Chapter 62:Living with the Possessive man

2.4K 186 15
                                    

Chapter 62:Living with the Possessive man
~💖~

Avery's POV

Nagising ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko, Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at napakunot ang noo ko ng nasilayan ko ang mukha ni Drei na nakangiti habang titig na titig sa kin.

"Morning, Nae Sa-rang." Nakangiting bati nya.

Nag alangan naman akong tumingin sa kanya, Inikot ko naman ang mata ko sa kwarto at..

"Morning din." Sagot ko sa kanya.

Umupo ako sa pagkakahiga ko sa kama at ganun din sya.

"Nae Sa-rang, Let's eat breakfast. Ako ang nagluto ng breakfast natin, Mint is waiting for us." Nakangiting sabi nya.

"O-okay." Nauutal kong sagot.

Pumasok na ako ng banyo, hindi ko alam pero hanggang ngayon na-awkwardan pa rin ako sa kanya.

At the same time ay humahanga rin ako sa kanya, kahit may mental disorder sya ay parang normal lang ang lahat kaso... Ang kaibahan lang ay masyado syang possessive sakin at ang feelings nya ay madaling mag explode kumbaga ay di na sya nagpapatumpik-tumpik sa nararamdaman nya at agad nya ng nilalabas ito. Tulad ng sa mall, muntik na kaming mag away.

And the doctor said that It's not that necessary on his condition, It's just that possessive na sya ngayon at kung ano ang gusto nya ay dapat makuha nya kung hindi ay kung ano pang gagawin nya na ikapapahamak nya ang maaring mangyari. Kaya eto ako ngayon parang slave nya.. Slave ng pagmamahal. Choss!

Naghilamos na rin ako at inayos ko na rin ang sarili ko at bumaba na.

Naabutan ko naman ang mag ama na masayang nagkekwentuhan habang kumakain. Maganda na ang pakikitungo ngayon ni Mint sa daddy nya, habang nagkakasama kaming tatlo ay Unti-unting nabubuo ang magandang pakikitungo at pakikisama namin sa isa't -isa.

"Nae Sa-rang!" Tawag ni Drei sakin ng mapansin nya ako.

Ngumiti naman ako.

"Mommy!" Salubong sakin ni Mint.

"Good morning baby." Salubong ko rin sa kanya at hinalikan sya sa cheeks.

"Ako Nae Sa-rang, wala na akong morning kiss dyan?" Panunuyo nya.

Nagblush naman ako.

"Oo nga Mommy, dapat si daddy meron din." Pagsang ayon ni Mint.

Langya. Eto na naman sila pinagkakaisahan na naman ako, mag ama nga.

Wala na rin naman akong nagawa kaya lumapit na lang ako sa kanya at hinalikan sya sa cheeks.

"Ayiieeeee." Pang aasar ni Mint.

"Sarap naman ng halik na yun, Nakakabusog." Sabi ni Drei.

Napailing na lang ako at kumain na rin kami.

"Dad, can you pass me the bacon." Sabi ni Mint.

"Sure, Baconie." Sabi naman ni Drei at inabot ang bacon.

Tahimik lang kaming kumain, hanggang sa nabasag ang katahimikan namin ng magtanong si Mint.

"Mom, when can i see Daddy Adam?" Tanong ni Mint.

Napatigil naman ako sa pagkain at pasimple akong sumulyap kay Drei.

Patay. Nagdilim ang mukha nya at naka kunot ang noo nito.

"Let's not talk about it, baby." Sabi ko.

"But Mom.." Pangungulit nya.

Tiningnan ko naman si Drei na nag usok na sa galit ang ilong. Pati pala sa anak namin ayaw nyang may kaagaw, hindi 'to maganda.

My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFKde žijí příběhy. Začni objevovat