Chapter 33:I STILL LOVE YOU

3.2K 200 16
                                    

Chapter 33:I Still Love You
~💖~

DREI'S POV

Papunta ako ngayon sa Midnight Club.. para saan?? Para bantayan si Mild.. Yeah, you're right. I'm secretly guarding her, alam kong nandun sya ngayon. Masakit mang isipin na ibang lalaki ang kasama nya ngayon, bali-baliktarin ko man ang lahat ako pa rin ang may kasalanan kung bakit sya nagkaganyan kaya gusto kong bumawi sa kanya. At oo, inaamin kong hanggang ngayon ay mahal ko pa rin sya at hindi yun nawala.

Pumasok na ako ng Midnight Club, inikot ko ang paningin ko at nakita ko sya ngingiti na sana ako kaya lang hindi yun ang naging reaksyon ko ng makita ko sya... na may kasama at kalandian na ibang lalaki. Ganun ba talaga ang tindi ng epekto ng paghihiwalay namin? Nagbago sya at wala na akong nakikitang dating Mild sa kanya ngayon. Miss ko na ang dating Mild.. yung kami pa at masaya at mahal namin ang isa't-isa.

Umupo ako sa may tabi ng pwesto nila, narinig ko naman silang nag uusap at nag tatawanan.. Tss..

"Babe, free ka ba tomorrow?" Tanong sa kanya nung lalaki.

BABE? Bakit sila na ba?

"Yeah." Mailkling sagot nya.

At hindi man lang kinontra ang tawag sa kanya. Psh.

"Babe, may naging boyfriend ka ba?" Tanong sa kanya ng lalaki.

Good question, sana sabihin nya na ako..

"Yeah, marami na, i can't count ang dami ko kasing ex sa America eh." Nakangiting sagot nya.

What?! 2 years lang ang lumipas ang dami nya nang naging boyfriend?

"Oh really? Eh dito sa Pilipinas?" Tanong ulit ng lalaki sa kanya.

Great! Baka dito nya sabihin na ako..

"Ahm, meron na rin.." Nag iisip nyang sabi.

"How about your first love?" Tanong ulit sa kanya.

Yan, grabe kung pati dito ay hindi pa rin ako.

"First love? haha. Hmm.. let me think..  sino nga ba?" Nag iisip nyang sabi.

Come on say it!

"Ah,yeah si.... ADAM!" Sagot nya.

Na-jaw dropped naman ako sa sinabi nya. WTF?! Adam? Seriously?

"Babe, single ka ba?" Tanong ulit sa kanya nung lalaki habang naka akbay.

"Single and ready to mingle.." Seductive nyang sabi.

Lilingunin ko na sana sila ng mahagip ng mata ko na naghahalikan na sila.. Naiyukom ko naman yung kamay ko sa galit.. kaya ang ginawa ko na lang ay sinipa ko ang upuan nila kaya natigil sila.

"What the?!" Medyo iritang sabi ni Mild.

Napangisi naman ako..

"Anyway, let's dance na lang." Alok nya sa lalaki.

"Sure." Sagot nung lalaki at tumayo na sila at pumunta sa may dancefloor.

Sumunod naman ako pero hindi ako nagpapahalata, sumasayaw rin ako at nasa likuran lang ako ni Mild ngayon. Babantayan kita sa ayaw at sa gusto mo..

Nararamdaman ko naman na nag sesexy dance sila at naamoy kong amoy alak si Mild, tsk.. kung tayo na lang ulit sana, di na kita hahayaan ulit na magkaganyan, aalagaan at mamahalin kita.

Nakita ko naman na gumagala ang kamay ng lalaking yun sa katawan ni Mild, at ang malala pa ay hinahayaan lang ni Mild yung lalaki.. Grabe nakakabanas na 'to. Kaya anag ginawa ko ay lumipat ako ng pwesto dun sa likod ng lalaki at tinabig ko sya kaya naman natigil sya sa pag chachansing.. Kala mo ah, andito ang guardian slash body guard slash nagmamahal sa kanya! kala mo ah, loko ka at ako pa ang kinalaban mo.

My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFWhere stories live. Discover now