Chapter 54:THE TRUTH!

2.5K 193 20
                                    

Chapter 54:The Truth!
~💖~

Avery's POV

Hinila ako ni Adam at lumayo kami kila Drei.

"Avery, bakit mo sya kausap?" Tanong nya.

Uh-oh hindi na honey ang tawag nya sakin.

"I can explain honey." Sabi ko.

"No need hon, hindi naman ako galit eh." Sabi nya.

"I know, but nangangamusta lang naman sya at--" Naputol yung sasabihin ko nang...

"And she asked you who's the father of Mint? I also heard what you've been talking about." Sabi nya.

"Are you mad?" Tanong ko.

"No I'm not, in fact gusto kong sabihin mo sa kanya ang buong katotohanan." Sabi nya.

Napatingin naman ako sa kanya.

"What? Why do i have to tell him?" Di makapaniwalang sabi ko.

"Because he deserves to know, Avery!" Medyo pasigaw nyang sabi.

Nabigla naman ako.

"He deserves to know everything, honey." Malumanay nyang sabi.

"Panu kung ayaw ko?" Sabi ko.

"Wag mong ipagkait ang karapatan nya Avery, he has a right to know the truth." Sabi nya.

Naluha naman ako...

Kaya niyakap nya ako.

"Kahit gaano ka pa kagalit sa kanya, hindi mo pa rin maaalis ang karapatan nya. Walang sikretong naiitatago habambuhay, Avery. So better to tell him, mas maganda na na sayo na nanggaling ang lahat kaysa sa ibang tao nya pa malaman." Sabi nya habang nakayakap sakin.

I hug him back.

"Bakit ba ang bait mo hon? Nakakainis ka! Dapat ako ang kinakampihan mo eh. Tsyaka, gusto mo ba na hindi na ikaw ang maging daddy ni Mint ha?" Sabi ko.

"Haha. Hindi naman sa ganun honey, pero mas maganda na maaga pa lang ay alam na nila ang katotohanan dahil tayo rin lang ang mahihirapan sa huli." Sabi nya.

"Okay fine, may choice pa ba ako." Sabi ko at nag pout.

Bumalik na kami sa may play station kung nasaan sila Drei at ang mga bata.

"Drei, we need to talk." Sabi ko.

"Okay." Sabi nya.

Naglakad na ako at sumunod naman sya. Nakarating kami sa may labas ng Mall.

"Anong pag uusapan natin?" Tanong nya.

Inayos nya naman ang eye glasses nya. Ngayon ko lang napansin, nagbago na pala ang itsura nya at mas nagmatured na ang look nya.

Ako naman? Still gorgeous pa rin!

Mukhang pinahirapan sya ni Sydney ah. Yan kasi sya pa ang mas pinili mo kaysa sa akin. Tsk, Tsk.

"Adam said that i need to tell you the truth. That you need to know,  nothing but the truth." Sabi ko.

"What do you mean?" Naguguluhan nyang tanong.

Huminga naman ako ng malalim.

"Nung umalis ako papuntang NY, may isang bagay akong nalaman tungkol sa pagkatao ko. Nalaman ko na nagdadalang tao pala ako nung panahon na yun.." Sabi ko.

Nakikinig lang sya..

"At... Ikaw ang ama Drei. Ikaw ang ama ni Mint." Sabi ko.

Nabigla naman sya sa sinabi ko.

My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFWhere stories live. Discover now