabi ko sa kanya.

Mas lalo naman syang natawa.

"Really?! Mabuti ka pa alam mo na may asawa ka. I'm glad, Hahaha." Natatawa nyang sabi.

"Oo, alam ko at hindi ko nakalimutan okay?!" Sabi ko at hinawakan ko sya sa balikat nya.

"Ako kasi hindi eh! Panu ko nga naman masasabi na may asawa ako, kung palagi naman akong nag iisa sa bahay na'to! Mag isang kumakain, mag isang natutulog at kausap ang sarili." Tumatawa at naluluha nyang sabi.

"You know the reason Mild, alam mo naman na may anak na ako di ba? Kaya ako busy palagi kaya hindi kita nasasamahan." Paliwanag ko sa kanya.

Tinanggal nya naman ang kamay ko sa balikat nya.

"I understand Drei, okay lang naman sakin yun eh. Pero yung parang invisible ako para sayo, iba na ata yun! Nung una hindi mo ako pinapansin o binibigyan ng kahit kaunting atensyon man lang, pero habang tumatagal parang nawala na ako ng tuluyan sa paningin mo! Ako nga ang inuuwian mo pero ni hindi man lang kita NAKAKAUSAP kahit isang minuto, dahil kapag andito ka natutulog ka o kaya naman nagpapahinga at kahit kamustahin mo man lang ako kapag umuuwi ka hindi mo man lang magawa! *sob*" Umiiyak nyang sabi.

"That's because I'm just tired, that's why i can't communicate at you properly." Depensa ko.

"Talaga?! Eh nung araw na tinanong mo ako nung gabi na hindi malaman kung ano ang itsura ko, nung gabing umuwi ako ng late at tinanong mo kung saan ako galing nun di ba?"  Tanong nya sakin.

"Yeah.. I remember." Sagot ko.

Bakit ano bang nangyari sa kanya noon at ganun ang itsura nya?

"Well, galing lang naman ako sa restaurant nun na sana ay magdidinner tayong dalawa, dahil BIRTHDAY ko lang naman nung araw na yun! Ilang oras ako naghintay sayo, nag text ako sayo pero wala man lang akong natanggap na reply! Hanggang sa sumara na ang resto at umuwi na ako ng gabing-gabi at sakto naman na wala nang sasakyan kaya napilitan akong maglakad pauwi! At hindi lang yun,  nanakawan pa ako ng gabing yun kaya hinabol ko sya at kaya nagkaganun ang itsura ko tapos pagkauwi ko naabutan kitang nanunuod lang dito at tatanungin mo ako kung anong nangyari sakin?! What the Fvck Drei?! Ni hindi mo naalala ang birthday ko, that was supposed to be my special day. Hindi ka na nga nag effort na batiin man lang ako nang gumising ka, kahit gift wala akong natanggap! Alam mo ba kung ganu kasakit yun Drei?!" Panunumbat nya sakin.

I didn't remember it, hindi ko alam na ganun pala ang naramdaman nya.

I'm so sorry...

"Alam mo ba ang pakiramdam na nakalimutan ng sarili mong asawa ang mahalagang araw para sa asawa nya. Pero pinalampas ko yun dahil mahal na mahal kita Drei, kaya nagpakamartyr ako at pinalampas ko yun." Umiiyak nya pa ring sabi.

Kitang-kita sa mata nya ang sakit na nararamdaman nya.

I felt guilty and hurt at the same time...

"Pero para ulitin mo nang pangatlong beses ang pananakit mo sa damdamin ko, sobra na 'to Drei. Tao pa rin ako, hindi ako manhid para hindi maramdaman ang lahat ng sakit!" Galit nyang sabi.

"Nung araw na nakita mong may bandage ako sa ulo, tama ka na galing akong hospital. Pero sa anong dahilan?! Dahil naaksidente ako! I contact you many times, but you didn't answer. Kailangan na kailangan kita ng mga panahon na yun, pero asan ka?! Wala ka! Ni hindi ka man lang nagparamdam kahit isang segundo! Hindi mo man lang ako binisita o kinamusta man lang!" Galit na galit na sabi nya.

I didn't expect this..

I feel disappointed and guilty..

Ang tanga ko para hindi ko alamin ang mga nangyayari sa asawa ko!

I hate myself so much!

Sana ako na lang ang nasasaktan ngayon, mas masasaktan ako kapag nasasaktan sya. I'm so sorry Mild, kung pwede ko lang sana kunin ang sakit na nararamdaman mo.

Gusto kong bumawi sa lahat ng mga pananakit at sakit na dinulot ko sayo.

"I gave you a chance but you reject it. Kaya sorry Drei, you can't blame me being like this again! Mild is dead and she will never ever come back again! I'm Avery now... And forever, i'm back on the bad ass business because of YOU!" Galit na sabi nya.

I did the same Mistake again! Nangako ako sa kanya dati na hindi ko na sya ulit sasaktan. Pero nabigo nanaman ako.

"I'm sorry..." Yan na lang ang nasabi ko.

Yumuko na lang ako.

"Your sorry can't heal this fvcking Shit and DAMN heart Drei." Sabi nya at tuluyan nang umalis.

Naiwan naman ako dito, tumulo ang mga luha ko at niyukom ko ang mga kamay ko.

I punch the wall hanggang sa dumugo ang kamay ko.

I don't care kahit mabali pa 'to. Wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.

This is literally Shit!

I'm so stupid to let this happened, DAMN it!

Sana... Sana...

Sana mapatawad pa nya ako.

This is UNEXPECTED author! It's all your fault!

(A/N:luh?! bakit ako sinisisi mo? Eh ikaw kasi eh, palagi nalang kay Sydney ang atensyon mo. Yan tuloy nag WAR kayo ni Nae Sa-rang mo.)

Eh ikaw kaya ang nagsusulat ng kapalaran ko. Kaya dapat lang kitang sisihin noh!

(A/N:Anyway, ayoko nang makisali sa gulo nila kaya abangan nyo na lang sa next chapter ang mga surprises scene or i must say UNEXPECTED scene na magaganap.)

~💖~

A/N: Sorry for the TYPOS guys!!!

Vote🌟 + Comment💬 = Happiness & UD!!!

Follow me here in Watty and Belle Montero WP on FB for more updates.

-belle_iswak4ever


My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFWhere stories live. Discover now