Chapter 60:Drei's UNEXPECTED Condition

2.5K 182 17
                                    

Chapter 60:Drei's UNEXPECTED Condition
~💖~

Avery's POV

Kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa nangyayari ngayon kay Drei, hindi ko alam na hahantong sa lahat ang ganito.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, may inis, tuwa, galit at awa.

Kahit sarili ko hindi na alam kung ano na ang gagawin. ..

Andito ngayon si Drei sa hospital, pinatingin namin sya sa isang Psychiatrist .

Simula nung matapos ang away nila, tila ba tumatawa sya ng walang dahilan at parang nawawala sa sariling katinuan.

At ngayon, hindi ako, i mean  kami makapaniwala sa condition nya ngayon..

The Psychiatrist said that Drei has a mental disorder, dulot ng sobrang stress at pagka obsessed sa isang bagay.

Sobra akong naaawa kay Drei ngayon, i think that I'm the one who deserve to blame about this.

Alam kong dahil sakin ang nangyari kay Drei, hindi ko kasi inisip ang nararamdaman nya. Mas inuna ko pa ang galit at paghihiganti ko sa kanya, hindi ko inisip ang posibleng maramdaman at mangyari sa kanya pagkatapos kong gawin ang lahat ng pananakit at pagpapahirap ko sa kanya.

Nilapitan ko sya at bigla namang umangat ang ulo nya at tiningnan ako, may namuong ngiti at pananabik sa kanyang mukha.

"Nae Sa-rang.." Sabi nya na may ngiti sa mga labi.

Gosh! I admit na namiss ko rin sya at ang pagtawag nya sakin ng Nae Sa-rang..

Ngumiti naman ako..

Payo kasi ng doctor na makakatulong daw kay Drei ang mga taong naging malapit sa kanya at ang pagpapakita ng pagmamahal dito.

Lalo na ang mga bagay na gustong gusto o kinasasabikan nya, and i thought that's all me.

Gusto ko rin syang tulungan, bukal na sa loob ko at napatawad ko na rin sya sa mga nagawa nya sakin.

Para saan pa ang paghihiganti ko? Matagal na rin naman yun at bumawi na naman sya at nag sorry, kaya sapat na yun.

At alam kong mas kailangan nya ako ngayon dahil sa kondisyon nya.

"D-drei, what do you want?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Aaminin ko man ay medyo na aawkward ako, of course dahil may namagitan  na samin before.

Pumayag na rin naman si Adam at nauunawaan nya rin naman ang sitwasyon. Ang bait nya talaga...

"Nae Sa-rang, uwi na tayo. Bakit ba tayo andito?" Tanong nya.

At may pakamot effect pa sa ulo nya.

Sana nga matulungan ko sya at gumaling na sya. I can't bear to see him like this.

"O-okay." Sagot ko.

Nakangiti naman sya at niyakap ako kaya gumanti na rin ako ng yakap sa kanya.

Bigla namang bumukas ang pinto.

Biglang pumasok si Mint at tumakbo palapit sakin at niyakap ako.

"Mommy!" Sabi nya.

"Baconie!" Sabi sa kanya ni Drei.

Mukhang natakot si Mint kay Drei, alam na rin kasi ni Mint ang nangyari sa real dad nya.

And i told her na maki cooperate sakin sa pagpapagaling sa daddy nya.

Mabuti nga at natatandaan pa kami ni Drei, kaya lang nawala na sya sa katinuan kaya ayun kami na lang ang nag aadjust.

Pumayag naman si Mint sa sinabi ko, at ang sinabi ko sa kanya na gagawa lang kami ng magagandang memories kasama ang daddy nya as a family for a couple of months.

Hindi rin namin sinabi kay Sydney ang nangyari kay Drei,  dahil hindi rin naman sya makakatulong kay Drei at baka mas lalo pang lumala ang kondisyon ni Drei dahil sigurado akong stress lang dadalhin nya.

Alam kong hindi yun papaawat kaya mabuti na na wala syang alam at mas mabuti na lumayo muna kami sa mga gulo at problema.

Kaya nag decide ako na sa states na lang kami tumira pansamantala para mas mapabilis ang pag galing ni Drei at least dun madadala namin sya sa mga high quality doctors na makakatulong talaga sa kanya.

Sa makalawa pa naman ang alis namin at naka book na ako ng flight namin to NY.

And for the mean time ay M Magpo-focus muna si Adam sa trabaho nya at mag babakasyon rin sya pansamantala sa mga parents nya dahil matagal nya na itong hindi nakakasama.

Kay may double purpose ang mga nangyayari samin ngayon.

Nakauwi na kami sa Bahay ni Drei, i mean namin before. Wala pa rin namang pinagbago pero napanatili nya itong malinis at andun pa rin ang mga gamit ko. Hindi nya pala inalis ang mga ito at pinanatili nya pang malinis at maayos ito.

Ngayon napatunayan ko na na talagang mahal ako ni Drei...

"Daddy, where's my room po?" Tanong ni Mint kay Drei.

"Oh, here Baconie." Sabi nya at hinawakan sa kamay si Mint at tinuro ang kwarto nito.

Ako naman ay pumasok na rin at pinasok ko na rin ang mga maleta namin at nilagay ito sa may sala.

Sumunod naman ako sa kanila at namangha naman ako sa nakita ko. Talaga palang pinaghandaan ni Drei ang kwarto ni Mint, siguro matagal nya na itong pinaplano para kung sakaling bumalik kami dito, i mean sa kanya ay may kwarto na ito.

Well, nagtagumpay nga sya dahil andito na kami ngayon.

Kinarga nya naman si Mint at nilibot ito sa kwarto. Pink na pink ang kwarto at maraming girly things at dolls na nakapalibot dito.

"Did you like it baby? Ako mismo ang nag design ng kwarto mo at matagal ko tong pinaghandaan." Sabi nya kay Mint.

"Yes Daddy, i like it po." Nakangiting sagot naman sa kanya nito.

Mukhang nagkaka ayos na sila, mabuti naman at tuluyan nang matanggap ni Mint si Drei bilang Daddy nya at para mapabilis na ang pag galing nito.

Kung titingnan mo si Drei ay parang wala syang sakit, dahil ang saya saya nya walang bakas ng lungkot at problema sa mukha nya.

Pumasok naman ako sa kwarto namin before at bigla na lang akong naluha sa nakita ko...

Yung picture namin ni Drei nang ikasal kami...

Bigla kong naalala ang mga alaala namin ni Drei nung kami pa.

Aminin ko man o hindi ay totoo yung sinabi sakin  ni Drei noon na kasal pa rin kami hanggang  ngayon at asawa ko pa rin sya.

Walang nagbago sa kwarto namin, ako ang nag ayos nito noon at hanggang ngayon ay ganito pa rin ito.

Di ko namalayan ay nakangiti na pala ako habang may luhang tumutulo sa pisngi ko....

~💖~

A/N: Sorry for the TYPOS guys!!!

Vote🌟 + Comment💬 = Happiness & UD!!!

Follow me here in Watty and Belle Montero WP on FB for more updates.

-belle_iswak4ever


My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFDonde viven las historias. Descúbrelo ahora