Chapter 28:Goodbye

2.7K 206 13
                                    

Chapter 28:Goodbye
~💖~

Mild's POV

As a part of the plan, i decided to leave this country and i send a message to my Squad except DREI.

To:K-Oozing Squad

Goodbye Squad, i  owe you a lot but i'm going to leave this conutry. Hope to see you all soon .  Kamsahamnida and Saranghaeyo for all.. and Anyeonghegaseyo..

Andito ako ngayon sa Airport, in any minute ay aalis na kami ng kambal ko, gusto ko nang tuluyang makalimutan at makalayo sa lugar na'to na puno ng masasakit na ala-ala.

One step na lang bago ako tuluyang makapasok sa eroplano, muli kong sinilayan at pinagmasdan ang lugar na'to, huminga ako ng malalim at tuluyan na akong pumasok sa eroplano. Goodbye squad, Goodbye Drei, and Goodbye to my old self..

And..

Hello USA! or should i say New York!

Wow ang ganda pala rito.. Grabe first time kong mag over seas..

"Do you like the view?" Tanong ni Adisson habang tinatanggal ang shades nya.

"O-oo." Sagot ko naman. Bitbit ko na ang maleta ko.

"Don't worry sa una lang talaga nakakapanibago, masasanay ka rin." Sabi nya sabay suot uli ng shades nya at nauna ng maglakad.

Pagkarating namin sa bahay ng Grandparents namin.. namangha ako sa sobrang ganda ng bahay nila, parang palasyo sa ganda't laki di na ako magtataka kung bakit mas gusto dito ng kambal ko at kung bakit sya spoiled..

"Mamsi!, Papsi!" Bati ko sa kanila sabay yakap.

"Oh, My another princess." Sabi sa akin ni Papsi habang nakayakap pa rin.

Mamsi at Papsi ang tawag namin sa kanila dahil masyado daw nakakatanda ang lolo at lola.. haha

"Look at you, kamukhang-kamukha mo talaga ang kapatid mo.. just a liitle bit.." Sabi naman ni Mamsi at pinagmasdan ako..

"A little bit? What Mamsi?" Nagtatakang tanong ko. Nagkatinginan naman sila ni Adisson, napakunot naman ang noo ko.. mukhang nagkakaintindihan sila sa tinginan lang..

"Don't worry princess, we'll help you change." Makahulugang sabi ni Mamsi, parang nakaramdam ako ng kaba.. i gulped.

"Anyway, magbihis muna kayo at mukhang pagod kayo sa flight." Sabi naman ni Papsi at nginitian kami, i really miss them so much.. sana maging masaya at maging tama ang naging desisyon ko kung bakit ako pumunta dito.. i hope they can help me.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at hindi na ako nabigla ng na jaw dropped ako sa ganda ng kwarto ko.. Grabe ang laki, parang apartment na sa laki.. and i love it wanna know why? because... it's PINK!

Nag-aayos na ako ng mga gamit ko ng biglang pumasok ang kambal ko at sumandal sa may pintuan.

"So, how is it?" Tanong nya.

"Okay naman." Sagot ko sa kanya at nilagay ko na ang mga damit ko sa closet.

"You know what, hindi mo na kailangan ang mga yan." Nakacrossed-arm nyang sabi.

"A-alin?" Tanong ko sa kanya.

"That trash." Turo nya sa mga damit ko, kumunot naman ang noo ko.

"Bakit naman? Pwede ko pa namang gamitin 'to ah." Kalmado kong sabi sa kanya.

"Alam mo ba kung bakit ka pinagpalit at niloko ng boyfriend mo?" Kalmado rin nyang tanong.

"Ano bang pinagsasabi mo at anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong.

"Dahil ang boring mo." Taas kilay nyang sagot, parang nakaramdam naman ako ng kakaiba parang...

"Look at you, ang cheap mo at wala ka man lang fashion sense, masyado ka pang mabait at ang style mo pang totally nerd kaya ang BORING mo." Mataray nyang sabi na parang iniinsulto ako, napapikit naman ako at parang nagpa-flashback sa akin ang mga sinabi ni Sydney.

"Sa panahon ngayon, ayaw ng mga lalaki sa mga babaeng boring, kaya hindi nakakapagtaka na iniwan at ipinagpalit ka ng boyfriend mo, BORING KA KASI!" Sarcastic nyang sabi. Dinilat ko ang mga mata ko at sinugod ko sya.

"Tumigil ka na!" Sigaw ko sa kanya. At nararamdaman kong naglilisik ang mga mata ko sa galit, hawak ko ang damit nya malapit sa may leeg.

"Great, you are finally showin." Kalmado nyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

"What do you mean?" Medyo may pang-gigigil na sabi ko sa kanya.

"Avery is finally showin in your personality, Mild." Sagot nya sabay tanggal ng kamay ko sa damit nya at tuluyan ng umalis.

Naiwan akong nakatulala,hindi ko rin maintindihan ang nangyayari sa akin, parang naiirita ako at bigla na lang akong sumabog at nanggigil.. ito na ba yung part ng plan na sinasabi nyang Change attitude? Hindi naman ako ganun dati pero masarap pala sa pakiramdam na mailabas mo ang galit mo.. para akong nag ibang tao, but i'm liking it.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, napansin kong suot ko pa rin ang kwintas na bigay sa akin ni Drei ng 1st Monthsarry namin.. hinubad ko ito at tatapon ko na sana ng  parang may pumipigil sa akin kaya napagpasyahan ko na lang na itago na lang sa cabinet ko.

Humiga na muna ako at hinayaan ko ang sarili ko na dalawin ng antok..

~•~

Drei's POV

Andito ako ngayon sa Cafeteria at kasama ko si Sydney.. as if i have a choice.. tahimik lang kaming kumakain ng biglang dumating ang squad.

"Drei, wala ka man lang bang gagawin?" Tanong nila at mukha silang kinakabahan..

"Anong ibig nyong sabihin?" Kunot noo kong tanong sa kanila.

"So hindi mo pa pala alam?" Tanong ni Pepper.

"Ang alin ba? pwedeng diretsyuhin nyo na ako." Sabi ko.. pero bakit parang kinakabahan rin ako..

"Umalis na si Mild." Sabi ni Chantelle. Nabigla naman ako.

"B-bakit sa'n ba sya pupunta?" Pilit na kalmado kong sabi.

"Umalis na sya ng bansa at di nya sinabi kung saan." Sabi naman ni Lyssa. Parang naguho ang mundo ko sa mga sinabi nila..

Umalis na sya.. hindi man lang ako nakapagpaliwanag sa kanya, umalis sya na galit sa akin.

Sana maging masaya ka rin Mild, I'm sorry for all the pain i cause..

I love you and Good Bye.

~💖~

A/N: Sorry for the TYPOS guys!!!

Vote🌟 + Comment💬 = Happiness & UD!!!

Follow me here in Watty and Belle Montero WP on FB for more updates.

-belle_iswak4ever


My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFWhere stories live. Discover now