Chapter 38:Protective Much!

2.2K 189 20
                                    

Chapter 38: Protective Much!
~💖~

Drei's POV

Nakakainis naman, bakit ba hindi nya sinabi sakin na may balak pala syang pumunta dito.  At ang katagpuan nya pa pala ay si Vinchy.

Nakita ko namang nakikipagsayawan sya kay Vinchy at aba! Mukhang nag enjoy pa.

Hindi ako payag na may isasayaw syang ibang lalaki bukod sakin. Arghhhh!!

Kaya ang ginawa ko ay nilapitan ko sila pero nagpasimple muna ako, nakisayaw ako sa kanila at paunti-unti kong inilalayo si Vinchy kay Mild. Hehe.. Kala mo ah..

Nakita ko namang napansin ni Mild ang ginagawa ko  at kumunot ang noo nya at nag pout.. Hayy.. Grabe masyado akong na-aattrack sa lips nya,  heart shaped at mapula-pula.

Hinawakan ko sya sa baywang.

"Nae Sa-rang, wag ka ng mag pout sige ka baka halikan kita dyan pag di ako nakapagpigil.  Tsyaka wag ka ng mag sosuot ng ganyan kaiikling mga damit,  tingnan mo pinagtitinginan ka ng ibang lalaki. At isa pa dapat sasabihin mo na sakin kung saan o may balak kang puntahan,  wala nang lihiman ha? Tsyaka nga pala binabalaan kita na dapat ako lang ang lalaking sasayaw sayo, okay?" Diretso kong sabi sa kanya.

She bite her lower lip at nag smirk.

"Protective much, My Jagiya?"  Mapang asar nyang sabi.

"Protective na kung Protective basta masigurado kong sakin ka lang." Sabi ko sabay kiss sa kanya smack lang naman.. Hehe. ^o^

After naming nakisayaw ay umuwi na rin kami at habang naglalakad kami panay ang tingin ng mga lalaking nakaka sabayan namin sa daan.

Agad ko namang inakbayan si Nae Sa-rang, para malaman at mabalaan silang may kasama sya na... gwapo, mabait at sobrang nagmamahal sa kanya.. Wohoo!! Ang hangin. Hehe totoo naman lahat ng sinabi ko kaya walang kumuntra okay kundi lagot kayo sa (Kookie fans and etc. Lalo na sa army's!) hehe.
Singit lang Anyway, anneyeong sa mga korean fan dyan lalo na sa bts at blackpink fans.

Pagkauwi namin ay naghilamos at nagpalit kami ng damit at natuloy na bukas na rin kami ang  uwi namin ng manila.  Pinaaga na namin ang pag uwi dahil excited kaming ibalita na kami na ulit!

Sana wala nang problemang dumating samin pero di naman maiiwasan yun di ba? That's how life goes.

~•~

"Jagiya naman eh, bilisan mo na!tanghali na oh!" Pag sermon sakin ng mahal ko.

Panu ba naman tinanghali na ako ng gising, sumakay na kami ng kotse at biyahe na.

Habang nasa sasakyan kami ay panay ang tingin ko sa kanya, panu ba naman panay text ng text sya sa cellphone nya kanina pa at panay pa ang ngiti. ~_~

Masilip nga sino ba ang katext nito at masyado syang masaya, at nang mapansin nya ay tinago nya agad. Hmmm... I smell something fishy....

"Nae Sa-rang, sino ba yang pinag kakaabalahan mo at kung makangiti ka wagas." Sabi ko na may halong pag kainis.

"Ah wala lang 'to, Jagiya. Si Adam lang naman ang katext ko eh."  Paliwanag nya.

"Ano?! May kaugnayan ka pa rin sa kanya hanggang ngayon?"  Medyo pasigaw kong sabi.

"Masyado ka namang selos,  Jagiya eh. Don't worry, honest naman ako sayo." Sabi nya sabay ngiti ng matamis. ^_^

"Hayy.. Pasalamat ka mahal kita...  Hayy naku! Haha" Sabi ko.

Tumawa naman sya.

Pagkarating namin ng manila ay dumaan muna kami ng mall.

My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFWhere stories live. Discover now